Señoritas 4

7.6K 267 7
                                    

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Irita kong tanong kay Toru. Nasa book store kami ngayon na pag mamayari ng pamilya ni Toru. Ewan ko kung bakit sumama pa 'ko dito samantalang badtrip pa din ako sa pag iwan nila sa'kin sa school kahapon kasama si Daniel.

At 'yung mokong na 'yun hindi pa din mawala-wala sa isip ko 'yung pag hawak niya ng kamay sa'kin. Tsk. Mas lalo tuloy akong na inis sa pag iwan sa'kin ng mga 'to dahil hindi mawala sa isip ko 'yun.

"I already told you, pinapa check sa'kin 'to ni Mama, gusto niya kasing patakbuhin ko 'to sa school break natin. "

"Ang boring!" I said.

Kim laughed. "Badtrip ka pa rin ba tungkol kahapon?" She said sensing my inis.

"Oo!"

"Ano bang ginawa nyo kahapon? Nag kiss ba kayo?"

"Tumigil ka nga! Bakit naman kami mag ki-kiss, aber?"

"Malay mo naman nag take advantage si Poging Daniel."

"'Wag mo siyang itulad sa mga naka date mo!"

"Uy! Pinagtatanggol." She teased making Bam and Toru laughed.

"Shut up K!" Irita kong sabi.

"Nag ba-blush ka!" Toru teased too.

"Manahimik na nga kayo!" Pag tripan daw ba 'ko? Imbes mag sorry dahil iniwan nila ako, pinag tripan pa 'ko.

Makapaglibot na nga lang dito.

"B. Saan ka pupunta?" Dinig kong tawag ni Bam.

"Lilibot!"

"Malaki 'tong book store B. baka maligaw ka." Pang aasar na naman ni Kim.

Hindi ko nalang pinansin 'yung sinabi niya at nag patuloy nalang sa pag lalakad para libutin 'tong store. Baka din kasi sakaling may makita akong magandang basahin.

Habang naglilibot may naaninag akong pamilyar na mukha. Ang lalakeng hindi mawala sa isip ko, si Daniel. May hawak siyang book at tila namimile din ng librong babasahin.

Hmm. Mahilig nga talaga ata siyang mag basa.

Teka! Ano bang pakialam ko kung mahilig siyang magbasa?

Dahan-dahan ko siyang nilapitan para hindi niya mapansin dahil naiisip ko na namang sirain ang araw niya.

Inigaw ko 'yung book na hawak hawak niya.

"What are you-" Hindi niya natuloy 'yung sinasabi niya nang makita niya 'ko. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

I smirked. "Me?" I pointed myself. "Book store 'to ni Toru this is our territory, kaya ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan."

"Obvious naman diba? I'm here to buy a book!" Kinuha niya 'yung inagaw ko sa kanyang book.

"Whatever! ang sabihin mo stalker ka!" Nag cross arms ako.

Lumapit siya sa'kin as in malapit kaya medyo nailang ako.

"Paano kung inii-stalk nga kita? Anong gagawin mo?" He said wearing a smirk on his face.

I blushed, instantly. Umiwas ako ng tingin bago pa niya makitang nag ba-blush ako.

Sinubukan ko siyang sipain sa binti pero 'di tumama.

"Nice try, Señorita." He smirked again.

"'Wag mo nga 'kong tawaging Señorita, hindi tayo close!"

He shrugged. "Okay."

Bakit ba lagi nalang nauuwi sa ako ang naiinis imbes na siya?

Nag simula na siyang maglakad papunta sa counter, pero bago siya makarating sa counter binato ko siya ng nahawakan kong libro at tinamaan ito sa likod ng ulo niya.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon