↪️Barbie↩
We're at Kim's Club, here at VIP room. Ito na ang gabi ng pa-bridal shower sa'kin ni Kim at she decided na dito gaganapin 'yong bridal shower ko kahit ayaw ko naman ng bridal shower. Nakakairita kasi!
Si Bam na lang ang hinihintay namin ngayon dito sa VIP para masimulan na nila ang pagsasaya. Kaya si Bam lang ang kulang dito ay dahil nasa date pa daw sila ni Daniel.
Speaking of Daniel. After nang paguusap namin sa engagement ko, hindi ko pa siya ulit nakikita. Not even at school. Not even when he's with Bam. Not at all.
Tapos na tapos talaga ang sa'min. Nagkaroon na kami ng closure. Nangako na kami sa isa't-isa na magiging masaya. Nangako nga siguro ako noon pero, 'yon ang isa sa pangakong hinding-hindi ko matutupad. Kahit naman kasi anong gawin ni Alec, sigurado ang puso ko na hindi ako sasaya sa kanya.
"Ang tagal ni Bam, na saan na ba 'yon? Paano tayo magsisimula nito?" Kim asked. Halatang na iinip na siya, kunti na lang siguradong ma-bo-bored 'yan at sisimulan na lang 'tong bridal shower kahit wala si Bam.
"Mag hintay ka lang, darating din 'yon." Toru told her.
Then suddenly Bam showed up.
"Sorry late ako!" Sabi niya pagka-pasok niya ng VIP room. "Kung saan-saan kasi ako dinala ni Daniel e." Dagdag niya.
Mukhang nag enjoy siya sa date niya a. Kitang-kita 'yon sa laki ng ngiti niya.
"How's date?" Kim asked.
"Masaya. 'Yon na ang huling date namin bago siya umalis kaya sinulit na namin kaya sorry kung na late ako. Dito na nga ako dumiretso after ng date e."
Narinig ko na naman 'yang tungkol sa pagalis niya. Honestly para akong binagsakan ng kung anong mabigat nang sabihin ni Bam ang tungkol sa pagalis ni Daniel. There's part of me na ayaw talaga siyang umalis, kasi kahit na hindi man kami ang magkatuluyan sa huli, gusto ko pa rin siyang makita pero wala naman akong magagawa dahil desisyon niya 'yon. Hindi naman ako ang girlfriend para pigilan siya.
I wonder kung sinubukan manlang ba ni Bam na pigilan siya.
"It's fine. Simulan na natin, na iinip na ang bride." Toru said.
Kahit tagalan nyo pa. Hinding-hindi ako maiinip.
"Okay!" Excited na sabi ni Kim. Kinuha ni Kim ang cellphone niya tsaka siya may tinawagan.
"Hello, papunta nyo na sila." Sabi niya do'n sa kausap niya.
"Sinong sila?" Pagtataka ni Toru.
Kim smirked. "Malalaman nyo din!"
Tsk. Ano kayang pinaplano nitong babaeng 'to?
May kumatok mula sa pinto ng VIP room at apat na lalake ang pumasok na mga naka pang bombero costumes pa. 'Yong isang lalake may dala pang speaker player. Nagpatugtog ito ng sexy na tugtog at nag simula silang mag sayaw.
Oh my gucci! Nag papunta siya ng stripper!!
"Kimberly!!" I scolded her.
"What? Just enjoy your night!" She said laughing.
"Oo nga B. Enjoy-in mo 'to." Panggagatong pa ni Toru.
Nakakaloka sila!
Nag simulang sumayaw sa harap ko ang mga loko at sobrang nairita ako kaya sinamaan ko silang lahat ng tingin.
Urgh! Sasakit ang ulo ko sa mga 'to. Bakit ba hindi na lang inuman ang na isip nilang gawin habang ibinibigay nila 'yong gift nila hindi 'yong ganito.