Señoritas 2

10.6K 304 8
                                    

Everything is settled according to my plan. May mga nautusan na 'ko para pahirapan yung Daniel na 'yun at yung babae na sinampal ko, kung sino man siya.
Siguradong magiging masaya ang araw na 'to.

Excited na 'kong matalo ang mga kaibigan ko sa pustahan namin.

"Yahhhhhhhhhh!" Tili nung babaeng sinampal ko nung nakaraan. Hawak hawak siya ng mga lalakeng inutusan ko at itinali sa puno.

Pinapanuod lang namin siya mula dito sa 'di kalayuan. Syempre hindi lang kami ang audience pati 'yung ibang schoolmates namin nakikinuod din sa show na hinanda ko para sa kanila.

'Yung iba, natutuwa pero 'yung iba syempre naawa.

Tumingin sa'kin 'yung mga lalakeng inutusan ko para humingi ng hudyat kung sisimulan na nila.

Tumango ako bilang sagot.

May kinuhang balde 'yung isang lalake at binuhos ito dun sa babae. Isang maduming tubig ang binuhos nila dito.

"Nakakadiri!" I heard Toru said.

"Tama na 'yan!" A boy shouted.

Tumingin kami sa direksyon nung lalake at ang nakita namin ay si Daniel.

Heto na si feeling Clark Kent, finally dumating na. Siya nalang kulang sa show na 'to eh.

Sinugod siya ng mga inutusan ko para gulpihin pero sa 'di kapani-paniwalang pangyayari na gulpi niya lahat ng inutusan ko na ikinabigla ko. Ni parang hindi manlang ito pinagpawisan.

Pagkatapos niyang gulpihin 'yung mga tao ko tinulungan na niyang kalagan yung babaeng tinali sa puno.

"Grabe, kinaya niya lahat 'yun?" Manghang sabi ni Toru.

"Wow!" Kim said.

"Told yah!" Bam said.

"Damn it!" I shout frustratingly. "Mga walang silbe!"

Daniel smirked at me. "'Yun na ba 'yun? Mga lampa naman pala 'tong inutusan mo eh."

Ang yabang!
Ang yabang!
Urgh!! Ang yabang!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi pa 'ko tapos sa'yo." Inis kong sabi sabay duro sa kanya.

"Do everything you want, basta 'wag mo na idamay si Cherry." I think he's referring to that girl.

"Fine! I'm not interested in her anyway." Tumalikod na 'ko sa sobrang inis.

Hindi ko inakala na makakaya niyang bugbugin ang lahat ng inutusan ko. Mukhang minalit ko 'yung kakayahan ng mokong na 'yun. Pero last na 'to, next time hindi ko na siya mamaliitin.

"B." Dinig kong tawag sa'kin ni Toru pero 'di ko lang sila pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad papunta sa... hindi ko alam basta gusto ko lang mag lakad, dahil sa badtrip ko.

Nag lakad lang ako ng naglakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. Shit! Naliligaw ako, nagiisang kahinaan ko pa naman ang madaling maligaw!

Urgh! Ang laki pa naman ng school na 'to at hindi ko pa nalilibot ang paligid nito kaya hindi ko alam kung nasaang parte na 'ko. Sinubukan kong bumalik sa dinaanan ko pero, wala parin akong idea kung nasaan ako. Feeling ko nga mas lalo akong naligaw.

I groan, angrily. "Urgh!! Bakit ba 'to nangyayari? First that mayabang na Daniel, second this!! This is... so... frustrating!"

"Naliligaw ka?" Laking bigla ko sa lalakeng nag salita.

Papatayin pa ata ako sa gulat nito ah.

Humarap ako para awayin 'yung lalakeng 'yun at mas ikinagulat ko na ang makita ay si Daniel.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon