Señoritas - 28

4.3K 153 8
                                    

Nag gising ako mula sa pagkakatulog na ramdam ko pa rin ang pagkakayakap sa'kin si Daniel.

Sa pag mulat ko ng mga mata ko, mukha niya agad ang una kong tinignan. Napaka gwapo niya talaga kahit may pasa kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.

I poke his nose kaya nagising siya. Minulat din niya ang mga mata at tumingin sa'kin.

"Wow!"

"Hmm?" I hummed.

"Nasa langit na ba ako o talagang may anghel akong nakikita ngayon?"

I giggle. "Sira! Mukha lang akong anghel pero 'yong ugali ko malayo sa anghel."

He smiled. "I'm aware of that." He kissed my hair then mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Nagugutom na 'ko." I told him.

Gusto ko lang talagang mag lambing ng luto niya.

"Hindi na ba naka lock 'yong pinto?"

"I don't know." Honestly ayos lang naman sa'kin na naka lock pa 'yon.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin at bumangon siya ng kama. Ako naman ay umupo lang. Nag lakad siya papalapit sa pinto at sinubukan itong buksan. Sa isang subok lang na buksan niya agad ito, it means makakalabas na kami sa kwartong 'to.

"D." I called him.

Tumingin lang siya sa'kin bilang respond.

"Lalabas ka?" Tanong ko.

Tumango siya. "Ipagluluto na kita."

"Baka nasa labas pa 'yong girls ayokong makita ka nilang," I paused, looking down at me. "g-ganyan lang ang suot."

Naka boxer shorts lang kaya siya.

"Oo nga pala, sorry." Nag lakad siya papalapit sa closet niya. Kumuha siya ng short at sinuot ito.

"Sumunod ka na lang sa kusina." He told me.

"Okay." Nag lakad na siya palabas ng kwarto ako naman humiga pa ulit ng kama niya tsaka ko tumingin sa kisame habang may ngiti sa labi ko.

Ang saya ko na naman. Medyo nakakaramdam ako ng takot na sumaya ng bongga dahil the last time na masaya ako may mga problemang nangyari sa'min ni Daniel.

I shake my head. Ayokong mag isip ng negative ngayon.

Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid ng kwarto. Ngayon ko lang 'to magagawa. May nakita akong nakasabit sa gilid ng wall na isang Jersey ng football.

'Di kaya naglaro siya ng football dati?

Matanong nga mamaya.

Bumangon na ako sa kama niya. Sunod kong na ibaling ang tingin sa side table niya. May nakita akong picture frame kaya tinignan ko ito at ang nakita ko ay family picture nila. Si Nathan and him kasama ang parents nila. Mas kamukha nilang dalawa ang Papa nila.

After kong ilibot ang tingin sa kwarto niya. I decided na mag wash muna ng face ko. Nag lakad ako papassok sa bathroom tsaka ako nag simulang maghilamos. Dahil din sa paghihilamos ko accident na nabasa ang blouse ko. Nakakainis, wala pa naman akong dalang damit.

Pinunasan ko lang ang mukha ko tsaka ako nag lakad palabas ng bathroom. Dumiretso ako sa closet niya at ini-open 'to. Siguro naman may kasyang t-shirt sa'kin dito.

Kumuha ako ng isang plain maroon t-shirt. Hinagis ko 'to sa kama tsaka ko hinubad ang basang blouse ko para palitan nitong T-shirt niya.

After kong makapag bihis nag lakad na 'ko palabas ng kwarto niya. Tulad ng sabi niya kanina sumunod na lang ako sa kusina.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon