Señoritas (34)

3.5K 139 6
                                    

I sighed.

Wala na 'kong ginawa kundi ang bumuntong hininga sa sobrang boring dito sa bahay. Halos lahat nagawa ko na dito.

Naglinis ako kahit na 'yong paglilinis ko ay mukhang madumi pa din.

Tsk. Boring pala maging house wife lang. Wait! Ba't parang kinilig ako do'n sa sinabi kong Housewife ako? Hihi.

Nasa work pa ngayon si Daniel kaya bored na bored talaga ako. And since na bo-bored ako lalabas na lang ako ng bahay na 'to at mag lilibot dito sa Street namin. Hindi ko pa din naman kasi 'yon nagagawa dito.

Pero bago 'yon nag shower muna ako, nag bihis lang ng simple para hindi naman ako mag mukhang sosyal ulit.

Lumabas ako ng Apartment na ang tanging bitbit lang ay ang ganda ko. Nakarating ang paglalakad-lakad ko papunta sa isang playground kung saan may nakita kong mga batang nag lalaro, meron din grupo ng apat na magkakainigang babae. 'Di ko tuloy maiwasang ma-miss ang Señoritas. Almost two weeks ko na silang hindi nakikita at nakakausap. Sinunod kasi namin ni Daniel 'yong advice ni Bam na 'wag gagamit ang cellphone namin dahil baka ma-track kami ni Mama.

Ano kayang ginagawa ng mga 'yon, ngayon?

Nakita ko ang isang babae sa apat na magkakaibigan na may hawak na cellphone. Nagkaroon ng idea na makitawag, hindi naman siguro ma-ta-track ni Mama kung ibang cellphone ang gamit ko e.

Naglakad ako papalapit sa kanila na medyo pinagtaka nila at medyo natulala pa nga sa hindi ko alam na dahilan.

"Ganda n'yo naman po, model po ba kayo?" Tanong ng isang girl sa'kin.

Umiling ako bilang sagot.  "Pero may friend akong model si Toru." Sagot ko at nakita kong ikinagulat nila 'yon.

I wonder why.

"Friend mo po siya? Fan niya po kami." Sabi pa nung isa pang girl.

"Talaga? Matutuwa 'yon 'pag narinig niya."

Kailan pa 'ko naging friendly?

"Uhm... Anyways, pwede ba 'kong maki-tawag?" Tanong ko do'n sa babaeng may hawak ng cellphone niya.

Nakakahiya naman 'to!

Tumango siya at inabot 'yong phone. "Salamat!"

Dinaial ko na 'yong number ni Bam 'yon kasi ang kabisado ko mas mabilis kasing kabisaduhin number niya e.

Nag ring ng twice ang cellphone niya bago niya 'to sagutin.

"Hello?" Urgh! Na miss ko nga talaga sila.

"Sino 'yan? May boyfriend ka na?" I heard Kim’s voice na sinamahan pa ng tawa at tingin ko naki-join si Toru sa pagtawa.

Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Sabagay, almost two weeks palang naman pala akong nawawala.

"Shut up!" Inis niyang sabi kay Kim. "Sino ba 'to?" Tanong naman niya sa'kin at ramdak kong iritada na siya sa pangiinis nila Kim, well dama ko siya.

"It's me Barbie."

"B?!" Napasigaw siya sa gulat kaya bigla kong na ilayo ang cellphone sa tenga ko. Kailangan ba talagang sumigaw? Ang sakit sa tenga no'n a!

"Ako nga." Sagot ko.

"Si B. 'yan?" I heard Toru’s asked.

"Loud speaker mo." Kim said.

"Hi, Señoritas!" Bati ko.

"B!" Sabay-sabay nilang tawag sa'kin, boses palang nila halatang excited silang makausap ulit ako.

"Miss ka na namin B." Toru said.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon