Señoritas (39)

3.4K 120 14
                                    

↪BAM↩

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Daniel. Nagmamaneho siya papunta sa 'di ko alam na lugar.

"Kukunin ko lang 'yong gamit ko sa tinirhan namin ni B."

Oh i see! So pupunta pala kami sa bahay nilang dalawa. Kaya naman pala habang nagamaneho siya ang seryoso ng mukha niya.

Nang makarating na kami sa bahay nila, i think. Pinatay niya lang muna ang makina ng kotse tsaka kaming dalawa sabay na bumaba.

Base dito sa labas, tingin ko maliit lang 'tong bahay na 'to.

Siya ang nag lead ng way sa'min papasok ng bahay nila. Sa pagpasok namin mas lalong na confirm na maliit nga ang bahay na 'to. 'Di ko akalain na napatira niya dito si B. Mahal talaga siya ni B. Dahil
natiis niya ditong tumira. E mas malaki pa 'yong kwarto niya sa Mansion nila kesa sa bahay nilang 'to.

Nag lakad na papasok si Daniel sa isang kwarto, sumunod lang ako sa kanya pero hanggang sa pintuan lang ako at pinanuod lang siyang ayusin ang gamit niya. Ang lungkot ng mga mata niya siguro nasasaktan at nahihirapan siya sa pagbabalik dito dahil ang daming memories nila dito.

"Alam mo, tinu-torture mo masyado ang sarili mo sa pagbabalik dito." I comment.

Huminto siya sandali sa pag aayos ng gamit niya at tumingin sa'kin.

He smiled, weakly. "Tama ka. Pero minsan masaya ding balikan 'yong mga memories kung saan ka masaya. Hindi para saktan o i-torture mo ang sarili mo kundi para sumaya ka lang."

Sana magawa kong maalis sa puso niya si B. Sana ako nalang ang mahalin niya.

Ang selfish ko na magisip, 'di ko akalain na iisipin ko 'to. Pero kasi mahal ko na din siya, ano magagawa ko? Hindi ko naman na rin mabubungo si B. Dahil isinuko na niya si Daniel, tsaka siya na din nag sabi na okay lang sa kanya na agawin ko sa kanya si Daniel kahit na alam kong labas lang sa ilong 'yon.

Binalewala ko lang 'yong feelings ko for Daniel noon para sumaya sila pero ngayon ayoko ng pigilan dahil gusto ko namang sumaya kasama si Daniel at pasayahin din siya ulit. Gusto kong sumaya siya ulit, hindi dahil sa memories nila ni B. kundi pati sa bago ng memories kasama ako.

"Gusto mo ng tulong?" Offer ko sa pagaayos niya ng gamit.

"Marunong ka?" He teased.

"Hey! I know Señorita ako pero, ang pamilya ko ang mayari ng kilalang clothing company ng bansang 'to kaya ang magtupi ng damit, easy lang sa'kin."

He chuckled. "Okay then, show me." May kunting paghahamon sa tono ng boses niya.

Tuluyan na 'kong pumasok at tulad ng sinabi ko tinulungan ko siya. Pinakita ko sa kanya ang skills ko sa pagtutupi ng damit.

Hindi lang gamit niya ang inasikaso namin, pati na rin ang gamit ni B. inempake namin. Daniel wants na ako na ang mag bigay nito kay B.

After naming ma-ayos lahat ng gamit nilang dalawa, lumabas na kami ng kwarto. Nilapag lang muna niya 'yong dalawang maleta sa sala tsaka niya nilibot ang tingin niya sa paligid ng bahay. Bumalik na naman ang lungkot sa mga mata niya.

Tinapik ko ang braso niya kaya na ibaling niya ang tingin niya sa'kin.

"Tara na?"

He nodded. "Okay."

Tuluyan na kaming nag lakad paalis ng bahay. Dumiretso kami sa kotse. Sumakay ako sa passenger seat habang siya nilagay muna niya sa back seat 'yong mga maleta. Nang magawa niya 'yon sumakay din naman agad siya sa driver's seat at pinaadar ang makina tsaka niya sinimulan ang pagmamaneho.

Huminto lang siya ulit sa pagmamaneho niya nang makarating kami sa malapit sa dagat. Hindi naman kami sa kotse pinanuod lang namin 'yong magandang view ng dagat.

"Where are we?" I asked, looking at him.

Mas lalong lumungkot ang mga mata and i think base sa teary eye niya, malapit ng pumatak ang luha niya.

Tinu-torture niya talaga 'yong sarili niya. I wonder kung ano namang memories ang pinagsaluhan nila dito ni B.

"Dito ako nag proposed kay B." He answered. Nasabi nga ni B. na nag proposed si Daniel sa kanya, so dito pala 'yon. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan na lang ang epekto sa kanya ng lugar na 'to.

Binaling ko ulit ang tingin sa view ng dagat at na i-imagine ko 'yong mukha nilang dalawa na sobrang saya.

"Sabi niya gusto niya na habang buhay nasa tabi ko lang siya, ang
saya ko nun. Kasi 'yon din ang gusto ko. Ang lupit talaga ng tadhana. Ang Unfair niya pinaghiwalay niya kami ni B. Pinagtagpo kami pero pag hihiwalayin din lang naman pala kami. Ang unfair talaga."

"Destiny works to the destined person, Daniel. Kung kayo talaga, kayo talaga. Whatever shit happens, gagawin pa din ni destiny ang trabaho niya. 'Yon ay pagtagpuin ulit 'yong dalawang taong naka tadhana para sa isa't isa." I said.

"You're right." Pinunasan niya ang luha na tumulo sa cheeks niya. "Pasenya ka na a, ang drama ko." He apologized.

"Ayos lang, masasanay din siguro ako." Medyo pabiro kong sabi.

Ini-start na niya ulit 'yong kotse at sinimulan na ulit ang byahe namin paalis. I think pauwi na kami nito.

Diniretso ni Daniel ang kotse papunta sa bahay ko. Hinatid niya ako.

Sabay kaming dalawa na bumaba sa kotse. Binuksan niya ang pinto sa back seat tsaka niya kinuha 'yong maleta na nag lalaman ng gamit ni B.

Nilapag lang muna niya 'to sa sahig tsaka siya kumamot sa likod ng ulo niya na parang na iilang.

"Salamat sa pag sama sa'kin at pakikinig sa mga walang kwenta kong drama sa buhay." He said smiling, shyly.

"Wala 'yon. Handa naman akong laging makinig e." Winave ko na ang kamay ko sa kanya bilang pagpapaalam. Gano'n din ang ginawa niya. Then na sight ko ang Ferrari ni B. sa 'di kalayuan na naka park lang.

Nasabi na siguro nila Kim ang tungkol sa'min ni Daniel.

Humakbang ako papalapit kay Daniel. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya at hinalikan siya sa labi niya ng mabilis lang naman tsaka ko ipinatong ang mga braso ko sa balikat niya. Tumingin ako sa mga mata niya, halatang nagtataka siya sa ginagawa ko.

I smiled. "Ngumiti ka, nandyan si B." I informed him.

"I see." He smiled back. Iniyakap niya 'yong mga kamay niya sa bewang ko. "Pwede mo bang suklian 'yong halik ko? 'Yong totoong halik sana ang ibigay mo." He told me.

"Okay." Hindi na niya kailangang sabihin pa 'yon. Dahil kung hahalikan nga niya ako, susuklian ko 'yon ng buong puso ko kahit na para sa kanya ang halik na 'yon ay pagpapanggap lang.

He started to kiss me. I kissed him back. Masakit 'to para kay B. sigurado ako. Kung 'di niya iniiwasan si Daniel baka sinugod na ko nun at sinabunutan. Pero masakit din 'to sakin dahil alam kong ako ang kahalikan ni Daniel pero si B. Ang nasa isip niya.

Narinig naming pinaandar na ni B. 'yong kotse niya kaya tumigil na kami.

"Ano kayang ginagawa niya dito?" Daniel asked without looking at me. Nakatingin siya sa direksyon ng kotse ni B.

"Baka nasabi na nila Kim 'yong about sa'tin."

"Siguro nga. Salamat!" Inabot niya sa'kin 'yong susi ng kotse.  "Here, sinusuli ko na 'yong kotse mo, 'di ko na rin naman magagamit 'yan e."

Kinuha ko 'yon. "Okay."

"Salamat ulit."

"Ilang beses ka na bang nag pasalamat sa'kin?" Pagbibiro ko.

He chuckled. "Pasensya na. Sige aalis na 'ko."

Tumango lang ako bilang sagot.

To be continued...

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon