Señoritas 6

7.2K 263 30
                                    

⇨ BARBIE ⇦

Nasa S.R kami ngayon at kanina pa wala si Bam, tapos na ang free time namin pero siya wala pa din. Maiintindihan ko pa kung ang male-late sa pag pasok ay si Kim o Toru pero si Bam, laging on time 'yun.

Nasan kaya 'yun?

Sakto naman na nagbukas ang pinto ng S.R at ang Prof. naman namin ang pumasok.

"Where's Bam?" Toru asked.

"Baka may boyfriend na itinatago!" Biro ni Kim.

I rolled my eyes. 'Yung imagination talaga nitong si Kim ang taas eh. Si Bam, mag kaka-boyfriend? Eh ang pihikan nun eh, parang ako.

Nag simula naman na agad 'yung prof. namin sa pag tuturo pero hindi naman kami nakikinig. Ilang sandali lang naman nag bukas muli ang pinto at si Bam na ang pumasok.

"Bam, saan ka galing?" Tanong ko habang nag lalakad siya papalapit ng upuan niya.

"Nakipag usap kay Daniel."

What?? Nag usap sila ni Daniel? Anong pinag usapan nila?

"Do you want to know kung anong pinagusapan namin?" Bam asked, sensing my unspoken question.

Umiwas ako ng tingin at nag cross arms.

"Wala akog pakialam sa pinagusapan nyo nu!" Pagsisinungaling ko.

Ang totoo, gusto ko talagang malaman kung anong pinagusapan nila. Kaso nakakahiyang magtanong.

"Talaga? Tungkol pa naman sa'yo 'yung pinagusapan namin." She hissed.

About me? Okay, interesado na talaga akong malaman 'yun!

"A-anong tungkol sa'kin?"

"Tinanong ko siya kung gusto ka niya."

Oh shit! R-really tinanong niya 'yun?

"A-anong sabi niya?" Curious ako.

Toru laughed. "Uy si B. Curious, Mananalo na ba kami sa pustahan?"

Damn it!

"Sigurado 'yun T. Mukhang may makikita na tayong hahalikan ni Barbie. Exciting 'to!" Kim claps her hands. "Pansin nyo 'di ba hindi na pinapagulpi ni B. Si Daniel." She added.

"Dahil 'yun sa uh may benda siya sa ulo, duh!"

"Ayieeh! Concern siya." Pangaasar ni Toru.

"Tumigil nga kayo! Wala akong gusto sa kanya!" Pagmamatigas ko.

"Talaga? Bakit namumula ka?" Kim said.

Tumawa na naman sila.

Nakakainis!

"Sigurado ka? Wala kang gusto sa kanya?" Tanong naman ni Bam. Naka ngiti siya sa'kin katulad ng mga ngiti nung dalawa. "Sayang gusto ka pa naman niya." Bam added.

I blinked at her shockingly. Like, seriously? Daniel likes me?

Oh my Gucci!!

"B. Lalo kang namula!" Kim said laughing.

"Uh Señoritas baka po pwedeng makinig kayo sa klase?" Pagsisingit ng prof namin.

"Manahimik ka! Pinahintulutan ba kitang mag salita?!" Irita kong sabi sa kanya.

Tumayo na lang ako at humakbang papalabas ng S.R. wala akong pakialam kung nasa gitna pa ng klase.

Nakakainis talaga sila 'yung pang ti-trip nila sa'kin. Ginagawa nila 'yun para matalo ako sa pustahan!

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon