Señoritas (40)

3.4K 114 5
                                    

↪BARBIE↩

Nakarating ako sa Mansion. Dumiretso ako ng uwi pagkagaling ko sa bahay ni Bam.

Nang masabi sa'kin nila Kim at Toru ang tungkol kay Bam at Daniel, nag maneho agad ako papunta sa bahay ni Bam para i-kumpirma 'yon hanggang sa nakita ko nga sila at sobrang nasaktan ako sa nakita ko.

Sobrang sakit, bakit ganito? Gano'n niya ba 'ko kabilis na nakalimutan? Kaya naging sila na ni Bam? Alam kong sinuko ko na siya at hinayaan na si Bam na gustuhin siya pero bakit hindi manlang muna nila pinaabot ng buwan or taon kung kailan nakapag move on na 'ko. Hindi 'yong isang linggo palang sila na agad.

Nakakainis! Sa sobrang inis, parang sasabog 'yong puso ko.

Kung nakalimutan na nga niya 'ko at si Bam na ang gusto niya, wala na akong magagawa. Gusto din naman siya ni Bam baka pag si Bam na ang minahal niya baka 'di na rin siya mahirapan pa.

"Sa'n ka galing?" Tanong ni Alec, pagpasok na pagpasok ko ng Mansion.

"Fiance palang kita at hindi asawa kaya wala kang pakialam!" Irita kong sabi tsaka ako nag lakad diretso paakyat ng kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto, kinuha ko 'yong singsing na binigay sa'kin ni Daniel nung nag proposed siya sa'kin.

Kailangan ko ng itapon to at kalimutan siya, masakit pero kailangan.

Tinapon ko 'to sa trashcan tsaka ako nag lakad pabalik sa kama ko at umupo. Inilagay ko ang mga kamay ko sa ulo ko tsaka ko naramdaman na tumulo ang mga luha ko.

Bwiset! Nakaka bwiset! Sobrang sakit!

Tumayo ulit ako mula sa pagkakaupo ko sa kama, lumapit ako sa trashcan at kinuha ulit ang singsing na tinapon ko. Hindi ko pala kayang itapon 'yong bagay na importante sa memories
namin ni Daniel.

Ano'ng gagawin ko para makalimutan siya?

--

We’re on S.R, with Señoritas and Alec.

Nag su-suggest si Alec na mag hiking daw kami with the students of A.U. Gagawin siyang activity para lahat ng estudyante ay sumama.

Pumayag na lang ako para makaiwas sa boring na nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Good idea, sasama ba lahat?! Yayayain ko si Stefan." Kim asked. Mukhang excited pa siya sa nag suggest.

"Sira ka ba? 'Di naman estudyante dito si Stefan." Toru said.

"Bakit, hindi mo ba isasama si Nathan?"

Toru shrugged. "I don't know, busy 'yon sa pag po-promote ng Movie niya. Pero sasabihan ko pa din.

"Kung gano'n isasama ko din si Stefan tutal dalawa naman sila ni Nathan na outsider."

Tumingin si Toru kay Bam. "Bam, sasama ka ba? Ayaw mo sa mga gano'n 'di ba?" Toru asked to her.

Tama siya. Mas gusto pa kasi ni Bam na magbasa na lang kesa ang mag hiking. Aksaya lang ng energy para sa kanya ang mga gano'n.

"Sasama ako pag sumama si Daniel. " Bam answered.

Nangiinis ba siya? Kalma B.

"Hindi pwedeng sumama 'yong lalakeng 'yon." Pagaangal agad ni Alec.

"Hayaan nyo siyang sumama, estudyante din naman siya dito e." Sabi ko naman kaya nag tinginan sila sa'kin lahat.

"Hindi ka ba maiilang kung makikita mo kaming magkasama?" Bam asked.

"Bakit naman ako maiilang? Wala sakin 'yon. Kahit pa maghalikan kayo sa harap ko, wala akong pakialam. I told you sawa na 'ko sa kanya."

Don't back down B.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon