Señoritas - 31

3.7K 158 10
                                    

Biglang nag tawanan sila Kim at Toru sa suggestion ni Bam. Pero kami ni Daniel at nagkatinginan lang.

"Good idea Bam!" Kim said laughing.

"Ibang klase ka talagang mag bigay ng idea!" Toru comments, laughing.

"So?" Bam asked me. Mukhang hinihintay niya 'yong sagot ko sa suggestion niya.

Tumingin ulit ako kay Daniel para malaman din ang sagot niya kaso ang seryoso lang ng mukha niya. Ang totoo parang ang tempting ng idea ni Bam, pero syempre nahihiya naman akong sabihin 'yon.

Nag kamot siya sa likod ng ulo niya at tingin ko, nag ba-blush siya. "Uh... G-Gusto mo ba 'yong idea ni Bam? Kung ayaw-

"Gusto ko!" Pagpuputol ko sa pagsasalita niya.

Biglang tumayo si Toru, Kim at Bam nang marinig nila ang sagot ko.

"O ano pa'ng hinihintay natin? Kumilos na tayo!" Bam said.

"W-What do you mean?" Tanong ko.

"Mas maganda kung ngayon palang ayusin nyo na gamit nyo! For sure at this time sinabi na ni Alec kay Auntie ang tungkol sa inyo." Toru said.

"Tsaka baka papunta na din dito si Alec!" Kim added.

Nagkatinginan kami ulit ni Daniel. "Sigurado ka na ba dito?" Seryoso niyang tanong.

"Oo." I said nodding.

Baka ito lang din ang paraan para mapapayag ko si Mama sa relasyon namin ni Daniel.

Tumayo na siya. "Kung gano'n tara na."

"Pero sa'n naman tayo mag tatanan? Kung sa bahay mo lang madali lang tayong makikita ni Mama."

"Ako ng bahala. Kumuha ka na ng gamit mo, gano'n din ang gagawin ko. Magkita na lang tayo sa Park kung saan tayo nag date." He told me.

"Okay." Gosh! Tuloy na talaga 'to.

Nag simula na kaming lahat na mag lakad palabas ng Club. Sasamahan ako ng girls sa pagkuha ko ng gamit sa Mansion. Dumiretso kami sa kanya-kanya naming sasakyan tsaka namin sinimulan ang byahe.

Habang nasa byahe nakakaramdam ako ng matinding kabog sa dibdib ko. I know mali ang makipagtanan pero wala na din akong maisip na paraan. Ngayong meron ng nakakaalam na nagkabalikan na kami ni Daniel for sure ilalayo ako ni Mama sa kanya. Ayokong mangyari 'yon. Mahal ko si Daniel kaya ilalaban ko 'yon kahit ang kapalit ay suwayin si Mama. Ngayong ilalaban na din ako ni Daniel hindi ko sasayangin 'yon.

Nang makarating kami sa Mansion. Dumiretso agad kami sa kwarto ko para kumuha ng mga gamit ko.

"B. 'Wag ka ng magdala ng madaming gamit." Toru suggested.

"Okay." Wala din naman akong planong magdala ng madaming gamit.

"'Di ako makapaniwalang mangyayari 'to kay B." Kim comments, smiling teasingly.

I agree! Never kong na imagine na makikipagtanan ako.

"'Wag nyo munang istorbohin si B." Bam told them.

Sa pagtapos kong mag impake. Hinarap ko na ulit ang mga kaibigan kong supportive. I'm happy to have friends like them. Sobrang supportive sila kahit na minsan nagiging mataray ako sa kanila, hindi nila ako iniiwan at iniintindi pa nila 'ko. Mamimiss ko sila, panigurado 'yon.

"Thanks girls." Seryoso kong pasasalamat sa kanila.

"Welcome, just be happy with him." Bam said.

"Mamimiss ko kayo." I shyly said. Kahit matagal na kaming mag ka-kaibigan, never ko pa'ng nasasabi ang mga salitang mamimiss ko sila.

"Basta bigyan mo kami ng magandang inaanak a!" Kim said making me blush.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon