"Señoritas, may engagement party kami sa Sunday ni B. kaya pag handaan nyo 'yon." Alec told us with a smile on his face.
Nagkatinginan kaming tatlo ni Kim at Toru dahil sa binalita ni Alec sa'min. Binaling namin ang tingin kay B. na wala lang reaksyon sa sinabi ni Alec. Mukha namang may idea na siya dito. Talaga ngang tuluyan na niyang sinuko si Daniel.
"And also ang kasal namin ay mangyayari after this semester." Alec added.
After this semester? Ibig sabihin, kung kailan din ang alis ni Daniel? May date na kaya? Nabanggit na din kasi ni Daniel ang date sa'kin ng pagalis niya.
"So, tuloy na tuloy na nga pala talaga." Toru comments.
"Yup. Si Tita ang nakaisip nun dahil masyado na daw marami ang nagiging sagabal." Alec said. I know he's referring to Daniel.
"Kung gano'n siguro dapat may bridal shower kami para sa kaibigan namin." Kim suggested.
"Kayo ang bahala." Alec said tsaka siga tumayo. "I-po-post ko lang ang tungkol sa engagement, para malaman na ng lahat." He added.
Malaman ng lahat? o malaman ni Daniel?
Akala niya ata 'di namin alam ang iniisip niya.
Nag simula na siyang mag lakad paalis ng S.R.
"B. Hindi ka na ba talaga aatras sa kasal na 'yan?" Toru asked her.
"No." B. answered.
"B." Tawag ko sa kanya kaya napunta ang atensyon niya sa'kin. "May date na ba ang kasal?" Tanong ko.
She told me the date and eksakto 'yon sa date ng pagalis ni Daniel.
"'Yon ang araw ng pag-alis ni Daniel." I informed her. Alam ko namang kaya sinasabi sa'kin ni Daniel ang plano niya ay para mapaalam ko 'to kay B. Hindi niya magawang makausap si B. kaya sa'kin niya idadaan.
"Aalis si Daniel?!" Gulat niyang tanong.
"Yup. Sa States na siya titira at mag aaral."
"Paano kayo 'pag umalis siya?" Kim asked me.
"Well, i guess... LDR kami."
"You think it will work?" Toru asked.
I shrugged, looking at her. "I don't know. Medyo nag aalala nga din ako sa pagalis niya, baka 'di namin kayanin ang LDR. pero sabi naman niya kapit lang."
Pwede na talaga akong mag artista sa galing kong umarte or pwedeng mag writer dahil ang galing kong gumawa ng istorya.
"Anyways," Tumayo na 'ko tsaka ko binaling ang tingin kay B. "Pupuntahan ko lang si Daniel."
B. rolled her eyes. C'mon B. Hanggang kailan mo paninindigan na wala na lang sa'yo si Daniel kahit na sinabi ko nang aalis siya. Gusto kong sabihin sa kanya 'yan. Hindi ko lang ginawa. Masakit pero, alam kong si B. lang ang makakapag papigil kay Daniel na 'wag umalis.
Ang totoo ayaw ko talagang umalis si Daniel. Mas gusto kong nandito siya at makitang masaya kay B. kesa naman habang buhay na namin siyang hindi makita. Kapag umalis si Daniel, lahat talo sa larong ginawa ni Alec at ni Auntie. Ay hindi, panalo pala si Alec at Auntie dahil nagawa nilang mapilit si B. na makasal kay Alec.
Nag simula na lang ako sa paglalakad palabas ng S.R.
Pinuntahan ko si Daniel sa open space dahil do'n siya mahilig umidlip at tumambay. Sa pag dating ko ng open space, hindi ako nag kamaling makita siya na nakahiga sa bench habang may panyo na nakatakip sa mukha nito.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang panyo na nasa mukha niya, nagising siya sa ginawa kong 'yon.
Minulat niya ang isa niyang mata at tumingin sa'kin.
"Hey!" I greeted.
"Hey!" He greeted back, sitting.
Umupo ako sa tabi niya.
"Sorry, nagising ka. May sasabihin kasi ako sa'yo." Sabi ko sabay abot ng panyo niya.
"Ayos lang, ano 'yon?"
"Ikakasal na si B."
He chuckled. "Matagal ko ng alam 'yon."
"Sa araw ng alis mo ang kasal nila."
Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. "Gano'n ba? Ang bilis naman ata. Nag aaral pa sila."
"Si Auntie daw ang nakaisip nun na paniguradong tinanggap agad ni Alec."
Huminga siya ng malalim tsaka siya tumingala sa langit at pinikit ang mga mata.
"'Wag kang iiyak dito." I joke.
He chuckled, looking at me. "I'm not. Don't worry."
"Good. Baka isipin nila, pinapaiyak kita."
He just laughed, softly. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay at pinatong niya 'to sa legs niya.
"Anyways, kailan mo gustong mag date tayo?" Tanong niya.
I smiled. "Sa Sunday."
"Okay."
--
"Bakit ganito pa ang pinasuot mo sa'kin? Parang masyadong pormal para sa isang date." Tanong ni Daniel pagkalabas ko ng Mansion ko.
Naka suot siya ngayon white polo shirt at black suit na talaga namang bagay na bagay sa kanya. Mas lalong lumutang ang ka-gwapuhan niya dahil sa suot niya. Well, ako pinartneran lang din ng black gown ang suit niya.
"Napahiram din tuloy ako kay utol ng kotse dahil sa suot ko. Hindi kasi bagay kung naka motor ako tapos ito suot ko." Dagdag niya.
I laugh. "Bagay naman sa'yo a. Ano bang inaangal mo dyan?"
"Sabihin mo na kasi kung saan tayo mag di-date? Para akong sasabak sa gera nito ng walang dalang armas."
Nag lakad ako papalapit sa kanya. "'Wag kang magagalit sa'kin kapag sinabi ko."
"Okay, i won't. Saan ba?"
"Sa engagement party ni B." Kita kong nagulat siya sa sinabi ko. "Sorry ngayon ko lang sinabi. Kaya kita pinasuot niyan dahil gusto ko sana ikaw ang date ko sa party na 'yon. Ayos lang ba?"
Alam kong pagsasayang ng date 'tong naisip ko. Pagkakataon ko na kasi sana 'yon para magkaroon ng totoong date sa kanya kaya lang na isip ko, siguro dapat nando'n siya.
Huminga siya ng malalim na parang hindi alam ang isasagot sa tinanong ko. Nakikita kong nag dadalawang isip siya sa isasagot sa'kin.
"Hindi naman kita pipilitin kung hindi mo kaya. Ma-iintindihan ko naman." I reassured.
"No. It's fine. Let's go there together."
"Are you sure?"
He nodded. "Yeah. I'll be fine, don't worry." He reassured.
He offered his hand. "Let's go?" He asked.
Tumango lang ako tsaka ko inabot ang kamay niya kaya magka-holding hands kaming lumapit sa dala niyang kotse. Dumiretso kami sa direkson ng pinto sa passenger seat tsaka niya ako pinagbuksan. Sumakay din naman agad ako.
Sa pagsakay niya at pagandar ng makina, sinimulan na namin ang byahe papunta sa venue ng engagement. Ang seryoso lang ng mukha niya habang nag mamaneho, ni hindi nga siya makausap.
Tsk. Hindi ko na lang pala sana na isip 'to.
To be continued....