Señoritas 13

5.9K 232 10
                                    

⇨ DANIEL ⇦

Nandito na 'ko ngayon sa Park kung saan ko pinapunta sa date namin si Barbie. It's already, 10:30am but still wala padin siya.

I wonder kung nakalimutan niyang may date kami? Sana naman hindi. Excited pa naman ako sa date na 'to.

Siguro na late lang ng gising o kaya naligaw.

Oh shit!

Nawala sa isip ko na mahina pala sense of direction niya.

Naloka na! Baka imbes na sa park siya mag punta sa ibang lugar siya mapunta. Gustuhin ko man siyang tawagan, wala pa naman akong number niya. Hindi ko pa naman kasi nahihingi number niya eh.

Badtrip naman oh!

"Daniel," I heard Barbie's voice.

Finally!

Lumingon ako para tignan siya at nakita ko siyang hingal na hingal naka lagay 'yung mga kamay niya sa tuhod niya.

Wow! Ang ganda talaga niya. Simple lang ng suot niya pero outstanding padin ang ganda niya tapos kahit pagod na pagod ang ganda padin. Ibang klase! Maganda nalang ba siya lagi sa paningin ko?

"Sorry, na late ako ng gising tapos naligaw pa 'ko." Pagpapaliwanag niya.

"Ok lang! Tama ang hinila ko, kaya ka late dahil naligaw ka." I tease.

She gives me a shy smile.

Humakbang ako papalapit sa kanya. Hinawi ko 'yung buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

"Ang ganda mo B." I said. Nag blush siya, na talaga namang napaka ganda. Siya na ata ang pinaka magandang babae kapag nag ba-blush.

"Tara?" I offer my hand. Inabot niya 'yun kay magkaholding hands na kami.

Ang sarap talaga hawakan ng kamay niya ang lambot kasi.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.

She shakes her head. "I have no idea."

"Uhmm. Gusto mo Burger?"

Shit ang cheap mo Daniel! Mayaman siya kaya nakakatawang burger lang ang inoffer mo! I scolded myself.

She smiles. "Sounds good!"

Oh wow! Akala ko pag tatawanan niya ako dahil sa Burger lang ang na offer kong food.

Hinila ko na palakad si B. papunta sa isang Burger Stand. Nag order lang muna ako at habang nag hihintay, pinaupo ko muna siya. Naka heels kasi siya baka sumakit ang paa niya kakatayo.

Habang nakaupo siya, inililibot niya lang ang tingin niya sa paligid. Hindi ko alam kung na mamangha ba siya sa nakikita niya o na babaguhan sa lugar. Kung ano man dun masarap siyang titigan.

"What?" Tanong niya ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Umiiling lang ako bilang sagot.

Binigay na sa'min 'yung Burger na inoder ko. Inabot ko kay B. 'yung para sa kanya at kinain din naman agad niya 'to.

"Sure ka gusto mo ng burger ah? Sabihin mo lang kung ayaw mo. 'Wag mong pilitin." Sabi ko. 

Baka kasi napipilitan lang siyang kainin yung burger eh.

She shakes her head. "Ano ka ba favorite ko kaya 'tong Burger." Talaga? Baka inuuto lang ako nito.

Pinag patuloy niya lang ang pagkain habang ako nakatitig lang sa kanya. Napansin niya 'yun kaya tinignan niya ng bakit-ka-naka-tingin look.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon