Señoritas (35)

3.7K 147 9
                                    

"Nandito na 'ko." Dinig kong boses ni Daniel.

Nandito ako sa kusina at nag papaka-domestic sa pagluluto. Actually katatapos ko lang at sakto ang dating niya.

Tumakbo ako para salubungin siya ng yakap dahil 'yon ang lagi niyang request sa'kin.

Pagkakita ko sa kanya sa sala, inilalapag niya lang 'yong bag niya sa sofa. Kita ko sa kanya ang pagod.

Niyakap ko agad siya tulad ng request niya at naramdaman kong parang ang init niya kaya bumitaw agad ako sa yakap niya.

"You okay?" I asked.

"'Yeah! I'm fine, medyo pagod lang sa byahe."

Hinaplos ko siya sa forehead niya. "May sinat."

"Ayos lang ako B." Hinawakan niya ako sa mag kabilang pisnge at hinalikan ng mabilis sa labi. "Gagaling na 'ko dahil sa kiss mo."

"Hindi naman nakakagaling 'yong kiss nu! Ang mabuti pa, kumain na tayo para makainum ka ng medicine."

"Okay." Pagsangayon niya.

Hinawakan ko na siya sa kamay niya tsaka ko siya hinila papunta sa dining area. Pinaupo ko siya sa upuan, tsaka ako nag prepare ng food para sa kanya. Sinabayan ko din naman na siya sa pagkain.

"B. bukas pala start na ng midnight schedule ko." He informed.

"Papasok ka pa? You're sick!"

"Mahaba naman ang pahinga ko bukas e kaya for sure gagaling na 'ko no'n."

"Tss."

Dapat talaga siguro tulungan ko na siyang mag work, nagkakasakit na siya kakatrabaho. Kaso 'di naman siya pumapayag. Baka 'pag pinilit ko, mag away pa kami.

After naming kumain, sinigurado kong uminum siya ng gamot baka sakaling makatulong sa pag galing niya. Sana nga lang talaga gumaan na 'yong pakiramdam niya after nito.

Pagkatapos ko siyang painumin ng gamot sinamahan ko na siya sa kwarto namin. Nag bihis na muna siya tsaka siya humiga sa kama.

"Goodnight D. Pahinga ka na."

"I will. Tabihan mo na 'ko."

"Mamaya na."

Nag pout siya para mag paawa. "Tabihan mo na 'ko."

"Baka kasi hindi ka makapag pahinga ng maayos kapag tumabi ako."

He shakes his head. "Hindi mangyayari 'yon kaya please tabihan mo na 'ko."

I sighed. "Sige na nga."

Humiga na 'ko sa tabi niya tsaka naman siya agad-agad na yumakap sa'kin at ipinikit ang kanyang mga mata.

Pinagmasdan ko na lang muna siya habang natutulog. Lagi kong chini-check 'yong temperature na sa forehead niya para malaman ko kung tumaas ba lalo ang init niya or bumaba na. So far, same pa din tulad kanina kaya medyo na kakampante ako kaya natulog na lang din ako.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at tulog pa din until now si Daniel. Hinaplos ko siya sa forehead niya at naramdaman kong mas tumaas pa 'yong lagnat niya.

Shit!

Dali-dali akong napa-upo mula sa pagkakahiga ko. Hindi ko alam ang dapat gawin, nag sisimula na 'kong mag panick.

Dahan-dahang minulat ni Daniel ang mga mata niya at tumingin siya sa'kin. Pinilit din niya ang umupo.

"Ayos ka lang?" He asked sensing my pagpapanick.

"I uh... don't know what to do. Y-you're sick."

"Ipapahinga ko lang 'to at i-iinum ng gamot, ayos lang ako. Makakapasok pa nga ako e."

"No! Hindi ako papayag na pumasok ka!" I protest. Sa lagay niyang 'yan tingin ba talaga niya papayag ako? E parang isang pitik ko lang tutumba na siya e.

"Bago lang kasi ako sa trabaho kaya pangit naman kung a-absent ako 'di ba?"

"Ipapasara ko 'yang pinagta-trabahuhan mo kung hahayaan pa din nilang pumasok ang may sakit na employee!"

Seryoso ako!

"Ganito na lang. Magpapahinga pa 'ko hanggang mamaya. For sure mawawala na 'to, tutal mamaya pa namang gabi ang pasok ko e."

"No!" Pagmamatigas ko.

"B. Please? I promise, uuwi na lang ako kapag hindi ko na talaga kaya."

Tsk. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya?

I sigh showing of my giving up.  "Fine! Pero promise mo 'pag 'di mo kaya umuwi ka nalang. Okay?"

He just nodded.

"Magluluto lang ng breakfast para makainum ka na ng gamot."

He just nodded again.

"'Wag ka na munang kikilos, para mas mabilis kang gumaling."

Ngumiti siya at muling tumango.

Iniwan ko na siya sa kwarto makapag-luto na ng makakain niya.

Haay! Ngayon lang ako naiinis sa pakiki-pagtanan na 'to! Nagkaka sakit siya dahil sa pagtatrabaho niya dapat nag aaral pa siya at 'di nag ta-trabaho.

Alam ko namang ginagawa niya 'yon para sa'min at gusto ko siyang tulungan pero ayaw naman niyang pumayag.

Bahala na! Sa ayaw at sa gusto niya, mag hahanap ako ng trabaho kahit part-time lang. Siguro naman papayag siya kung part-time lang.

Kaya lang wala naman akong alam na trabaho. Mas sanay kasi akong may nag ta-trabaho para sa'kin.

--

Dumating ang gabi...

Just like what Daniel said papasok siya sa trabaho. Medyo bumaba 'yong lagnat niya dahil sa whole day lang siyang nag pahinga kaso hindi parin ako confident na kaya na nga niya.

Bihis na siya ngayon at ready na sa pagpasok sa work. Sinubukan ko talaga siyang pigilan kaso matigas talaga ulo niya at ayaw pa ding pumayag. Nakahanap na talaga ako ng katapat sa pagiging matigas ang ulo.

"Sure ka ba talagang kaya mo?" Pagaalala ko.

Ngumiti siya. "Kaya ko." Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis. "'Wag ka ng magaalala."

"'Yong pangako mo a! Uuwi ka kapag hindi mo na kaya."

"Opo!"

Nag simula na siyang mag lakad palabas ng bahay at wala na talaga akong nagawa.

Pumunta na lang ako sa kwarto namin at humiga sa kama. Nag aalala talaga ako. Haay! Kainis wala akong magawa!!

Ipinikit ko na lang 'yong mga mata ko, itinakip ko sa mga mata ko ang likod ng kamay ko.

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko at pagaalala agad kay Daniel ang unang pumasok sa isip ko.

Hindi talaga siya umuwi, pinilit niya talaga 'yong katawan niya.

Umalis ako ng kama at dumiretso sa paglabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa para hintayin ang pagdating ni Daniel.

Anong oras kaya siya uuwi? Hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol do'n.

Oras na ang inabot ko sa paghihintay ko sa kanya hanggang sa finally may narinig akong kumatok sa labas, baka siya na 'yon.

Pero teka bakit kailangan pa niyang kumatok?

Nag madali na 'kong pagbuksan siya ng pinto pero laking gulat ko na hindi si Daniel ang makita ko kundi si... Alec.

He smirked at me. "Hi B. Na miss kita."

Shit!

--

Keep voting.

Sorry maiksi.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon