Señoritas - 3

8K 285 10
                                    

Ito na ang second day nang pang bu-bully ko kay Daniel. I'm at S.R with the girls para sa klase namin and mag sisimula lang ang plano ko kapag dumating na si Daniel. Hindi ko alam kung naka dating na siya hindi ko naman alam ang sched niya eh. Pero mapapansin niya lang ang plano ko kapag uwian na. Haha!

Nang dumating oras ng uwian...

Paglabas naming ng S.R, nakita namin sa Hallway ang hindi maipintang mukha ni Daniel na ang ibig sabihin ay nakita na niya ang plano kong pabutasin ang gulong ng motor niya at pinturahan ito.

"What are you doing here?" I asked, wearing a smirk on my face.

"Brat!" Pagdidiin niya na may halong galit.

Imbes na magalit sa pag tawag niya sa'kin na Brat mas nangibabaw sa'kin ang ngiting tagumpay dahil nainis ko siya.

Nag lakad siya papalapit sa'kin at ikinagulat ko nang hawakan niya 'yung kamay ko tsaka ako hinila palakad.

"Hoy! Teka, anong ginagawa mo?" Pagpupumiglas ko.

Hindi lang siya nag salita at nag continue lang sa paghila sa'kin.

Nilingon ko 'yung mga kaibigan ko na nakatayo lang habang naka ngiti pa na tila ini-enjoy pa ang paghila ni Daniel sa'kin.

"Hoy mga loka! Hindi nyo man lang ba 'ko tutulungan dito?!" Tanong ko sa kanila.

"Go! B. Kaya mo 'yan!" Pag cheer pa ni Kim sa'kin. Nag kibit balikat lang naman si Bam at si Toru naman kinaway lang ang kamay.

What the... napaka matalungin nilang kaibigan ah!!

Binaling ko nalang ang tingin kay Daniel na hindi pa rin ako binibitawan at mas lalo akong nainis dahil nakikita kong, nakikita ng mga schoolmates namin na kinakalad-kad niya 'ko.

"Ano ba sabing bitawan mo 'ko eh!!" I yelled, frustratingly.

Hindi na naman siya nakinig at nag continue lang sa pag hila sa'kin hanggang sa makarating kami sa hindi na 'ko pamilyar na lugar dito sa school. Binitawan niya 'yung kamay at humarap siya sa'kin. Aakma sana akong sampalin siya pero madali niya lang 'yun napigilan tsaka siya biglang nag lakad palayo.

"Hoy teka, saan ka pupunta? 'Wag mo 'kong iwan dito!" Sabi ko sa kanya pero hindi niya 'yun pinansin at nag madali lang na mag lakad. Sinundan ko naman siya pero dahil sa bilis niyang mag lakad bigla siyang nawala sa paningin ko.

Sumigaw ako sa sobrang inis ko. 'Yung siraulong 'yun, alam niya ang kahinaan ko kaya niya 'to ginawa!

Humanda siya sa'kin!

Humanda talaga siya sa'kin!!

Kinuha ko 'yung cellphone ko mula sa bag ko at dinaial ang number ni Bam ilang sandali lang sinagot niya 'to.

"Hello?"

"Nasaan kayo?? Hanapin nyo 'ko! Iniligaw ako ng siraulong Daniel na 'yun!"

"Iniligaw ka niya?" Pagtataka niya.

"Oo nga kasasabi ko lang diba?!! Alam ng siraulong 'yun ang kahinaan ko!"

"Okay, okay hahanapin ka na namin."

Ibinaba ko na agad ang tawag pagkarinig ko palang na hahanapin na nila ako. Binalik ko nalang sa bag ko 'yung cellphone ko tsaka ko inilibot ang tingin sa paligid, baka kasi sakaling may makita akong pamilyar na lugar kaso wala.

May nga nakikita naman akong ibang estudyante na napapadaan kung nasaan ako kaso ayaw ko namang humingi ng tulong sa kanila dahil baka malaman din nila ang kahinaan ko.

Bwiset talaga!!

Nakaiinis talaga 'yung Daniel na 'yun!!

Sa sobrang inis ko, sinipa ko 'yung pader at dahil sa ginawa kong 'yun napaungol naman ako sa sakit. Tinanggal ko 'yung shoes ko at tinapon ito sa sobrang inis.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon