Señoritas (49)

4.1K 158 15
                                    

↪️Barbie️↩️

Until now hindi pa din mawala ang tuwa ko habang nag sha-shower dahil hindi na natuloy ang kasal namin ni Alec. Sobrang saya ko talaga sa ginawa ni Alec, kahit pala papano nakakaisip din pala siya ng maganda dinamay pa niya si Cherry. Buti naman may matinong nagawa ang dalawang naging pahirap sandali sa buhay ko.

Ngayon ang gagawin ko nalang puntahan si Daniel sa States, para makasama siya. Hindi ko na siya isusuko sisiguraduhin ko 'yan!

Nang natapos na 'ko mag sha-shower ko nag tapis lang ako ng towel tsaka ako lumabas ng bathroom. Wala akong dalang damit kaya manghihiram nalang ako kay Bam.

Palabas na sana ako ng kwarto nang biglang mag bukas ang pinto at laking bigla nang makitang si Daniel ang nag bukas nito. Nanlaki ang mga mata niya dahil din sa gulat na makita ako.

"B?"

"D?"

Sabay kaming nagsalita.

Bumaba 'yong tingin niya sa katawan ko. Shit! Oo nga pala naka tapis lang ako.

"Hey!" Pagaangal ko kaya dali-dali niyang iniwas ang tingin niya.

"Sorry." He apologized.

"Na saan si Bam?" I asked.

"Lumabas may bibilhin daw."

Lumabas? May bibilhin? Baka plinano na naman 'to ng babaeng 'yon. Masasapok ko talaga 'yon e.

"Uh... Sige, hahayaan na muna kitang mag bihis." He told me.

"Wala naman akong pang bihis dito e. Manghihiram sana muna ako kay Bam kaso, umalis pala siya."

"Baka lamigin ka niyan kapag hindi ka pa nag bihis." Pinahiga niya sa sahig ang maleta niyang dala tsaka niya 'to binuksan. Kumuha siya ng T-shirt and pajama at hinagis 'to sa'kin.

"Suotin mo na 'yan." Pagkasabi niya no'n sinara na niya 'yong maleta niya tsaka siya nag lakad palabas ng kwarto.

Hanggang ngayon nagtataka padin ako kung ano'ng ginagawa niya dito? Akala ko ba nakaalis na siya? Kung gano'n ano'ng ginagawa niya dito?

Dali-dali akong nag bihis para mapuntahan ko na siya at matanong. Siya lang makakasagot sa mga tanong ko.

After kong mag bihis, nag madali din akong lumabas sa kwarto at pinuntahan na si Daniel.

Nakita ko siya sa sala na umiinum ng beer. Lumapit ako sa kanya at umupo sa separate chair. Pinag buksan niya ako ng beer at inabot niya 'to sa'kin. Kinuha ko naman agad 'yon.

"Akala ko ngayon ang alis mo papuntang States?" I asked.

"Bakit wala ka sa honeymoon 'di ba kasal nyo ngayon ni Alec?" Tanong din niya sa'kin.

'Di ba niya alam na 'di natuloy 'yong kasal? Tsaka ako? Pupunta sa honeymoon namin ni Alec? Never! Sa honeymoon namin pwede pa.

"Hindi natuloy 'yong kasal namin." I informed him sabay inum ng beer ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Paanong hindi natuloy?" Pagtataka niya.

"Si Alec kasi may pinakilalang girlfriend sa harap naming lahat..." Gulat pa din siya. "Guess who’s that girl?" I asked.

"Sino?"

"Cherry!" Mas lalo siyang nagulat at ngayon may pagtataka na kaya hindi ko maiwansang matawa.

Tinignan niya lang ako ng what-so-funny look. "Maganda si Cherry, kaya siguro na gustuhan siya ni Alec."

What seriously? He thinks maganda 'yong Cherry na 'yon? Ako lang dapat ang maganda sa paningin niya. Selfish na kung selfish basta gusto ko ako lang!

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon