→ BARBIE ORTELA ←
I'm on my way to Ashton University using my 2016 Mazda MX-5 Miada. I really love driving this car, smooth lang kasi. Eto ang pang 21st Birthday sa'kin ni Mama, pakunswelo na din niya siguro dahil lagi siyang wala.
Well for me, mas okay na 'yun nagagawa ko kasi lahat ng gusto ko kasama ang tatlo kong mga kaibigan. Simula palang nung mga bata palang kami mag ka-kaibigan na kami kaya sila lang din ang nakakakilala at nakakaintindi ng ugali ko.
Masama kasi ugali ko, aminado ako dun.
Ang tawag sa'ming apat ay Señoritas at kami ang reyna sa Ashton University na pagmamay-ari ng Mama ko.
Lahat kami anak mayaman, matalino at syempre magaganda. Pero kahit ganun, magkakaiba kami ng personality.
Ang kaibigan kong si Kimberly Culas ay isang playgirl. Ang ang dami niyang naging boyfriend pero ang pinaka matagal niyang naging ex, 2 weeks.
Si Toru Menoza isang model, ginawa siyang model ng clothing brand na pagmamayari ng magulang niya at book store nila.
Si Bambie Advincula, ang pinaka tahimik sa lahat. Mas bet niya 'yung magbasa, makinig ng music at magpaka-nerd.
Ako naman, mataray, pasimuno ng bully sa school, matapang, walang kinakatukan, walang pakialam sa iba maliban sa mga kaibigan ko, mainitin ang ulo at matigas ang ulo. Lahat na ng negative attitude, narinig ko ng sinabi sa'kin.
Nakarating ako ng Ashton University, finally. Pinark ko lang sa exclusive parking for Señoritas ang kotse ko. Nakita kong nandun na din ang mga kotse ng kaibigan ko kaya for sure nasa Special Room (S.R) na 'yung mga 'yun.
Sinimulan ko na ang mag lakad papuntang S.R at simula na din na nagsisilayuan ang mga schoolmates ko. Natatakot silang uminit ang ulo ko sa kanila dahil paniguradong ibu-bully ko sila at hindi nila gusto ang way ko ng pang bu-bully kaya ngayon palang lumalayo na sila.
Nakarating ako ng S.R, nakita kong nandito na nga ang mga kaibigan ko at nag tatawanan na.
"Talo ka B. Akin na convertible mo." 'Yan agad ang salubong sa'kin ni Toru habang tumatawa.
"What?!!" Gulat kong tanong. Ang tinutukoy niyang pagka-talo ko ay ang pagpupustahan namin kung ilang araw lang magsasawa na si Kimberly sa boyfriend niya ngayon. Ang pusta ko isang linggo, si Toru naman 3days.
I groan, sitting on my seat.
"Ginawa n'yo pang libangan yung libangan ko ah." Kimberly said laughing. Siya lang ata ang natutuwang pinag pupustahan. Grabe talaga!
"Bakit ba ang bilis mong mag sawa sa lalake, tatlong araw palang sa'yo yung lalakeng 'yun sawa ka na agad?" Inis kong sabi kay Kim. Tumawa lang si Toru sa sinabi ko habang si Bam naman walang reaksyon.
Yah! Pikon ako! Sayang 'yung convertible ko eh. Brand-new 'yun.
"You can't blame me B. Alam mo kung anong bukang bibig niya palagi? Kung gaano sila kayaman, almost perfect daw siya, nakakairita diba? Akala mo naman totoo." She rolled her eyes.
"Eh bakit mo pa kasi pinatulan kung pagsasawaan mo din naman?" I asked.
"Nagtaka ka pa, eh past time niya nga diba." Bam said.
We nodded saying you're-right.
"Ha.ha.ha. wag nga 'ko ang gawin n'yong topic." Pabalang na sabi ni Kim.
"Basta B. 'Yung convertible ah? Akin na 'yun." Pagpapaalala ni Toru.
"Oo na!" I rolled my eyes. Nakakapikon talaga natalo ako. Nakakainis na talaga 'yung pagiging playgirl ni Kim, natatalo ako sa pustahan!