Señoritas - 27

4.1K 171 11
                                    

BARBIE

I'm at Alec's car. Pauwi na kami galing sa tinatawag niyang date daw namin. Tss. Honestly ayaw ko talagang sumama sa kanya. Napilitan lang kasi ako para pagselosin ni Daniel.

Nakakainis lang dahil parang may importanteng sasabihin si Daniel. Hindi niya lang natuloy dahil biglang dumating si Alec. Hindi ako mapapakali nito hangga't hindi ko nalalaman kung anong gusto niyang sabihin sa'kin para pumunta pa siya ng S.R.

"Nag enjoy ka ba sa date natin B.?" Tanong ni Alec.

"Yeah." Walang gana kong sagot. Pagsisinungaling ko na din syempre. Sinong mag e-enjoy sa date namin e ang ginawa lang naman niya ay dalhin ako sa restaurant na pag mamayari nila at ipakain sa'kin do'n ang mga special dish daw. Tss. Wala tuloy akong ginawa kundi kumain ng kumain. Siguro nga hindi ka talaga mag e-enjoy sa isang date kung na iinis ka naman do'n sa kasama mo.

Gabi na kaming nakarating ni Alec sa Mansion. Pag park niya ng kotse, bumaba din naman agad ako kahit hindi pa niya napapatay ang makina. Sinimulan ko ang mag lakad pero na pahinto din mang tawagin niya ako.

"B!" Nilingon ko siya.

"Bakit?"

Nag lakad siya papalapit sa'kin. Plano na niya sana akong halikan sa labi ko kaso umiwas ako kaya pisnge ko na lang ang hinalikan niya.

"I enjoy our date." He told me. I just force a smile bilang sagot.

Nag simula na siyang mag lakad pabalik ng kotse niya ako naman ay tinuloy ang pagpasok ng Mansion. Dumiretso ako sa pagakyat sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Haay!

Another wasted day!

Bumangon na lang ulit ako ng kama ko. Plano ko ng mag babad sa Bathtab ko para makapag freshen up naman.

After naman akong makapag freshen up. Lumabas ako ng bathroom ko, sakto naman na narinig ko na nag ring ang cellphone ko mula sa bag ko.

Nag lakad ako papalapit do'n at kinuha ang cellphone ko. Nakita kong si Toru ang tumatawag kaya sinagot ko naman ito. Kung si Alec 'to, hindi ko 'to sasagutin.

"Hello?"

"Hello B." Para siyang nag pa-panick.

"Why? May problema ba?" Pagaalala ko.

"B. Si Nathan nag papaturo sa'kin kung paano mag alaga ng pasaway na may sakit and he's reffering to Daniel. Nag papakamatay ata prince charming mo!"

"What?!!!" Oh my gucci! "Paano daw siya nag kasakit?"

"I don't know, pero 'di ba may pasa siya sa mukha niya? Baka dahil do'n."

Napa hawak ako sa forehead ko, feeling ko tuloy sumakit ang ulo ko dahil sa kabaliwan ni Daniel. Ano ba sa tingin niya ang pumasok sa isip niya na kahit pag inum na lang ng gamot ayaw pa niya?

"Papunta kami ni Kim sa bahay ni Nathan, gusto mo bang sumunod?" Tanong niya ulit.

"Oo! Susunod ako!" Binaba ko na 'yong tawag tsaka naman akong nag madali na mag bihis.

Kumuha ako ng pantalon at blouse tsaka ko 'to sinuot. After kong mag bihis lumabas na agad ako ng kwarto ko na ang bitbit lang ay ang susi ng kotse ko at cellphone.

Tumakbo ako palabas ng Mansion, dumiretso ako sa kotse ko at sumakay. Pinaandar ko ang makina tsaka ko sinimulan ang byahe papunta sa bahay ni Daniel. Buti na lang naka punta na 'ko do'n kahit papaano hindi na 'ko maliligaw.

Finally nakarating ako ng bahay ni Daniel. Inabot din ako ng isang oras sa byahe kasama na amg traffic do'n.

Bumaba ako ng kotse after kong patayin ang makina. Nag doorbell ako at ilang sandali lang pinag buksan ako ni Nathan.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon