Señoritas 15

5.9K 184 8
                                    

We're at Kim's Club again. She invited us here again. Since wala naman akong gagawin sa Mansion kaya sumama na 'ko.

I hope hindi lang kaming Señoritas ang inimbita niya dito. Sana pati si Daniel para kahit papaano naman ma-enjoy ko 'tong gabi.

"B. Hanggang kailan ka mag papakipot kay Daniel?" Birong tanong ni Kim.

"What do you mean? Hindi ko naman na tinatanggi sa kanya na gusto ko siya ah."

"Ang ibig sabihin ni Kim sa sinabi niya, kung kailan mo sasagutin si Daniel." Toru cleared.

"I don't know. Dapat ba sabihin ko na lang sa kanya na kami na or hintayin ko siyang tanungin niya 'ko?"

"Just wait na tanungin ka niya." Toru answered.

"No! Ikaw na mag tanong!" Kim said.

"Kimberly, ang right process sa ligawan ay tatanungin ng guy 'yung nililigawan niya kung pwede nang maging sila. Hindi ang girl ang magtatanong nun!" Toru told her.

"T. Year na for millennials, pwede na kayang manligaw ang girls sa boys ngayon."

Hindi sila nakakatulong sa lovelife ko. Nakakagulo sila lalo.

"Bam, anong advice mo?" Si Bam na nga lang ang matanong for sure matino sasagutin nito.

"I'll go with T. wait for Daniel to ask." She answered.

"See? Good girls always win!" Toru smirked at Kim.

She rolled her eyes on her. "Okay, kayo na ang good ako na ang not so good when it comes to boys. But hey you can't blame me for playing their hearts, they do the same."

"Para namang na experience mo na 'yun sa kanila!" I comment.

"You're right, i haven't!" She laughed. Toru joined her to laugh while kami ni Bam napailing na lang dahil sa kapilyahan niya

I saw my iPhone, ringing on top of the table. Nakita ko din na si Daniel ang tumatawag kaya kinuha ko agad 'yun at sinagot.

"Hello, D?"

"Hi! Kakain na sana ako ngayon tapos bigla kitang naalala. Kumain ka ba?" Tanong niya.

"I'm actually drinking with Señoritas here at Kim's Club."

"So, hindi ka pa kumain?"

"I'm not really starving."

"I see. Ingat ka pauwi, Señorita."

"I told you to call me B. not Señorita!" I scolded him.

I heard him chuckled. "Sorry, i forgot. Ingat ka pauwi B."

"I will!" He ended the call.

Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa lamesa at uminum ng tequila ko.

"Who's up to dance?" Kim asked.

"Pass!" Sabay-sabay naming sabi.

"Ang boring nyo talagang kasama sa Club!"

"Hindi lang kami over mag enjoy, like you." I said.

She rolled her eyes. "Comfort room lang ako."

Tumayo na ito at nag lakad na palabas ng VIP Room.

"B." Tawag sa'kin ni Bam. I looked at her. "Nabanggit mo na ba kay Daniel ang tungkol kay Alec?"

I shake my head. "I haven't."

"Why?" Toru asked.

"Alam nyo naman na si Daniel ang nag iisang lalakeng na gustuhan ko 'di ba? Natatakot akong baka kapag sinabi ko sa kanya na may itinakda nang ipakasal sa'kin baka itigil niya kung ano mang meron kami."

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon