"Hindi ako makapaniwalang ginawa 'yon ni Daniel." Kumento ni Kim.
Nandito kami ngayon sa Club niya at umiinum. Na kwento ko sa kanila ang tungkol sa kabaliwan niyang desisyon.
"Ayaw kong marinig na banggitin n'yo pa ang pangalan ng lalakeng 'yon, na intindihan n'yo? Kapag binanggit n'yo pangalan niya kakalimutan kong kaibigan ko kayo!"
Bitter na kung bitter pero ayaw ko talagang marinig pa na binabanggit ang pangalan niya dahil masyadong masakit kahit marinig lang na mabanggit ang pangalan niya.
Ngayon lang ako nagalit ng sobra ng ganito. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito kaya hindi ko alam kung paano i-be-behave ang sarili ko.
Uminum na lang ulit ako ng cocktail. Hindi ko alam kung pangilang cocktail ko na 'to, hindi ko na rin na bilang.
"Kanina ka pa inum ng inum B. tama na 'yan!" Bam told me.
"'Wag mo na nga lang akong pakialamanan!" Irita kong sabi. Palibhasa hindi pa nila nararamdaman 'to!
"Mahal ka niya!" Bam said again.
"Putang inang pagmamahal 'yan!" Bakit ba na uso 'yan?
Tumayo na lang ako at padabog na umalis ng VIP room. Bumaba ako ng hagdan tsaka naman may biglang nakabangga sa'kin.
"S-sorry Barbie." Paghingi agad ng tawad nung babaeng nakabangga sa'kin.
Hinila ko siya sa damit niya in very agrresive way. "Alam mo bang sirang-sira ang araw ko ngayon tapos bubungiin mo pa 'ko?Nagpapakamatay ka nu?"
Sinampal ko siya ng sobrang lakas kaya natumba siya pero hindi pa rin ako satisfy. Sinipa ko pa siya ng sinipa sa sobrang inis ko. Wala akong pakialam kahit na nakikita kong umiiyak na 'yong babaeng 'to.
Bigla ko namang naramdaman na may humawak sa magkabilang braso ko para pigilan akong sipain pa 'yong babae. Nakita ko naman si Bam na tinutulungan 'yong babaeng makatayo kaya alam kong si Kim at Toru 'tong pumipigil sa'kin.
"Bitawa n'yo 'ko!" I shouted angrily. I'm glaring at the girl.
"Tama na B. makakapatay ka sa ginagawa mong 'yan!" Bam scolded me.
"I don't give a fuck!" Nag pumiglas ako sa pagkakahawak nitong dalawa kaso ayaw talaga nilang bumitaw.
"Let me go!" I shouted again.
"Tama na B. Ano ba?!!" Toru scolded me.
"Sabi ng bitawan n'yo 'ko e!" I shouted again. Lalo akong nag pumiglas sa pagkakahawak nilang dalawa. Nakabitaw si Toru sa'kin at sa hindi sinasadyang pangyayari na sampal ko si Toru.
Nagulat siya sa nagawa kong 'yon, maski naman ako na gulat din. Nagtitigan lang kami sa mata ng bawat isa ng walang sinasabing kahit na anong salita.
Ako ang unang bumitaw sa titigan namin tsaka ako nag lakad palayo sa kanila. May sinipa pa akong upuan dahil sa sobramg galit at inis ko.
"Damn it!" I shouted again. Bakit ba ganito 'to kasakit? Bakit wala manlang nag warning sa'kin na ganito pala kasakit ma-in love?
Kung alam ko lang, hindi ko na lang pala sana naramdaman 'yan!
Dumiretso ako sa paglabas ng Club. Sumakay ako sa kotse ko. Inistart ko ang makina at nag maneho papunta sa... hindi ko alam. Basta gusto ko lang mag maneho ng mag maneho, bahala na kung saan ako dalhin ng mga gulong ko.
Dinala ako ng pagmamaneho sa... hindi ko alam kung saan 'to. Basta meron lang river at ilaw sa mga kalsada lang ang tumutulong para magpaliwanag sa madilim na view ng river.
Iniyuko ko ang ulo ko sa manebela at umiyak ng umiyak. Naiinis ako! Nagagalit ako! Sobrang... nagagalit ako sa mga nangyayari!
Bakit hindi niya ako pinaglaban? Mahal ba talaga niya ako? Kung mahal niya ako, bakit niya agad ako sinuko?
Baka naman hindi gano'n kalalim ang pagmamahal niya sa'kin kaya mabilis niya lang akong isinuko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak dito hanggang sa mismo ang luha ko na lang ang napagod sa pagluha ko.
I decided to drive again... and again hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamaneho ko.
Hanggang ang pag mamaneho ko ay dinala ako sa bahay ni Bam. Tingin ko naman nakauwi na siya dahil may mga lights na sa loob ng bahay niya.
Pero hindi ko alam kung mag do-doorbell ba 'ko dahil sa nagawa ko kanina kay Toru. Hindi ko alam kung paano siya haharapin after kong magwala sa Club ni Kim.
Inabot din ata ng kalahating oras ang pagiisip ko kung mag do-doorbell ba 'ko o hindi, hanggang sa nagkalakas na 'ko ng loob na gawin 'yon.
Bumaba ako ng kotse ko at nag doorbell na. Ilang sandalinlang din naman nag bukas na ang pinto at nakita ko si Bam na mukhang bagong shower lang.
"B. What are you doing here?" She asked.
"Can i sleep here again?"
She nodded. "Oo naman, pasok ka!"
Ginawa ko 'yong sinabi niya, pumasok ako at dumiretso sa pagupo sa couch. Si Bam naman nakatayo lang sa harap ko.
"May maiinum ka bang alak dito?" Tanong ko.
"Wine lang."
"Pwede na 'yon."
"Okay, kukunin ko lang." Nag lakad na siya palayo sa'kin para siguro kumuha ng wine kaya na iwan na naman ako dito sa sala.
Mabilis lang din naman siyang nakabalik na may dalang isang bote ng wine at dalawang glass.
Umupo siya sa ibang chair at nilagyan niya ng wine ang dalawang glass. After niyang gawin 'yon, kinuha ko agad 'yong isang baso at ininum ito.
"Sa'n ka pala pumunta pagkaalis mo ng Club?"
"Nag palamig ng ulo." Sagot ko habang nakatingin lang ng blangko sa bote ng wine. "Hindi ko sinasadyang masampal si Toru." I added.
"Alam namin 'yon and don't worry, hindi naman na galit si Toru sa nagawa mo."
Mabuti naman pala kung gano'n.
"B." Tawag niya sa'kin kaya tumingin ako sa kanya. "May importante akong sasabihin sa'yo."
"Ano naman 'yon?" Walang gana kong tanong.
"Alam mo hindi lang ikaw ang may nararamdaman kay Daniel, pati ako."
Napatitig ako sa kanya ng gulat na gulat. Talaga bang narinig ko na sinabi niyang gusto din niya si Daniel?
"No'ng una ang gusto ko lang maging tulay n'yo ni Daniel at magpaka-feeling kupido. Pero ang hindi ko alam nahuhulog din pala ako kay Daniel."
Bakit ngayon niya pa 'to sinasabi kung kailan may problema kami ni Daniel?
"Wala naman akong planong agawin sa'yo si Daniel, gusto ko lang na malaman mo 'yong nararamdaman ko para sa kanya. Mahal n'yo isa't-isa at suportado ko kayo do'n. Maniwala ka. 'Wag kang sumuko sa kanya." She added.
I looked down. "Hindi ako ang sumuko, siya!"
"Pero sinuko mo rin naman agad siya 'di ba? Sinabi lang niya na sinusuko ka na niya ang bilis mo naman agad na tinanggap 'yon. Pareho lang naman kayo. Ayos na kung kahit 'yong isa sa inyo kumapit at hindi sumuko din agad baka sakaling hindi ganito ang nangyari."
That makes sense, kaso huli na para do'n. Pareho na kaming sumuko ng tuluyan.
To be continue...
Sorry, maiksi. ✌