↪️ALEC↩️
This is it! Our wedding. Ang pinaka masayang araw ko, pero hindi para kay B.
She's walking on the aisle now with her Dad.
Halata sa kanya na ayaw niya sa kasal na 'to, pinapakita at pinaparamdam niya 'yon sa'kin.
Akala ko sa pag dating ng Papa ni B. Hindi matutuloy 'tong kasal na 'to pero hindi naman nangyari. Ni assured pa 'ko ni Tita na tuloy na tuloy ang kasal kahit pang ano'ng sabihin ng Papa ni B. sa kanya. Totoo naman 'yon dahil ngayon, nandito na kami sa venue ng kasal.
Nasasaktan nga lang ako sa pinapakitang emosyon ni B. Pero ito na ang huling araw na malulungkot siya dahil simula din ngayon, I’ll make her the happiest girl this day.
Sisiguraduhin ko 'yan!
Sa paglapit ni B. sa'kin, inabot lang ni Mr. Ortela ang kamay ng anak niya sa'kin pero hindi naman niya ako pinansin. Even ang Papa ni B. ayaw sa'kin.
Sa pagharap namin sa priest, tumingin siya sa bride ko at halatang nagtataka sa blangkong reaksyon ng bride ko kaya 'di ko maiwasang matawa ng malakas.
Tumingin naman agad sa'kin si B. na halatang na wi-wirduhan sa ginawa kong pagtawa.
"Pasenya na po father, ano kasi e, ayaw ko talagang mag pakasal." Sabi ko na nag pa-gulat sa lahat. Pero wala nang mas gugulat pa kay B.
I look at her, smiling blankly. I told you i’ll make you the happiest girl this day. Dahil papakawalan na kita. I told her pero sa isip ko lang.
"Alec, what are you saying?" Inis na sabi ni Mama sa'kin.
Humarap ako sa mga guest ng kasal. Tumingin ako sa mga Señorita na halatang gulat din. Binaling ko ulit ang tingin kay B.
"Pasensya na B. Hindi ko talagang kayang pa kasalan ka dahil may mahal na 'kong iba," I paused.
Nakatitig lang siya sa'kin at 'di
ma-intindihan kung anong ginagawa ko."Cherry!" Tawag ko kay Cherry habang hindi inaalis ang tingin kay B.
Palihim ko siyang inimbita dito dahil sinabi ko sa kanya ang planong 'to. Siya lang ang nakakaalam sa planong 'to.
Binaling ni B. ang tingin niya kay Cherry, gano'n din ang ginawa ko. Nakasuot lang si Cherry ng black dress. Lumapit ito sa'min tsaka ko 'to inakbayan.
"Do you know her? Schoolmate natin siya." I asked B.
She just nodded at halata pading nagtataka.
"I'm in love with her, please understand na ayaw kong mag pakasal."
"Alec!" Dinig kong tawag sa'kin ng Mama ni Barbie kaya binaling ko ang tingin sa kanya.
"Sorry Tita, wala na 'kong nararamdaman pa kay Barbie kaya hindi ko na siya pakakasalan."
Muli kong binaling ang tingin kay B.
"You can go now. Paalis na siya ngayon 'di ba?" I'm referring to Daniel. Ang nag iisang lalakeng magiging dahilan kung bakit kahit kailan hindi siya magiging masaya.
Napapa iling siya habang tumatawa. "'Di ko alam kung anong laro nyong dalawa pero, salamat!"
"B!" Bam shouted kaya nabaling ang tingin niya dito. "Tara na! Baka abutan pa natin siya!" I heard Bam said.
Tumingin muna si B. Sakin at ngumiti ulit, 'yong totoong ngiti na never niyang binigay sa'kin noon, ngayon lang.
"Salamat ulit." Tumakbo na siya paalis ng altar.