Señoritas - 22

4.5K 156 3
                                    

Nasa kusina kami ngayon nila Daniel. Gabi na at plano niya daw akong ipagluto. Na bigla akong marunong siyang mag luto, ako kasi... Well may gumagawa na no'n sa Mansyon kaya hindi ko kailangang pag aralan pa 'yon. In short, hindi ako marunong mag luto.

Pinanood ko lang siya sa pagluluto niya. Kung kumilos at gumalaw siya para siyang isang chef. The way kung paano siya mag slice ng ingredients parang professional. Ang sarap niyang panoorin.

"Nandito na 'ko." Dinig kong boses 'yon ni Nathan.

Lumingon ako para tignan siya.

"Hello B. Nandito ka pala." He greeted.

"Hello din." I greeted back.

"Kasama mo si Toru?"

I chuckled. "Hindi eh."

"Mmm. Na mimiss ko na Señorita ko."

"Bakit hindi mo puntahan?" Tanong ko.

"Ayos lang kaya sa kanya?"

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

"Gagawin ko 'yan mamaya!" Lumapit siya sa kapatid niya at tinapik 'to sa balikat.

"Kumain ka na?" Tanong ni Daniel sa Kuya niya.

"Oo, kumain na 'ko bago umuwi. Iwan ko muna kayo dito, para makapag solo pa kayo." He teased.

Ininawan na kami ni Nathan kaya kami na lang ulit ni Daniel dito sa kusina.

"Hindi ka pa rin ba tapos?" Tanong ko.

Nginitian niya ako. "Malapit na po."

"Mmm. I'm hungry."

"Kunting tiis na lang Señorita ko."

I pout. "Okay."

Finally! Natapos si Daniel sa pag luluto niya kaya pinag saluhan na naming dalawa ang foods na hinanda niya for us. It's really good. I didn't know masarap pala siyang mag luto.

"Na gustuhan mo ba?" Tanong niya.

"Mmm.Hmm." I hummed chewing. Nag thumbs up pa ako sa kanya.

"Mabuti naman na gustuhan mo. Kinabahan ako akala ko kasi pihikan ka. Alam ko naman kasing masasarap palagi ang hinahanda sa'yo sa Mansion nyo."

"Mas masarap 'to." May halong pang bo-bola na 'to pero totoo rin naman na masarap 'to.

Ngumiti siya. "Salamat."

After we eat...

Daniel just wash our plate. Ako, watch-watch lang. Gusto kong tumulong kaso baka makabasag lang ako kaya 'wag na lang. Nang matapos naman siya sa pag huhugas niya pumunta kaming dalawa sa living room. Umupo kaming dalawa sa couch, sakto din na narinig ko 'yong cellphone ko na tumunog.

Inabot sa'kin ni Daniel 'yong bag ko dahil na sa side niya 'yon. Kinuha ko mula sa loob ng bag ko ang cellphone. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, unknown number ang nakita ko kaya sinagot ko agad 'to.

"Who's this?"

"Your fiance, where are you? I'm at the Mansion."

Pinatay ko agad ang tawag niya at 'di na nag salita.

"Sino 'yon?" Daniel asked.

"Si Alec."

"Ano daw kailangan niya?"

"Nasa Mansion siya. Hinahanap niya ako."

"Mmm." Biglang sumeryoso ang mukha niya. Siguro hindi niya gusto ang ideang nasa Mansion si Alec. Na iintindihan ko kung bakit dahil even ako hindi ko gusto kung may babaeng may gusto sa kanya na nandito ngayon sa bahay nila.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon