Daniel
Nasa open space ako ngayon, nakahiga lang sa bench habang nakatingin sa puti at asul na langit.
Hindi ko pinasukan ang klase ko ngayon dahil, tinatamad ako at sobrang sakit ng katawan ko.
Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang pang gugulpi sa'kin ng mga lalake kagabi sa Bar na pinuntahan ko. Sobrang lasing ako nun kaya hindi ko na nagawang maipagtanggol ang sarili ko kaya ito ang inabot ko, tsaka apat silang pinagtulong-tulungan ako.
Nag punta ako sa Bar para uminuk, para sana kahit papaano makalimot pero wala namang epekto 'yon. Sino ba kasing nagsabi na kapag uminum makakalimot ka? E mas lalo ko lang siyang naisip e. Mas lalo ko lang naisip kung gaano ako ka-gago dahil sinaktan ko siya.
Anong magagawa ko? Mama na niya ang kumausap sa'kin at may mga sinabi pa siyang nagpatunay na masyado ngang malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Bigla tuloy ko tuloy na alala 'yong usapan naming dalawa...
Flashback...
Nakapag prepare na 'ko for school. Binitbit ko lang ang bag ko tsaka ako nag simulang mag lakad palabas ng bahay.
Dumiretso ako sa pag sakay ng motor ko. Ini-start ko na 'to ng bigla akong makarinig ng busina ng kotse mula sa likod ko. Nang tignan ko 'yon, isang naka black na sui ang bumaba mula sa passenger seat at nag bow pa sa'kin.
Umalis muna ako ng motor at lumapit do'n sa lalake at nag bow din sa kanya.
"Ikaw po ba si Daniel Jimenez?" Tanong niya.
"Uh yes sir, ako 'yon." Ano kayang kailangan niya?
"Madame Barbara Ashton wants to talk you."
"Who?"
"Señorita Barbie's mother."
Oh shit!
Tumingin ako sa kotseng pinagbabaan niya. Bumaba ang bintana nito ang isang babae ang nakita ko na tingin ko ay ang Mama ni B.
"She wants to talk to you, are you free?" Tanong nitong lalakeng naka suit kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Y-Yes, sir."
"Kung gano'n sundan mo na lang kami."
Tumango na lang ako bilang sagot.
Sumakay na ulit 'yong lalake sa kotse at tinaas na ulit ng Mama ni B. ang bintana ng kotse. Sumakay naman agad ako sa motor ko, ini-start ko ang makina at nag suot lang ako ng helmet tsaka ko sinimulang sundan ang kotse ng Mama ni B.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil, awra palang kanina ng Mama ni B. nakakatakot na. Tungkol saan kaya ang sasabihin niya sa'kin at bakit niya ako gustong makausap? Dahil ba B.? Kanino pa nga ba? For sure about 'to kay B.
Sinundan ko ang kotse hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Na una silang nakarating kaya na una na ring pumasok ang Mama ni B. pero 'yong lalakeng naka suit mukhang hinihintay ako sa labas.
Bumaba na 'ko sa motor ko tsaka ako lumapit sa lalake. Siya ang nag lead ng way sa'min hanggang sa makarating kami sa table kung saan nakaupo ang Mama ni B.
Nag bow ako sa kanya bilang pagbati pagkalapit ko. "Have a seat." She told me.
Umupo ako tulad ng sinabi niya.
"Let me get straight, alam kong may relasyon kayo ni Barbie. Hindi ko gusto 'yon kaya hiwalayan mo na siya. At isa pa, may fiance na siya."
Ibang klase! Ngayon alam ko na kung saan nag mana si B. sa pagiging straight forward.