Señoritas - 33

3.9K 153 12
                                    

↪BARBIE↩

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko na yakap-yakap si Daniel. I look up at him, he's still sleeping.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Isang linggo ko na lagi 'tong nagagawa, ang mapagmasdan siya habang natutulog at enjoyin ang yakap niya gabi-gabi.

Ito ang pinaka the best na one week na na experience ko. Siguro nga medyo nakakapanibago na nasa maliit na bahay lang ako pero kahit maliit 'to sobrang laki naman ng tuwa ko dahil siya ang kasama ko.

In our first week here, si Daniel ang madalas umalis dito sa bahay namin dahil nag hahanap siya ng trabaho. Ang sabi ko sa kanya mag work din ako para makatulong kahit papaano pero ayaw niya.

Bumangon ako ng kama ng dahan-dahan para hindi ko siya magising sa pagkakatulog niya.

Pagbangon ko sa kama, lumabas ako ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina paglabas ko ng kwarto namin. Plano kong mag luto. Marunong na 'ko kahit papaano, dahil tinuruan ako ni Daniel. Mabilis naman akong matuto kaya kahit papaano may alam na 'kong lutuin. Tsaka wala din naman akong choice kundi matutong mag luto dahil kung hindi gugutumin ako dahil na iiwan ako dito mag isa kapag mag a-apply ng work si Daniel.

Sa pagdating ko sa kusina, sinimulan ko na agad ang pagluluto ko ng tucino and egg. Ito palang ang kaya kong lutuin at super proud na 'ko niyan. Kaya para nga lang akong ninja sa pagiwas ng tumatalsik na mantika. Ngayon ko lang na appreciate ang trabaho ng chef sa Mansion.

"Good morning Señorita ko." Dinig kong bati ng Señorito ko habang hinahanda ko na sa lamesa 'yong breakfast namin.

Nilingon ko siya, he's just wearing boxer short and sando. Hindi na 'ko na iilang sa suot niya kasi ganyan lagi ang pangtulog niya kaya sanay na 'ko.

"Good morning din Señorito ko." I greeted back.

Nag lakad ito papalapit sa'kin at niyakap ako mula sa likod tsaka ako hinalikan sa pisnge ko.

"Mag a-apply ka ba ulit ngayon?" Tanong ko.

"Yup!"

"Pwede ba 'kong sumama? Boring dito sa bahay kapag wala ka."

"Sasama ka lang? Hindi ka mag a-apply?"

"Bakit ba kasi ayaw mo 'kong pag apply-in? Mas maganda kung pareho tayong may work."

"Dahil ayaw kitang mahirapan sa pagtatanan natin na 'to. Gusto ko señorita ka pa din."

"Daniel let's face it," Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa'kin mula sa likod at humarap ako sa kanya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya. "Hindi na 'ko Señorita ngayon. I'm just... a normal citizen, now. And hindi ako nagsisisi na nawala ang lahat ng 'yon sa'kin dahil... worth it ka at sobra pa."

He showed me his shy smile. "I understand B. but for now, 'wag muna tsaka na kapag tingin mo nahihirapan na 'ko. Okay?"

I nodded. "Okay. Pero sasama pa din ako sa pag a-apply mo ngayon!"

He chuckled. "Okay!"

Pumwesto na kaming dalawa sa pagupo namin at sinimulan namin ang kainin itong breakfast na niluto ko.

Sa pagtapos naman. Daniel offered na siya ang mag wash ng plato na pinagkainan namin. Pinauna na lang niya akong mag shower dahil daw mabagal akong kumilos. So, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Bumalik ako sa kwarto namin, dumiretso ako sa bathroom para mag shower.

Nang matapos ako, na abutan ko na si Daniel na nag hihintay sa'kin na matapos mag shower. Dahil nakita niyang tapos na 'ko siya naman 'to ngayong pumasok ng bathroom para mag shower. Ako naman ay nag asikaso lang sa pagbibihis ko.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon