Chapter 58: Struggles

836 23 4
                                    

Zoe's PoV

Naging malinaw na sa amin ang lahat. I shouldn't have judged her. May mga dahilan pala siya sa mga ginagawa niya at sa mga nangyayari sa lugar na ito. Sinabi niya sa amin na ginagawa niya lang iyon para sa kaligtasan namin. Sumama siya kay Howard sa takot na baka hanapin kami ni Howard at isa-isahing patayin kapag hindi sumama si Alicia sa kanya.

Nalaman ko rin na hindi pala talaga anak ni Howard si Dorothy. She just agreed with that fact para mas lalo niyang mamanipula si Howard.

Ngayon pa lang ay nalaman ko na na napakasama ni Howard. Iniisip niya lang ang kapakanan niya. Iniisip niya lang ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. At ang nasa isip niya lang ay lahat ng gusto niya ay makukuha niya.

"Aaminin ko na nagkaroon kami ng relasyon ni Howard noon pero napakatagal na noon. At alam ng asawa ko iyon. Pero kahit anong mangyari ay si Christian pa rin ang mahal ko, minahal ko, at mamahalin ko habangbuhay." meaningful na sabi ni Alicia.

"Pasensya na po, mama ni Kyle. Noong una ko po kaso kayong nakita parang ang sungit niyo po tsaka parang agree kayong patayin kami." nahihiyang sabi ni Rin. Alam kong nahihiya siya dahil alam ko kung papaano niya tinutukan ng crossbow si Alicia kanina.

"I have to pretend. Kailangan kong ipakita na nasa panig ako ni Howard. Dahil mahihirapan tayo kapag ipinakita ko sa kanya na sa inyo alo panig. Kaya naman habang busy siya at pagkaalis na pagkaalis niya ay agad akong kumilos upang matulungan kayo." tumango kaming lahat. Maya-maya pa ay nagsalitang muli si Alicia.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ligtas dito! Kung nagkataon na hindi ako ang pumasok sa warehouse na 'to, panigurado gulo ang aabutin niyo." nagaalalang sambit ni Alicia.

"Kasi po gusto na naming tumakas..." sabi naman ni Ethan.

Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi niya.

"Mahihirapan tayong gawin 'yan. Pero ipinapangako ko na makakalabas tayo dito at makakauwi na tayo. Hindi dapat kayo nagpadalos-dalos. Papaano kung nahuli nila kayo? Kung kailangang tumakas, paniguradong kailangan rin ng plano..." determinadong sambit ni Alicia.

Margo's PoV

Patuloy na ang pagdami ng mga walkers kaya kinabahan na ako. Paano kung maputol bigla ang sangang pinagsasabitan ng net na ito? Tiyak mahuhulog ako sa kamatayang mas brutal pa sa inaakala ko.

Hindi ko pwedeng hiwain ang net na ito ng kutsilyo gaya ng naisip ko kanina dahil once na masira ang net na ito ay mahuhulog ang buo kong katawan na magiging lamang-tyan ng mga halimaw na ito 'pag nagkataon.

Umisip alo ng paraan. Masikip man sa net na ito ay kinuha ko pa rin ang bag na bigay na ate Alicia sa akin at hinalungkat ito. Humanap ako ng maaari kong magamit sa pagtakas. Nais ko sana silang barilin pero alam ko na mas makaka-draw ako ng attention ng ibang walkers which will make me harder to escape.

Sa loob ng bag ay may nakapa ako tali. Tama, tali. Pwede na siguro 'to. Margo kumalma ka lang.

Nakaisip ako ng paraan sa pamamagitan ng tali na ito. Tumanaw ako sa taas at naghanap ng sanga na mas mataas at mas makapal pa kaysa sa sangang pinagkakapitan ng net na ito. Niladlad ko ang tali. Inilabas ko ang kamay ko sa net habang hawak ang tali at bumwelo na ihagis ang tali sa sangang nakikita ko.

Hinagis ko ang isang dulo ng tali upang masampa ito sa sanga pero hindi ako nagtagumpay. Shit, pano ba 'to... Let's try that again. Ihinagis kong muli ang tali. Sumampa ang tali pero sa kasama ang palad ay hindi sapat ang haba nito para mabawi ko ang taling iyon habang nakasampa sa sanga. Sinubukan ko itong muli at sa ikatlong pagkakataon ay nasaktuhan ko na rin.

Ngayon, may isa pa akong problema. Kailangan makuha ko ang ang tali na nakasampa upang mapagbuhol ko ang tali. It's so out of reach kaya umisip akong muli ng paraan. I came up with an idea na iswing ang sarili ko sa net upang makalapit sa tali. Sinubukan kong iswing ang sarili ko sapat na para maabot ko ang tali.

Nagpaduyan-duyan ako pero isang tunog ang nagpakaba sa akin. Isang crunch ng kahoy na nanggagaling malapit sa akin...

Agad akong napalingon sa kahoy na pinagsasabitan ng net ko at gayon na lamang ang pagkabigla ko nang nakita kong may kaunting damage na ito na parang mababali na!

Delikado man ay ipinagpatuloy ko ang pagduyan. Kailangan kong magrisk ng ilang mga swings upang maabot ko ang tali kundi mahuhulog na ako!

Sa bawat pagduyan ay rinig ko ang pagtunog ng kahoy. Konting duyan nalang! Inilabas ko ang kamay ko upang agad na maabot ang tali. Isang duyan pa!

Inintay kong mapalapit ako sa tali at the moment na naabot ko ang taling ito ay agad ko ring nilabas ang kabilang dulo ng tali. Bale hawak ko ang magkabilang tali dahilan para tumigil ang pagduyan ng net ko pero sa kasamaang palad ay the moment na natigil angpagduyan ay nahila naman ang net dahilan upang tuluyang maputol ang sanga!

Sa kabutihang palad ay nahawakan ko naman ang dalawang tali kaya kahit nasira na ang sanga ng net na pinagsasabitan ko ay nakalutang pa rin ako. Pero alam kong pansamantala lang ito dahil once na mapagod ako ay makakabitaw ako sa taling ito.

Nakatalukbong pa rin sa akin ang net. Bakit? Dahil hindi nasira ang mismong net. Ang nasira ay ang pinagsasabitan niya. Buong-buo pa ang net na itoat hindi ko maaalis sa katawan ko ito kung hindi ko hihiwain.

Kinuha ko ang kutsilyo ko at gamit ang isang kamay ay hiniwa ko ang net upang hindi ito maging sa pagkapit ko.

Nang mahiwa ko ang net ay naitalukbong ko ang net sa ilang mga walkers at kahit papaano ay gumaan ang katawan ko. Nakaramdam na rin ako ng kaunting pagkangalay buhat sa pagkapit sa tali kaya naman ginawa ko ang aking makakakaya upang maakyat ang makapal na sanga.

Matagumpay ko itong nagawa. Nakaupo na ako ngayon sa sanga at napahinga nang maluwag. Kahit papaano ay nabawasan ang problema kong mahulog sa mga halimaw na ito pero ang isang tanong, paano ko papatayin ang sandamakmak na mga halimaw na ito?

***
Ethan on the multimedia. Sorry for the bad quality. 😂👌

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon