Pinatay ko agad ang tawag ko kay Bam tsaka ako nag madaling lumabas ng S.R bitbit lang itong cellphone ko.
Narinig ko pa na tinawag ako nung dalawa pero hindi ko na 'yun pinansin ang gusto ko lang ngayon ay makita si Daniel.
I need to explain.
I want to explain.Tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa... hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pumunta ako sa open space kung saan madalas tumatambay si Daniel pero hindi ko siya dun nakita hanggang 'yung sa pag hahanap ko ay dinala na naman ako sa lugar na hindi ako pamilyar.
"Damn it!!!" I yelled, frustratingly.
Bakit ngayon pa 'ko na ligaw? Bwiset talaga! Ayaw makisama ng araw na 'to sa'kin!
I dialled Daniel's number pero naka off ang cellphone niya ngayon.
Bwiset!
I dialled Toru's number.
"B. Where are you?" She answered it.
"I don't fucking know! Find me!"
"Okay, coming!"
Pinatay ko na ang tawag ko kay Toru tsaka ako sumigaw ng sobrang lakas dahil sa inis ko kaya 'yung ibang napadaan kung nasaan ako, napatingin sa'kin.
"Sinabi ko bang tignan nyo 'ko?!!" Irita kong sabi sa kanila. Nag madali naman ang mga ito na makalayo sa'kin.
Dahil wala na 'kong nakikitang kahit na sino dito sa kinatatayuan ko. Umupo ako sa gilid ng hallway, nilagay ko ang mukha ko sa tuhod at niyakap din ang mga ito. Sobrang naiinis ako! Sa sobrang inis ko para akong maiiyak. Naiiyak ako kapag wala akong magawa sa isang importanteng sitwasyon. Feeling ko napakahina ko.
"Barbie!" Dinig kong tawag sa'kin after kong umupo dito nang hindi ko alam kung gaano na 'yun katagal.
Ini-angat ko ang ulo ko para tignan kung sino 'yun at finally ang lalakeng gusto kong makita ngayon ang nakita ko. Si Daniel na hingal na hingal.
Nag lakad siya papalapit sa'kin. "Ano bang pumasok sa isip mo at humiwalay ka sa mga kaibigan mo? Alam mo namang mabilis kang maligaw!" He scolded me.
Paano niya nalaman na nawawala ako? 'Di kaya nakita siya nila Toru at sinabi?
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Sorry." I apologized.
Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila ako. "Ihahatid na kita sa kanila!"
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa'kin kaya napatingin ito sa'kin.
"We need to talk."
"About what? About your Alec?"
"Yah! About Alec, but he's not my Alec!" I cleared.
Huminga lang siya ng malalim pero kita ko pa rin ang frustration niya.
"I don't love him! Please, don't think anything negative. I uhm sorry hindi ko nasabi ang tungkol sa kanya. Natakot ako. Natakot ako na baka tigilan mo ang panliligaw mo sa'kin. Ayokong mangyari 'yun. First time kong ma-in love at ayokong mag wakas agad 'yun dahil lang sa kalokohang na isip ng Mama ko na ipakasal ako sa lalakeng hindi ko naman mahal at hindi ko naman madalas na nakikita. Ikaw ang mahal ko Daniel, you know that! Hindi ako basta nag sasabi ng i love you kung hindi 'yun totoo."
"Mahal din kita at alam mo 'yun! Pero sana sinabi mo pa din! Hindi 'yung sa ganitong paraan ko nalaman."
"I'm sorry! I do really sorry." Niyakap ko siya sa bewang niya. "Please, don't give up on us just because of Alec. I don't want to end this. Not like this."