Señoritas - 32

3.6K 146 13
                                    

↪BAM↩

Nasa Parking na 'ko ngayon dito sa school. Sakto din naman ang dating nila Kim at Toru. Ako ang unang nakababa sa kotse ko, kaya hinintay ko na sila para sabay-sabay na kaming maglakad papunta sa S.R

Medyo nakakapanibago ngayong wala si B. Dahil sa pagtatanan nila ni Daniel.

Kalat na sa school 'yong pakikipag tanan niya, basta talaga pag dating sa kanya mabilis kumalat ang balita.

"Ano na kayang ginagawa ng mga 'yon?" Toru asked. She’s referring to Daniel and Barbie.

"Gumagawa ng baby?" Kim said making them laugh.

"Bam." Tawag ni Toru sa'kin. Tumingin lang ako sa kanya bilang response. "Bakit mo tinutulungan sila Daniel at Barbie? 'Di ba gusto mo si Daniel?"

Nabanggit ko na sa kanila ang tungkol do'n kaya pati sila alam na ang tungkol sa pagkakaroon ko ng feelings for Daniel.

"Simple lang, pareho ko silang kaibigan kahit gusto ko si Daniel hindi ko 'to papansinin dahil mahal siya ni B." I answered.

"Paano kung hindi mahal ni B. Si Daniel?" Kim asked.

"E di hindi ko pipigilan sarili ko na gustuhin si Daniel." Kung hindi kaibigan ang ka-agaw ko sa atensyon ng lalakeng gusto ko, hindi ko pipigilan ang sarili ko.

Dumiretso na lang kami sa paglalakad papunta ng S.R.

Nang makarating naman kamin do'n gulat at may halong takot nang makita namin si Auntie na kasama si Alec.

Shit! Patay kami nito.

"Auntie," Sabay sabay naming tawag sa kanya at sobrang halata samin ang takot.

"Nasaan si B.?" She’s mad.

"Hindi po namin alam." Kim answered.

"Hindi niyo alam? 'Diba kayo ang kasama niya no'ng lumayas siya ng Mansion?"

Nagtinginan kaming tatlo.

"Nakipagtanan na po si B. Auntie." I said.

"She, what?!" She shouted, glaring.

"Kaibigan kayo ni B. 'di ba? Bakit nyo hinayaan na sumama siya sa lalakeng
yo'n? Sinisira niyo ang buhay niya!" She pointed us. "Itago nyo man sa'kin si B. mahahanap ko padin siya."

"Hindi po namin sila itinatago, talagang hindi lang namin alam kung nasa'n sila." Sabi ko ulit.

"Hindi po sinabi nila B. Kung saan sila pupunta." Toru said.

"Tahimik! Sinasabi ko na nga ba e. Talagang gagawin lahat ng lalakeng 'yon para maakit ang anak ko. Niyaya pa talaga niyang makipagtanan?!"

"Actually ako po ang nag suggest na magtanan sila."

Tumingin sa'kin si Toru at Kim ng bakit-mo-sinabi-'yon look.

"You did what?" Her voice is calm but mad.

"I just don’t get it Auntie mahal nila isa’t isa bakit hin-" Hindi ko natapos sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal. Ouch!

"Hindi makakain ng anak ko ang pagmamahal na 'yan. Siguro nga iniisip niyo na masama akong ina, pero ginagawa ko 'to para sa kanya. Maiintindihan nyo din ako pag nagkaanak kayo!" She said then umalis na siya.

"Ayos ka lang?" Toru asked.

I just nodded.

"Alam nyo Señoritas masasayang lang pagkampi nyo sa dalawang 'yon dahil sa'kin pa din ikakasal si B. Kasi hahanapin ko siya. Kahit saan man siya nagtatago mahahanap ko siya at ilalayo ko siya sa lalakeng 'yon!" Alec said then siya na din 'tong nag lakad papaalis ng S.R

"Sigurado akong mahahanap nila si B." Kim comments. She’s right!

"Kung mangyayari man 'yon, sana hindi gano'n kabilis." I said.

↪ALEC↩

Nakakainis! Nakakainis na pumayag si B. na itanan ng walang kwentang lalake. Ano ba'ng nakita niya do'n at nagawa niyang iwan ang lahat? Kaya ko rin naman siyang mahalin tulad ng kaya ng lalakeng 'yon. Mas higit pa nga e.

Sinundan ko na ang Mama ni B. sa paglalakad niya hanggang sa makarating ito sa Parking. Bago siya sumakay sa kotse niya humarap siya sa'kin.

"Don't worrg about B. I'll make sure na iuuwi ko siya." She told me.

"Tutulong po ako sa paghahanap, Tita. For sure tatawag si B. sa mga kaibigan nila baka may malaman din ako sa kanila."

"Okay, prepare yourself na din dahil mamadaliin natin ang kasal nyo pagbalik niya."

"Opo." I bow to her.

Tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya at sinimulan ng driver niya ang pagmamaneho.

Dahil wala na siya nag lakad naman ako pabalik ng S.R. Habang nasa hallway ako at nag lalakad, nakasalubong ko si Cherry. Ang babaeng nag sabi sa'kin ng tungkol kay B. at sa lalake nito. Kwineto niya sa'kin lahat sa simula. Kung saan sa tingin niya nag simulang magka-gusto si B. sa lalakeng 'yon. Pero syempre gusto niyang ilihim lang namin 'yon dahil natatakot siyang balikan ng Señoritas.

"Hey." Medyo na iilang niyang bati.

"Hey!" I greeted back.

"I heard nakipag tanan daw si Barbie at Daniel, totoo ba 'yon?" Tanong niya.

"Gano'n na nga."

"Akala ko tsismis lang, totoo pala. Ayos ka lang ba? For sure mahirap 'yon para sa'yo."

"Hindi naman! Kasi, madali ko lang naman siyang mahahanap at mai-uuwi dito." Siguradong-sigurado ako do'n. Hahanapin ko siya. Gagawin ko lahat para mahanap siya!

"Kapag may narinig ako kung nasaan man sila, i promise sasabihin ko agad sa'yo."

"Salamat." Tinapik ko na lang balikat niya at sinimulan na ang mag lakad ulit pabalik ng S.R.

--

Sorry sobrang iksi. ✌

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon