Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Na sobrahan kami sa pagiinum kagabi sa walang kwentang bridal shower ko. Tinuloy pa din namin ang inuman kagabi after ng lahat ng drama.
After ng break up namin ni Daniel, ito na ulit ang pinaka magaan sa pakiramdam na pag-gising ko dahil alam ko na ngayon ang katotohan sa relasyon ni Daniel at Bam.
Until now medyo 'di pa din ako makapaniwala na nagawa nila akong pa paniwalain na may relasyon sila. Mukha kasi talagang totoo e. Kasi kung maglambingan sila parang sila talaga.
Pero natutuwa din talaga ako dahil alam ko na ako padin ang mahal ni Daniel kaso ang malangkot na katotohanan hindi ko parin siya ma-ipaglaban. Pag inulit ko lang na
naman ang ipaglaban siya masasaktan na naman siya.Pero baka gumana naman 'yong plano ni Bam. Sana nga! Anong oras kaya darating si Papa?
Bumangon na 'ko ng kama ko, pumasok agad ako sa bathroom para makapag shower na para mawala na 'tong sakit ng ulo ko. After ko namang mag shower, nag bihis lang naman agad ako tsaka ako lumabas ng kwarto ko kahit basa pa ang buhok ko.
Wala namang pasok ngayon kaya hindi ko kailangang mag ayos.
Sakto sa paglabas ko ng kwarto, nakita kong papalapit si Alec.
"Breakfast is ready." He told me.
"Okay." Nag simula na 'kong mag lakad.
"What time kayo natapos sa bridal shower?" Tanong niya.
"Late na. I can't remember ang exact time."
Wala ako sa mood na kausapin siya kaya nag madali akong mag lakad pababa. Dumiretso ako sa dining room kung saan nakita ko na do'n si Mama na nakaupo sa trono niya habang nag babasa ng news paper.
Lumapit ako sa kanya at bineso siya.
"Good morning po." Bati ko.
"God morning." She greeted back. "Ma-upo na kayo, kakain na tayo."
Sa pag sisimula naming kumain. Si Mama at Alec lang ang nag uusap at tungkol sa kasal ang pinaguusapan nila. Hindi ako interesado sa topic kaya hindi ako nag sasalita. Mas iniisip ko pa ngayon kung darating na ba si Papa. Sa tuwing may dumarating nga dito sa dining na maid bigla akong napupunta ang atensyon ko do'n dahil akala ko si Papa na 'yon.
"Kumusta na?" Napahinto kaming lahat sa pagkain namin nang makarinig kami ng pamilyar na boses.
Nilingon ko kung sino 'yong nagsalita and i finally saw Papa!
"Papa!!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya na para akong bata.
"How’s my princess?!" Tanong niya habang nakayakap ako sa kanya.
Para akong bumalik ng pagkabata dahil sa pag tawag niya sakin ng Princess. But I don't mind, i miss it.
"I'm fine Pa. I miss you!"
"I miss you too, sweetheart."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka kami tumingin kay Mama. Na halatang nagulat din na makita niya si Papa.
"How are you Barbara?" Papa asked Mama.
"I'm great." She answered. "Mag handa kayo ng plato for Benjamin." Utos niya sa maid.
"Sumabay ka na sa'min sa pagkain, for sure gutom ka sa malayong byahe mo."
"Yeah! You're right. I'm really starving. Luto mo ba 'yan?"
"No. I don't cook anymore."
"That's sucks! Your dishes are much better than the chef of Queen Elizabeth. Can you cook for me?"