⇨ DANIEL JIMENEZ ⇦
Nagising ako mula sa pagkakatulog at sakit pa din ng ulo ko ang naramdaman ko. Sobrang sakit pa din talaga ng sugat ko sa ulo, buti nalang hindi ganun kalala.
Bumangon ako ng kama ng dahan-dahan para hindi masyadong ramdam itong sakit ng ulo ko. Lumabas ako ng kwarto habang naka hawak sa ulo ko.
"Good morning, Tol." Dinig kong bati sa'kin ng kapatid kong si Nathan na isang kilalang actor at model. Kilala siya bilang Nathan Matias pero ang totoong last name niya ay Jimenez.
"Morning." I greeted back, sitting on the couch. "Anong oras ka nakauwi?" Tanong ko.
"Kakauwi ko lang, ang tagal natapos nung shooting eh."
"Mmm."
"Anong nangyari dyan sa ulo mo?" He asked.
"Binatukan ako ng chicks ko eh." Pag bibiro ko.
He chuckled. "'Yun ba 'yung Barbie?"
Tumango ako habang naka ngiti.
Noon pa aminado na 'kong kapansin-pansin ang ganda ni Barbie. Sa lahat ng Señoritas para sa'kin siya ang angat hindi dahil siya ang leader kundi dahil siya 'yung... tipo ng babaeng gusto ko. Nakaka turn off lang talaga ang pagiging bully niya at ng mga kaibigan niya kaya hindi ko siya magawang lapitan.
Hindi ko gusto ang hobby nila kaya kahit medyo matagal na 'kong may tama kay Barbie binabalewala 'yun at syempre dahil magkaiba din kasi kami ng estado sa buhay. Masyado kasi siyang mayaman para sa'kin.
He laughed. "Iba na 'yan bro, hindi pa nagiging kayo pero under ka na."
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Teka, pinuruhan ka na sa ulo nakangiti ka pa din?"
I chuckled. "Wala, masama bang ngumiti?"
"Hindi naman, 'yung ngiti mo kasi parang may laman eh. Para ka pa ngang kinikilig na parang bading dyan eh."
Tumawa ako pero nahinto din naman dahil sa sugat ko sa ulo. "Tamang hinala ka lang."
"Tol, sabihin mo na. Bakit nga ganyan ngiti mo?" Pangungulit niya.
"Uh... nakita ko kasing concern sa'kin si Barbie."
"Woe! Iba na 'yan tol, baliw ka na sa babae." Pangaalaska niya.
"Shut up, tol. 'Yung pinabili mong book nandun sa table mo." Pagbabago ko ng topic. 'Yan 'yung librong binili ko sa book store, libro niya 'yung binili ko doon sa Book Store daw ng isa pang Señorita na si Toru.
"Ligawan mo na kasi bro."
"Sino? Si Barbie?"
"Oo!"
"Wala akong planong gawin 'yun!"
Kahit naman trip ko 'yun, hindi naman kami bagay eh.
"Ikaw din, maunahan ka."
"Hayaan mo na." Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo dito sa couch at nag lakad na papuntang kusina. Dahil masakit pa 'yung ulo ko, tinatamad pa 'kong mag luto kaya naisip kong mag coffee and bread nalang ang kainin.
Sa pag tapos ko namang kumain bumalik din naman agad ako ng kwarto plano ko na ngayong mag asikaso sa pag pasok ko ng school. Kahit may bandage ako sa ulo, gusto ko pa ding pumasok dahil wala naman akong gagawin dito.
Dahil fresh pa ang sugat ko, naisip kong katawan lang muna ang basain. Nang magawa ko 'yun nag bihis naman agad ako, dahil hindi naman required ang uniform kaya naka civilian ako.