Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa narinig kong katok mula sa labas ng kwarto.
"Señorita, wake up. Papasok pa tayo ng school." That's Bam.
I groan. Bakit ba ang aga niyang mang gising?
Wait anong oras na ba?
Kinuha ko 'yong cellphone ko mula sa side table. Tinignan ko ang oras at 7:04am palang. Tsk. Dinamay niya ako sa maaga niya laging pag-gising.
"Señorita," Tawag niya ulit.
"Oo na, gising na!" Haay! Hindi na ulit ako makikitulog sa morning person.
Bumangon ako ng kama at ini-unat ang katawan ko. Mmm. Good morning to myself.
Lumabas ako ng kwarto, dumiretso ako sa paglalakad papunta sa dining room para kumain. Nagugutom ako e.
Na abutan ko do'n si Bam na nag hahain. Ito ang isa sa kinahahangaan ko kay Bam, señorita nga siguro siya pero marunong siyang kumilos sa kusina. 'Di tulad ko.
"Good morning." She greeted.
"Morning." I greeted.
"How's your sleep?"
"Bitin!" I pout at her.
She chuckled. "Sorry, lalamig kasi 'yong hinanda kong breakfast kung magpapa-late ka pa sa pag-gising. E alam ko namang ayaw mo ng cold breakfast."
I rolled my eyes. "Whatever!"
Umupo na lang ako then sabay kaming kumain after niyang maghain. Habang kumakain kami lumilipad ang isip ko kay Daniel at kay Alec, kasi naman bigla kong naalala 'yong sinabi ni Alec na mag aaral na rin siya sa A.U.
Kailan kaya siya mag sisimulang pumasok sa school?
"You, okay?" Bam asked.
I shake my head. "Sa A.U na din mag aaral si Alec."
Napahinto siya sa pagkain. "Really?"
I nodded.
"Alam na ni Daniel?"
I shake my head.
"Lalo palang naging komplikado ang lahat."
"You're right!" I agreed. "Minsan iniisip ko na badtrip sa'kin ang tadhana dahil bago palang kami ni Daniel may problema na agad. Hindi manlang muna pinaabot ng years, 'yong tipong matatag na kami at 'yong hindi na siya bibitaw."
"Maybe binibigyan ka lang din ng challenge ng tadhana."
"Buwiset na challenge 'yan!" Kapag nag hiwalay kami ni Daniel dahil sa bwiset na challenge na 'yan, i swear ipapabura ko sa dictionary ang salitang Tadhana!
After naming kumain ni Bam. We decided na mag prepare na for school para makita ko na si Daniel, i mean mag aral pala.
Bumalik ako sa kwarto, dumiretso ako ng bathroom para mag shower na. After kong mag shower, nag bihis ng mga hinanda ni Bam na clothes for me. I choose to wear jeans today and white t-shirt. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko. I want to look simple kaya kilay and make-up lang ang inilagay ko sa face ko.
Okay, i'm done.
Lumabas na ulit ako ng kwarto na bitbit lang ang bag ko at cellphone. Dumiretso ako sa sala para do'n hinatayin si Bam. While waiting, i decided to text my oh-so-poging-boyfriend.
** Good morning D. ♡ **
"Alis na tayo?" Dinig kong tanong ni Bam after kong mag text kay Daniel.