Ngayon na ang hiking namin. Nandito kami sa isang kilalang Mountain sa bansa para mag hiking. Honestly, sana hindi na lang pala ako sumama kasi naman sobrang nakakapagod 'to sasabayan pa na makikita si Daniel at Bam na akala mo wala ako dahil sa pagiging sweet nila. Nasa harap ko pa sila kaya mas lalo akong na bu-bwiset.
Hirap na hirap na nga akong tumuloy mag hiking, sumasabay pa sila sa bwiset ko.
"B. Gusto mong buhatin na kita?" Alec offered.
"'Wag na! 'Wag mo na nga lang akong pansinin dito, mauna ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.
"E halata namang nahihirapan ka na e."
"Bakit mo pa kasi 'to naisip kung alam mo namang mahihirapan ako!"
Nakaka bwiset talaga!
Hindi na lang siya sumagot at nag patuloy na lang sa pagakyat.
Habang patuloy sa pagha-hiking, nakita kong natanggal ang sintas ng hiking shoes ko. Tumigil muna ako sa paglalakad para ayusin ang sintas ko. Ang magkabilang sa sapatos na ang inayos ko sa pagkakasintas para isang ayusan lang.
After kong gawin 'yon, tumayo na ulit ako at tumingin sa harap ko. Laking pagtataka ko na wala na agad ang mga kasama ko. Nag lakad ako pa abante baka lang makita ko na ulit sila kaso medyo nakakalayo na 'ko sa paghakbang ko hindi ko pa rin sila nakikita hanggang 'yong paglalakad ko ay napunta na 'ko sa puro puno na.
What the hell?
"Hey guys, nasaan kayo?!!" I shouted.
Wala naman akong narinig na sumagot sa'kin.
Bwiset! Wala ng magandang nangyari sa'kin, ngayong araw!!!
Kinuha ko na lang 'yong cellphone ko sa bag ko. Dinaial ko 'yong number ni Toru kaso lecheng cellphone 'to, walang signal.
Itinaas ko na lang muna 'yong cellphone ko, baka lang makakuha ako ng signal. Kaso walang epekto naman. Nag lakad pa 'ko kunti para humanap pa ng signal, nakatingin lang ako sa cellphone ko habang nag lalakad hanggang sa bigla akong natapilok dumiretso pa na mahulog sa isang mababaw na bangin.
Shit!
Sinubukan kong tumayo para makaalis dito kaso sobrang sakit ng paa kong natapilok kaya nahirapan ako.
Fuck!
Kinuha ko 'yong cellphone ko na nabitawan ko nang mahulog ako dito sa bangin. Nasa tabi ko lang naman siya kaya hindi ako nahirapang makuha 'to, but still wala pa rin akong signal.
"Walang silbe!" Binato ko 'yong cellphone ko dahil sa sobra kong inis.
Hinding-hindi na 'ko mag ha-hiking pa ulit! Damn it!
"Tulong!!!" I shouted. "May nakakarinig ba sa'kin? Tulungan nyo 'ko!!!" I shouted more.
"Kimberly!! Toru!!! Yeaaahhh!!! Damn it! Wala bang nakakarinig sa'kin?!!!"
I groan frustratingly.
Mapapaos lang ako kakasigaw dito.
Bakit ba 'to nangyayari sa'kin?
Hindi ko alam kung ilang oras na 'ko ditong nakaupo. Habang tumatagal lalo kong nararamdaman 'yong kirot ng paa ko sa sobrang sakit. Tinanggal ko na 'yong sapatos ko at nakita kong namamaga na 'yong paa ko.
Ba't ba ang tagal nila akong mahanap? Nasaan na ba sila? Alam ba nilang nawawala ako? Sa ganitong sitwasyon si Daniel lang ang na iisip kong pwedeng makakita sa'kin. Sana nga makita niya 'ko. Sana kahit may Bam na siya, hinahanap pa din niya 'ko.
"Daniel, nasaan ka na?" I murmured.
"B!" Nag ha-hallucinate ba 'ko o talagang narinig ko ang boses niya?
"B!" I heard him shouted, again.
Oh shit! Siya nga.
"Daniel!" I shouted back.
"B, nasa'n ka? Sumigaw ka pa para malaman ko!"
"Dito! Sa may bangin!"
He suddenly showed up, making me feel relief. Thank god!
Nag madali siyang lumapit sa'kin at kita ko ang pagaalala sa mukha niya.
"Are you okay?" Tanong niya.
I shake my head.
"Nabalian ako, hindi ako makatayo."
Tumingin siya sa paa ko, sinubukan niya 'tong hawakan pero dumikit palang 'yong daliri niya sa paa ko naramdaman ko na agad 'yong sakit.
"Sorry." He quickly apologize.
"Ayos lang."
Sinubukan niya ulit 'tong tignan pero hindi na niya 'to hinawakan. May nakita naman ako sa palad niya na isang sugat. Hinawakan ko siya sa wrist niya para makita ang sugat.
"May sugat ka."
"Nadulas ako e, natukod ko kamay ko kaya nag kasugat ako, don't worry okay lang ako." He reassured.
Mabuti naman kung gano'n.
Nilagay niya 'yong bag sa harap nito tsaka siya tumalikod sa'kin.
"Sumakay sa likod ko, bubuhatin kita." He told me.Ginawa ko naman agad naman agad 'yon.
"Kaya mo ba?" Tanong ko nang makasakay na 'ko sa likod niya.
"Ako pa, ilang beses na ba kita nabuhat? Madami na 'di ba? Parang gumaan ka nga e. Kumakain ka ba?"
"Kumakain naman." Kunti nga lang. Dinaig ko pa nga ang diet sa pagkain e.
"Buti naman."
Sinimulan na niya ang paglalakad habang tahimik kami. Dahil nakasakay ako sa likod niya hindi ko mapigilan ang sarili ki na mamiss siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Kung pwede lang sana huminto ang oras ngayon, kahit ngayon lang. Mag babayad ako kahit magkano para lang huminto ang oras na 'tong magkasama kami.
"Daniel," I called.
"Ano 'yon?"
Miss na kita.
"Salamat hinanap mo 'ko."
"Wala 'yon."
Tahimik na ulit kami. Ang dami kong gustong sabihin pero 'yong bibig ko ayaw mag salita.
"Inaalagaan ka ba ni Alec?" Tanong niya na bumasag ulit sa katahimikan namin.
"Yeah." I lied. Bakit naman ako magpapaalaga sa mokong na 'yon. Sana hindi na lang tungkol sa kanya ang ini-open niyang topic.
"Kumusta kayo ni Bam?" Ako naman ang nag tanong.
"Ayos naman. Nagulat ka siguro sa nabalitaan mo tungkol sa'min."
"Hindi naman. Alam ko naman noon pa na may gusto sa'yo si Bam."
Oo! Sobrang gulat na gulat!
"Hindi naman mahirap magustuhan si Bam e."
"Masaya ka naman 'di ba?"
"Oo kaya 'wag ka ng magaalala."
"What do you mean?"
"Wala. Ayon na sila." I look forward and nakita ko na nga sila.
Tumakbo agad sila papunta sa'min at syempre na una si Alec sa kanila para kunin ako kay Daniel.
"Anong nangyari?" Bam asked.
"Nahulog siya sa mababa na bangin at nabalian kaya binuhat ko na siya." Sagot ni Daniel.
"Tumawag kayo ng medic." Alec shouted.
Tumingin ako sandali kay Daniel, nakita ni Bam ang sugat nito sa kamay kaya nakita ko ang pagaalala sa mukha niya. Nang tumingin naman sa'kin si Daniel umiwas agad ako ng tingin.
"Ayos ka lang B.?" Pagaalala ni Alec.
Tumango lang ako bilang sagot.
--
Keep voting.