Four years after...
Actually lagpas na ng four years, lagpas na ng 2 two fucking months.
Sa loob ng four years na 'yon maraming nangyari.
Nando'n 'yong pinuntahan ko si Daniel sa office ni Mama sa New York dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, para mag baka sakali na makita siya kaso... wala siya do'n. Pwedeng nando'n, pero ang lahat ng nakausap kong staff do'n ni Mama and even si Mama nagsabing wala do'n si Daniel.
Nando'n din ang pag punta ko sa bahay ng parents ni Daniel, nag babaka sakali lang na may idea sila kung nasaan siya or kung tumatawag ba siya sa kanila. Ang nalaman ko lang ay, tumatawag siya sa kanila once a week just to make them sure na ayos siya pero hindi naman daw nito sinasabi kung na saan siya.
Nando'n din ang pagaaral ko ng Culinary sa isang kilalang Chef dito sa bansa. Personal niya akong tinuturuan, pumupunta pa siya ng Mansion para turuan ako. Dahil parang na adik ako sa pagluluto for Daniel na isip ko na mag aral ng Culinary hanggang sa na enjoy ko 'to at gawing Profession.
Nag tayo ako din ako ng restaurant, salamat sa malaking tulong ng Mama kong makapangyarihan sa pera. Nag invest siya sa Restaurant na tinayo ko pero naging pahirapan pa 'yon dahil hindi daw purket anak niya ako e madali ko lang daw makukuha ang Yes niya na mag invest sa Restaurant ko. Kinailangan ko pang mag present sa kanya at mag patikim ng mga dishes na ilalagay ko sa menu ng Restaurant ko hanggang sa finally pumayag siya. And now... may tatlo na 'kong Five star restaurant and plano ko pang mag expand. Hands on ako sa business ko, nakatulong 'yon para mapabilis ang panahon sa paghihintay kay Daniel.
Nandyan din 'yong, binili ko na 'yong property na tinuluyan namin noon ni Daniel noong nag tanan kami. Na pa renovate ko na siya, naging isang magandang rest house na siya. Pumupunta ako do'n tuwing sobra-sobra na nag pagka-miss ko sa kanya. Sobra-sobra ko siyang namimiss, lahat-lahat tungkol sa kanya. 'Yong amoy niya, halik niya, yakap niya. Lahat!
Ang balita naman sa ibang Señoritas...
Si Toru at Nate, going strong, kahit busy si Nathan may time parin siya kay Toru. Na ikinaiingit ko lang lalo.
Hindi nalang din basta Model si Toru, actress na din siya simula no'ng kumalat na sila na ni Nathan. Magka-loveteam na din sila. Loveteam in real life, love team din sa harap ng camera.Si Kimberly at Stefan naman, on and off relasyon nila si Kim kasi 'di padin nag babago pag nagaaway sila nang la-lalake agad. Pero love naman daw niya si Stefan basta daw hindi sila mag aaway magiging behave siya. Mas pinarami pa ni Kim 'yong Clubs niya. Naging event organizer din siya. Siya lang naman ang organizer ng lahat ng concerts ng mga kilalang singer sa ibang bansa.
Si Bam naman, laging sini-set up ng date ni Toru at Kim, kaso ilang araw lang, ayaw na niya. Naghahanap daw siya ng katulad ni Daniel, e kaso nag iisa lang ang Daniel ko kaya wala na siyang mahahanap. She's helping her family sa clothing business nila at ang model nila syempre ang couple na si Toru at Nathan. Sa pagpasok niya sa Family business nila, mas lalong sumikat 'to at nakilala hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.
Kasama ko ngayon sila Toru at Kim sa isa sa restaurant ko para pag usapan ang nalalapit na Alumni sa A.U. Si Bam lang ang wala pa dito dahil... 'di ko alam kung nasaan siya, basta may pinuntahan daw.
"Kumusta 'yong pag pa-plano mo ng Alumni sa school? Bukas na 'yon a!" Tanong ni Toru kay Kim.
"Okay na ang lahat, marami nang nag confirm na pupunta sila. Syempre hindi dapat tayo mawala do'n. Lalo ka na B." She pointed me.
I rolled my eyes. "Oo na!"
Ayoko talagang pumunta do'n kasi wala naman akong gagawin do'n. Tsaka ano bang paki alam ko sa mga dating estudyante ng A.U e wala naman silang maaalala tungkol sa'min kundi ang pang bu-bully namin. Pero itong si Kim lagi nalang akong kinukulit dahil leader ako ng Señoritas kaya dapat akong pumunta.