Nagising ako mula sa pagkakatulog ko at ang una ko agad na naramdaman ay ang mahigpit na yakap sa'kin ni Daniel.
Minulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ko lang muna siya habang ang lalim ng tulog niya. Napa ngiti ako habang nakatitig sa nag iisang lalakeng minahal ko ng sobra-sobra.
Hinaplos ko ang labi niya gamit ang pointing finger ko. Dahan-dahan lang para hindi ko siya magising. Biglang pumasok sa isip ko na namiss daw niya ang luto ko, siguro dapat ipagluto ko siya.
Bumangon ako ng kama tsaka ako nag lakad palabas ng guest room. Sa paglabas ko, dumiretso agad ako sa kusina dito ni Bam. Sana lang may stock siya sa ref. niya na pwedeng lutuin.
Pagdating ko ng kusina, tinignan ko ka-agad ang ref. luckily meron namang pwedeng lutuin dito.
Sinimulan ko na ang pagluluto ng puro prito lang. Plano ko na ding ipagluto ang Señoritas. Sana lang magustuhan nila ang medyo sunog kong pag-prito.
"Wow!" Dinig kong boses ni Bam. Nilingon ko lang siya. "You're cooking that is very surprising."
I just rolled my eyes.
"Para ba kay Daniel 'yan?"
"Yup! And also para na rin sa inyo."
"That's very sweet, leader." I know she's teasing me.
"Yeah! Yeah! Whatever!" Pagtripan daw ba 'ko?
"Gigisingin ko na 'yong dalawa." She said.
"Okay."
Nang matapos akong magluto nilapag ko muna 'yong mga niluto ko sa lamesa para tawagin muna si Daniel.
Nag madali akong umakyat sa second floor para pumunta sa guest room pagpasok ko naman sa kwarto, ang sarap pa din ng tulog ni Daniel.
Humakbang ako papalapit sa kama. Umupo ako sa kama tsaka ko siya sinimulang gisingin. I poke his cheek pero 'di umepekto 'yon para magising siya.
I bend down and kissed him on his cheek. Nagising siya sa ginawa kong 'yon. Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sa'kin.
Ngumiti ako. "Good morning." Bati ko.
Bigla niya akong hinila pahiga na ikinagulat ko. Yumakap siya agad sa'kin nang ma-ihiga niya ako.
"Nag luto ako ng breakfast, gusto mo na bang kumain?"
"Mamaya na."
"Hindi ka pa ba nagugutom?"
"Mmm." He hummed, shaking his head.
"Pero ako, nagugutom na." Nag pout pa 'ko para convincing.
He chuckled. "Okay!" Bumangon na siya ng kama kaya gano'n ang ginawa ko.
Sabay na kaming nag lakad palabas ng kwarto pero bago kami tuluyang makalabas, hinalikan muna niya ako sa labi ng mabilis lang naman.
Sinimulan na naming pumunta sa dining room at doon na abutan na namin ang señoritas na kinakain na 'yong niluto ko para sa lahat.
"Good morning, lovers." Bati ng Toru nang makita kami.
"B. Pwede ka na nga talagang mag asawa!" Comment ni Kim sa luto ko.
"Masarap ba?"
"Hindi pero pwede na para sa mga gutom." Sagot niya. Loka 'to a!
Umupo na lang din kami ni Daniel at naki-join na sa kanilang kumain. Pinaghain ko si Daniel ng kakainin tulad dati noong nag tanan kami.
"Wow! Alagang-alaga B. ha!" Toru teased making them laugh.
"Alam nyo, manahamik na lang kayo dyan at kainin 'yang niluto ko! Ni hindi pa nga kayo nag papasalamat na pinagluto ko kayo!"