Chapter 42: Cat & Dog

1K 28 2
                                    

Chapter 42

Rin's PoV

Bwisit yun si Zooey iniiwanan ako! Akala naman okay lang na wala siya dito. Kaasar. Lumabas ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng makakain ko. Kumuha ako ng chichirya, ketchup at isang baso ng tubig. Habang papalakad ako papuntang salas ay biglang akong may nakabangga.

"Ayy showerrrr!" nasabi ko sa biglang pagkagulat. Natapon tuloy yung baso ng tubig. Sino ba kasi ito? Napa-angat ako ng ulo at tumambad sa harapan ko si Trevor na nakatingin sa damit niya na natapunan ng tubig. Meydo inis yung itsura niya. Tsss.

"Huwag kang maarte, tubig lang 'yan." pang-aasar ko sa kanya at iniwanan na. Naramdaman ko na lang na bigla niya akong hinila. Tapos bigla akong napasandal sa pader. Ag sakit tuloy ng likod ko. Sinasadya niya bang ibalibag ako sa pader. Over siya ha?

"Problema mo?" walang gana kong sabi sa harap niya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Ano bang meron sa taong ito at bigla akong hinila ng walang dahilan. Nasa kalahati na lang tuloy yung tubig na kinuha ko. Maya-maya ay bigla siyang ngumisi. Naramamdan ko na lang na may bigla siyang kinuha mula sa kamay ko. "Hoy, yung chichirya ko!" sigaw ko dahil kinuha niya yung clover chips ko. "Kung gusto mo nyan manghingi ka ng maayos hindi yung bigla mo na lang kukunin Tsk!" inis kong sabi. Ngumiti naman siya.

Hinabol ko siya para makuha ko ulit yung clover chips ko. Kinuha ko kasi yun sa grocery. Pinaghirapan ko yun kaya hindi pwedeng basta-basta nya na lang kukunin. Fighting! *determined eyes*.

Tumakbo siya palayo sa akin. Ha, 'yan ang gusto mo ha? Dumaan ako sa kabilang pintuan patungo sa likod bahay para masalubong ko siya. I'm really fortunate. Nakasalubong ko si Trevor ng may pagkagulat sa kanyang mukha. "Pano mong-?" sabi niya. "Mukhang hindi mo pa saulo ang buong military base, boy." mapang-asar kong sabi. Agad kong hinablot mula sa kamay niya yung malaking clover chips. Nainis naman siya.

"Pahingi kasi." natatawa ako sa itsura niya habang nanghihingi. Parang pulubi. Naka-pout. Lol. Imaginin niyo yun, si Trevor nag-pa-pout. Ka-lalaking tao nagpa-pout na parang babae, dahil lang sa isang Clover chips. Bumalik ako sa sala. Naramadman kong nasunod siya sa akin.

"Bibigyan kita nito, sa isang kondisyon." sabi ko nang may ngisi sa mga labi. "Ano?" sagot naman niya. Lalo akong napangiti. Hindi naman mahirap ang konidsyon ko sa kanya. Pagbabayaran niya lang ang ginawa niya. "Ikuha mo ako ng isang basong tubig." utos ko. Siya kasi ang dahilan kung bakit naubos yung tubig na kinuha ko.

Bumalik naman siya sa sala ng may dalang isang baso ng tubig. "Ito na po, mahal na reyna." natawa lang ako. Kinuha ko ang tubig at ininom ito. Ngunit pag-inom ko ng tubig ay may nalasahan akong kakaiba. "Hoy! Bakit ang asim nito?!" sabi ko. "Ang asim niyo po kasi." natatawang sabi ni Trevor. Nilagyan niya ng suka ang tubig ko! Bwisit ka Trevor!

Binuksan ko yung chips ko. Tiningnan ko siya. Mukhang naiinggit siya. Ang dami mong atraso sa akin, Trevor. "Gusto mo?" pag-iinggit ko. Tumingin lang siya sa akin, alam niya naman na hindi ko siya bibigyan ng chips. HAHA! Manigas!

Masaya kong kinain ang chips ko habang iniinggit si Trevor. Kung gumawa lang sana siya ng ikatutuwa ko, edi sana sabay naming pinagsasaluhan ang Clover na ito. "Inggit ka no?" matawa-tawa kong sabi. Nag-crossed arms lang siya sa sobrang inis.

"Oh, bibigyan kita." nakangiti kong sabi. Hind i naman siya tumingin sa akin. "Ayaw mo pa?" pangunglit ko. Dudukot na sana siya ng chips pero pingilan ko siya. "Bago ka humingi, inumin mo muna yang tubig na may suka." as usual, mapang-asar ko pa rin sabi.

"Wag na nga." umalis na lang siya smantalang ako, tawa lang ng tawa. Poor Trevor. Hinid ako madamot. Pinipili ko lang talaga ang bibigyan ko. Ang kulit niya kaya.

••

HEARTBEAT: Zombie Apocalypse (Walkers#1) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon