⇨BARBIE⇦
We're on the lobby. At pinapanuod na kung paano pahirapan si Cherry sa open space sa school.
Hindi nakita ng mga inutusan yung dalawa niyang alipores siguro natakot na at nag drop out. Tama lang yun, tama lang na katakutan nila ang galit ko!
Sinimulan na nilang sirain ang suot ni Cherry.
"Tama na! Please!" Pag mamakaawa niya sa mga lalake habang umiiyak.
Tinawanan lang siya ng mga lalake at tinignan ng walang awa. Lalo pa nilang sinira yung damit ni Cherry kaya nakita na ang pangtaas na panloob nito. Tinakpan naman 'yun agad ni Cherry.
I smirked, watching her.
"Kahit bruha siya nakakaawa din pala." Kim said.
"Wala akong pakialam!"
Bagay lang sa kanya 'yan!
Bigla nalang dumating na naman si feeling Clark Kent na si Daniel at pinagsusuntok 'yung mga inutusan ko hanggang sa lahat ng mga ito ay napatumba niya na hindi ko na ikinabigla.
Hinubad niya 'yung polo niya at isinuot kay Cherry.
May gusto ba talaga siya sa babaeng 'yan? Anong nagustuhan niya dun? Anong nakita niya na wala sa'kin?
Oo nagagalit ako dahil mas pinipili niya 'yung babaeng 'yun.
Nakakairita silang tignan!
"Mapagtatanggol mo nga sarili mo pero hindi si Cherry!" Sigaw ko kay Daniel na punong-puno ng inis.
He sighed. "Hindi ko 'to ginagawa dahil pinagtatangol ko siya. Ginagawa ko 'to para tumigil ka na."
"Tumigil ako? saan naman ako titigil huh? Sa pang bu-bully? kanino? Sa'yo? Sa kanya?" Pinoint ko si Cherry. "Well hindi ako titigil!"
I'm really mad. Hindi pa 'ko na galit ng ganito.
"Ano bang gusto mong gawin ko para tumigil ka na?" He asked.
I smirked at him. "Simple lang. Magpabugbog ka sa kanila tapos let's see 'pag na satisfy ako sa gagawin nila sa'yo baka tumigil ako."
Tumitig siya sa'kin at na pabuntong hininga ulit.
"Sige kung 'yan ang gusto mo."
What? Pumayag siya?
Tinignan ako ng nga inutasan para ata humingin ng utos na sugurin nila si Daniel pero blangko lang ang isip ko.
Lumapit sila kay Daniel at sinimulan na siyang suntukin ng mga ito at hindi manlang umiilag at lumalaban di Daniel sa kanla. Halata sa kanila ang gigil sa bawat sipa at suntok nito sa kanya dahil siguro ngayon lang sila makakaganti sa pagbugbog sa kanila ni Daniel.
"Tama na yan!" Bam shouted.
"Ituloy nyo lang." I shouted.
Hindi ko alam kung bakit lumabas 'yun sa bibig. Kahit na nakikita kong nahihirapan na siya.
Parang gusto ko na silang patigilin pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako kay Daniel habang binubugbog siya.
Bigla ko nalang naramdaman na sinampal na pala ako ni Bam na ikinagulat ko.
"Ano bang pride ang meron ka B.? Nakikita mong nahihirapan na 'yung lalakeng gusto mo pinagpapatuloy mo parin." She angrily said.
"K-kailan ko bang sinabing gusto ko siya? Wala naman diba?!"
"Damn it B.! You like him admit it! Hindi ka mag re-react ng ganyan kung hindi! Iniisip mo parin ba 'yung pustahan natin? Fine! Talo na kami! Basta itigil mo na 'yan!"
Hindi naman 'yun eh.
"Tama na nga 'yan, bakit pati kayo nag aaway?" Inis na sabi ni Toru.
''You like him admit it!"
Gusto ko na nga ba siya?
"You like him admit it!"
Nag e-echo sa tenga ko yung sinabi ni Bam.
"You like him admit it!"
Do i really like Daniel?
Tinignan ko ulit si Daniel ang dami na niyang dugo, mula sa ginawa ng mga tauhan ko sa kanila.
Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Tama na yan." Kalmado kong sabi sa mga tauhan ko.
Halos sumusuka na ng dugo si Daniel dahil sa ginawa nila sa kanya.
Shit bakit ko ginawa 'to sa kanya? Nang dahil sa'kin pwede siyang mapahamak.
Napaluhod ako sa harap niya.
Inaamin ko na, gusto ko na siya.
Gusto ko na si Daniel Jimenez.
Nagpumilit siyang tumayo at lumapit sa'kin, lumuhod din siya sa harap ko. Hinawakan niya 'ko sa mag kabilang pisnge at pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam na umiiyak pala 'ko.
"Don't cry." He softly said while smiling weakly at me. "I'm okay." He reassured.
"No you're not!" I hissed. Obvious naman na hindi, kitang-kita 'yun sa mukha niya.
"Well, i am now."
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge habang naka tingin sa mga mata niya. Tumingin ako sa labi niya at hinalikan ito. I don't care kung maraming makakita nito. Para na din malaman ng lahat na hindi man official na sa'kin si Daniel, akin na siya sa mata ng lahat.
Pag katapos ko siyang halikan tinignan ko lng ulit siya sa mata na halatang nabigla sa ginawa ko. I wonder why, samantalang hindi naman ito ang first kiss namin.
"Dadalhin kita sa hospital." I told him. He just smile then bigla siyang nawalan ng malay.
Shit!
"Toru," Inihagis ko sa kanya yung susi ng Ferrari ko. "Get my car. Kim, Bam tulungan nyo 'kong alalayan si Daniel." I instructed. They nodded.
Just like what i said, tinulungan ako ng dalawa na alalayan si Daniel para dalhin sa kotse ko.
Nang makita naman namin 'yung kotse ko, dali-dali naming isinakay si Daniel sa backseat. Tumabi lang ako sa kanya para alalayan pa siya.
Sinimulan din naman agad ni Toru ang byahe pagkasakay namin. Siya kasi aang pinaka mabilis magpatakbo sa'min ng kotse kaya siya ang pinagmaneho ko.
Binaling ko lang ulit ang tingin ko kay Daniel, wala pa rin siyang malay until now. Pag may nangyaring masama kay Daniel hindi ko mapapatawad sarili ko.
"Don't blame yourself, B. Inatake ka lang ng selos." Toru said sensing my thought.
"Kung selos nga 'to, siguro nga tama ka!" I said.
Never ko pa naman kasing naramdaman 'yun at sino ba namang magaakalang makakaramdam ako ng selos?
Na sa'kin na ang lahat kaya never akong nakaramdam ng selos sa kahit na kanino.
"'Yung paghalik mo sa kanya pagpapakita ba 'yun ng pagkatalo mo sa pustahan nating apat?"
Hard to admit, but yes!
I nodded.
"So, you like him?"
I nodded again.
"Okay! Bilisan pa natin ang takbo para gumaling na 'yang prince charming mo." She added.
I give her a weak smile.
Daniel is my prince charming?
Yah! He is.
Sana maging okay na siya.
To be continue...