⇨ Daniel ⇦
Uwian na!
Nag lalakad na 'ko sa hallway para pumunta ng parking nang makita ko ang Señoritas na nag ang cool lang na nag lalakad din sa hallway. They look very intimidating kapag nag lalakad lalo na si B. 'Yung lakad kasi talaga niya parang nag sasabi na ako-ang-reyna-dito.
Hindi na 'ko nag tataka kung bakit sila natatakot sa kanila dahil sa awra nila pero ang totoo, hindi naman pala sila nakakatakot. Masaya silang kasama.
"Hi Daniel." Bati ni Toru sa'kin nang makalapit sila.
"Hi." I greeted back.
"Pauwi ka na?" Tanong ng Señorita ko.
"Yah!" Sagot ko.
"Gusto mong sumama muna sa'min sa Club? Para mag palipas ng oras? Sasamahan kasi namin sa pag mumokmok niya si Kimberly." Toru asked.
"Sinong nag sabing nag mumokmok ako?" Kim asked her.
"Girl, kanina ka pa hindi makausap! That is so not you!"
"What happen?" I asked Kim.
"She's in... like." Toru answered.
Kim rolled her eyes. "Shut up T."
"Pwede ba 'kong sumama?" I asked my Señorita.
"Gusto mo ba?" She asked back.
"Yah! It means more time with my favorite Señorita."
"O-okay."
Toru laughed. "'Wag kayong Sweet sa harap ni Kim baka mainggit."
"Daniel, can you tell Nathan to come. Para matahimik na 'tong si Toru!" Kim told me.
Nag kamot ako sa likod ng ulo ko kahit hindi naman makati. "Uh i can't promise you that. Nasa shooting siya for his new movie."
"Aww! That's sad!" She pouts, teasingly at Toru.
Toru rolled her eyes on her.
"Tama na nga 'yan!" My Señorita snapped them. "Let's go!"
"Okay!" Sabay ni Kim at Toru.
Nag simula ng mag lakad sila Toru, Kim and Bam. Hinawakan ko naman sa kamay niya ang Señorita ko tsaka kami sumunod sa paglalakad sa tatlo.
"Sumabay ka na sa kotse ko." She told me.
"Dun na lang ako sa motor ko."
"Mas safe sa kotse ko."
"Safe din naman sa motor ko."
"Wala akong makitang safety sa sasakyang may dalawang gulong!"
"Depende naman sa driver 'yun eh."
"I don't care! Dun ka na sumakay sa kotse ko." She nags.
I chuckled, amusingly. "You're so bossy, Señorita."
"Sabi ko B. ang itawag mo sa'kin!"
"Mas gusto ko ng Señorita." Tinaas ko ang kamay niyang hawak ko para ilapit sa labi at hinalikan ito.
"My Señorita."
Bigla siyang umiwas ng tingin at tingin ko nag ba-blush na naman siya. Ang cute talaga niya 'pag nag ba-blush.
Nag continue kami sa paglalakad papunta sa Special Parking for Señoritas. 'Yung ibang Señoritas ay naka sakay na sa mga kotse nila.
"Get in!" Utos ng Señorita ko.