Señoritas - 29

4.1K 140 5
                                    

Pauwi na 'ko ngayon sa Mansion. Honestly ayoko pa talagang umuwi. Gusto ko pang mag stay sa bahay ni Daniel para naman magkasama pa kami ng matagal kaya lang ayaw naman naming magtaka 'yong mga tao sa Mansion kung bakit until now wala pa din ako.

Pagdating ko sa Mansion, bumaba naman agad ako sa kotse ko then nag lakad papasok ng Mansion.

Pagbow at pagbati ang salubong ng mga maid sa'kin. Paakyat na 'ko papunta sa kwarto ko nang may marinig akong tumawag sa'kin.

"B."

Nilingon ko siya at si Alec ang nakita ko.

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa 'ko nandito naghihintay sa'yo. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko. Kanina pa 'ko nagaalala dahil ang sabi ng Mayordoma, kagabi ka pa wala."

Nakakairita siya! Kung mag tanong at magaalala siya parang boyfriend ko siya.

"Kung saan man ako galing ngayon o mula pa kagabi. It's really none of your business."

"It is!! Fiance mo 'ko, B!"

"Alam mo, itigil mo na ang kakasabing fiance kita dahil una sa lahat hindi naman kita tinuturing o tinitignan as my fiance!" Tumalikod na lang ulit ako at nag lakad simula na paakyat ng kwarto.

Na bu-bwiset lang ako kapag nakikita ko siya at nakakausap. Dahil sa kanya hindi tuloy kami nagiging masaya ni Daniel. Dahil sa kanila ni Mama mahihirapan kaming maging masaya ni Daniel.

Bakit ba kasi hindi na lang nila hayaan kung sino ang gusto kong mahalin?

Kung nandito si Papa baka hindi 'to nangyayari.

Pagpasok ko ng kwarto ko, humiga agad ako sa kama ko at ang una agad na pumasok sa isip ko ang mahal kong boyfriend at ang totoong gusto kong maging Fiance na si Daniel.

Kung may pakakasalan man ako siya 'yon. Sana nga umabot kami do'n.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at dinaial ang number niya at ilang sandali lang naman sinagot na niya.

"Hello Señorita ko."

"Hello D. Miss na kita."

I heard him chuckled. "Agad?"

"Bakit ikaw ba hindi?"

"Miss din kita syempre."

"Mmm. Ayos lang kaya kay Nathan na dyan ulit ako matulog? Ayaw ko dito sa Mansyon, nandito kasi si Alec."

"Ano namang ginagawa niya dyan?"

"Ewan ko. Pero kanina pa ata niya ako hinihintay."

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko na umagaw ng atensyon ko sa pakiki pagusap kay Daniel.

"Wait lang a!" I told Daniel. Itinabi ko na lang muna ang cellphone ko.

"Sino ba 'yan?" Tanong ko do'n sa kumakatok. Wala akong narinig na sumagot kaya nakaramdam ako ng inis.

Nag lakad ako papalapit ng pinto at binuksan ito. Ang nakita ko lang naman ay si Alec na hindi ma-ipinta ang mukha.

"What?" I asked.

"B. Akala ko ba pumayag ka ng bibigyan mo 'ko ng chance para magustuhan ako?"

"Wala akong maalalang pumayag akong bigyan ka ng chance, Alec. Umalis ka na nga lalo lang akong naiirita sa'yo e!"

Isasarado ko na sana 'yong pinto kaso bigla niya 'yon pinigilan. Bigla din siyang pumasok at hinawakan ako sa braso ng mahigpit tsaka niya ako pilit na hilikan sa labi ko.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon