Señoritas (36)

3.4K 143 15
                                    

"A-anong ginagawa mo dito? Paano mong-"

"There’s a girl who posted on Toru’s fan page, she said there’s a friend of her na nakitawag sa kanya. So i think ikaw na 'yon."

What the HELL?

Bakit ba hindi ko na isip na pwedeng gawin 'yon ng fans ni Toru. Bwiset!!

Paano na 'to ngayon?

Pumasok si Alec ng bahay kahit hindi ko naman siya binigyan ng permisong gawin 'yon.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay inililibot ang tingin sa paligid ng bahay.

"Bahay ba 'to? Parang bahay ng daga!"  Pangiisulto niya.

"Lumabas ka!" Pagtataboy.

Binaling lang niya ang tingin niya sa'kin habang nakangisi. "Ano'ng pinapakain niya sa'yo, cheese?" Umiling siya na parang may naiisip pang, pang insultong sasabihin.

"Alam mo, akala ko matalino ka! Talaga ba'ang pumayag kang i-tira ka lang ng gagong 'yon sa ganitong kaliit na bahay? Iniwan mo ang buhay Señorita mo para lang dito?"

I chuckled, sarcastically. "Hindi ba nakakasira sa pride mo dahil mas pinili ko ang ganitong buhay kesa ang pakasalan ka?"

Mas mukhang na insulto siya sa sinabi ko. Sinimulan niya ako e, tatapusin ko.

"Umaasa ka bang pang matagalan 'yong relasyon n'yo? Siguro nga Ortela ka pero isa ka pading Ashton, anak ng pinaka makapangyarihan at tinitingalang Businesswoman ng bansa. Siguro naman alam mong gagawin lahat ng Mama mo para i-layo ka sa lalakeng kinakabaliwan mo ngayon. And guest what? Papunta na siya dito!"

Double shit!

I glared at him. "Lumabas ka na!" Pagtataboy ko.

He smirked. "Kahit lumabas ako, hindi ka pa din makakawala. I will make sure na iuuwi na kita!"

"Labas na sabi e!" Sigaw ko.

Sinunuod naman na niya 'yong sinabi ko. Pagkalabas na pagkalabas niya, padabog kong sinarado ang pinto dahil sa sobrang inis.

Ano na ngayong gagawin ko? Paano kung dumating si Mama habang wala pa si Daniel? Paano kung dalhin nila ako ng wala pa si Daniel? Oh shit!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko kaso ang hirap kumalma ngayon lalo na't alam kong ilalayo na nila ako kay Daniel.

Umupo na lang ako muna sa couch habang nag hihintay kung sinong mauunang makakarating sa bahay, si Mama o si Daniel. Kung sino man sakanila for sure hindi naman mapipigilan nun na iuwi ako nila Alec.

After ng mga kalahating oras lang siguro may kumatok ulit sa pinto ng bahay. For sure si Mama na 'yon dahil hindi naman kumakatok si Daniel.

Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo ko at dahan-dahang nag lakad papalapit sa pinto.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang unti-unti kong inilalapit ang kamay ko sa door knob.

Nasaan na ba kasi si Daniel? Bakit wala pa siya?

Pinagbuksan ko siya ng pinto, and yes i saw my Mother na halatang galit at hindi ma-ipinta ang mukha.

Bigla niya akong sinampal ng sobrang lakas. Ini-expect ko na din naman na 'yon.

Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa, chi-ni-check niya ata kung buo pa 'ko. "Iuuwi na kita! At hindi ko na
hahayaan na makalapit ka pa do'n sa lalakeng 'yon!" She angrily said.

"Hindi ako uuwi, dito lang ako!" Kalmado kung sabi pero nando'n ang diin.

Tumawa siya ng sarkastiko. "You think magagamit mo sa'kin yang katigasan ng ulo mo? Hindi!" Lumingon siya para tumingin sa mga men in black niyang tauhan.

"Dalhin n'yo na siya, kaladkarin
n'yo kung kinakailangan!"

No! Shit!

Lumapit sa'kin 'yong mga guard ni Mama at hinawakan ako sa mag kabilang braso.

"Don’t touch me!" I shouted.

'Di nila 'ko pinansin at inilabas na 'ko ng bahay. "I said don’t touch me!" I shouted again. Sinubukan kong mag pumiglas pero masyadong mahigpit ang hawak nila sa'kin hanggang sa mailapit nila ako sa kotse ni Mama.

"Hindi ako sasama sa inyo! Daniel!" I shouted his name. Na saan ka na ba?

"B!" That’s Daniel’s voice. Tumigil sa paghila sa'kin itong mga guards pero hindi pa rin sila bumitaw.

Tinignan ko siya na kababa lang sa kotse at halatang gulat na gulat nang makita si Mama at Alec. "Bitawan niyo siya!" He shouted.

Sinubukan niyang lumapit pero pinigilan siya ng mga guards ni Mama. Hinawakan din siya ng mga ito tsaka naman lumapit si Alec sa kanya at sinimulang suntukin.

"Tama na 'yan! May sakit siya!" I shouted.

"Ituloy n'yo lang!" Utos ni Mama.

I glared at her.  "Hindi padin ako sasama sa inyo!"

"Tignan natin!"

Binalik ko ulit 'yong tingin kay Daniel at binubugbog pa din ni Alec at sinabayan na siya ngayon ng ibang guards. "Tama na yan please, may sakit siya! 'Wag n'yo na siyang saktan!" Pagmamakaawa ko.

Bumitaw sa pagkakahawak ang mga guards sa kanya at dahil sa bugbog na ang katawan niya at duguan na din, bumagsak siya sa kalsada.

Tumingin pa din siya sa'kin kahit nahihirapan siya.

"'W-wag kang sasama B." Pinipilit padin niyang magsalita.

Tears are now falling into my cheeks at napaluhod ako habang nakatingin sa kanya. Nahihirapan na siya dahil sa'kin. Sigurado akong di siya titigilan ni Mama hangga’t 'di ako sumasama. 'Di ko na kaya! Ayoko na siyang nakikita pangnnahihirapan, nahihirapan siya dahil minahal niya ko dahil minahal ko siya. Malaki na din ang na sakripisyo niya para sa'kin siguro dapat ako naman ang mag sakripisyo para sa kanya.

"Tumahimik ka!" Galit na sabi ni Alec sabay sipa ulit kay Daniel.

"Tama na!" Mahina kong sabi. Parang nawalan na 'ko ng energy. Hindi 'yon narinig ni Alec kaya tinuloy pa din niya ang pagsipa kay Daniel.

"I said stop it!" I shouted. "Sasama na ko, itigil mo na yan!"

Finally tumigil na si Alec at binaling ang tingin sa'kin.

"I'm sorry." I mouthed at Daniel.

Tumayo ako at tumalikod na sa kanya.

"B. Wag kang... sasama!" 'Di ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sumakay na sa kotse ni Mama.

"B!" He shouted. I can still hear his voice. Ayaw tumigil ng luha ko sa pag patak.

Fuck!

--

Hours after nakarating na kami ng Mansion. Bumaba ako ng kotse ni Mama at nag simulang mag lakad papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Alec pero 'di ko siya pinansin.

Pagdating ko sa kwarto ko, umupo ako sa kama at nakatingin lang sa kawalan.

Iniwan ko na siya, nagalit ako sa kanya noon dahil 'di niya 'ko pinaglaban pero pati pala ako isusuko lang siya.

Hanggang ngayon parang nakikita ko pa din 'yong mukha ni Daniel na binubugbog at duguan.

Ano na kayang nangyari sa kanya?
Sana lang alam ko.

I chuckled, bitterly. Naalala ko na naman kung paano hayaan lang ni Mama na saktan si Daniel nila Alec at tauhan niya. Nanay ko nga siya pareho kaming magaling magpahirap. Nakakainis talaga!!

Tumayo ako at nag simulang mag wala, binasag ko lahat ng pwedeng mabasag, binabato ko lahat ng kaya kong mabato, ginagawa ko 'yon
habang sumisigaw.

Galit ako, gusto kong ilabas 'to!

Mahina ako, 'di ko siya na paglaban sa Nanay ko dapat noon palang no'ng sumuko na siya hinayaan ko na baka sakaling hindi pa ganito kasakit para sa'kin at lalo na para sa kanya. Bakit ba ganito? Ang sakit! Sobrang
sakit.

--

Keep voting.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon