↪DANIEL↩
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puting kisame ang una kong nakita. Inilibot ko ang tingin sa paligid at na lock ang tingin kay Bam na nakaupo lang habang natutulog.
Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ko medyo nahirapan ako dahil sa sobrang tindeng sakit ng katawan ko dahil sa panggugulpi ni Alec sa'kin pero thankfully nagawa ko namang makaupo.
Ibang klase 'tong katawan ko, bilib na 'ko. Paanong nagawang kayanin niya 'yon sa kabila ng mga matindeng suntok ni Alec. Bwiset na gagong 'yon, papatayin din talaga ata ako.
Huminga ako ng malalim baka sakaling makabawas ng sakit ng katawan ko. Then biglang pumasok sa isip ko si B. Ang mahal ko.
I know ang lahat ng 'to para sa kanya mahirap. Alam ko ang ginagawa niya at alam ko ang dahilan kung bakit niya sinabi 'yong sinabi niya bago ako mawalan ng malay.
Ginagawa niya 'yon para sumuko ako. Alam ko 'yon dahil kilala ko siya. Tignan palang niya ako alam ko na ang iniisip niya.
Siguro nga dapat sumuko na lang din ako para hindi na din siya mahirapang mag panggap pa at mag sinungaling sa mga kaibigan niya.
"Gising ka na pala." Dinig kong sabi ni Bam kaya na ibaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Gano'n na nga."
"Alam mo bang halos isang araw kang tulog."
"Talaga? Grabe pala."
"Kumusta pakiramdam mo? Gusto mo bang tawagin ko 'yong doctor?"
"No, i'm okay." I smile to reassured her.
"Okay. Anyways, si Nathan nandito siya kanina kaya lang umalis siya dahil kailangan niya daw mag guest sa isang show para i-promote ang movie niya." She informed.
"I see."
"Ayos ka lang ba?" She asked again.
"Yeah, i'm okay. Salamat nga pala sa ginawa mo'ng pagbabantay kahit hindi mo na kailangan gawin 'to. Kaya ko naman sarili ko e." Nahihiya kong sabi.
"Gusto kong gawin 'to dahil," She paused, breathing in. "Dahil gusto kita, Daniel."
Napatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat sa sinabi niya. Ang totoo kasi niyan hindi ko naman kasi akalain na mag kakagusto siya sa'kin.
Bigla pumasok sa isip ko 'yong ginawa niyang paghalik sa'kin bago ako mawalan ng malay.
Hindi na lang ako nag respond sa pag confess niya dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng sasabihin sa sinabi niya.
"Anong nangyari sa inyo?" Pagiiba niya ng topic.
"Nakita nila kami, tapos ayun ginulpi nila 'ko at iniuwi nila si B." Maikli kong explenation.
"Anong plano mo ngayong sinuko ka na niya?"
"Hahayaan ko na siya, alam kong mas nasasaktan si B. sa ginagawa niya sa'kin, ayokong mahirapan pa siya kaya hahayaan ko nalang siya." I said.
"Sigurado ka dyan?"
Tumingin ako sa mga mata niya at may na isip akong idea na baka hindi niya magustuhan.
"Oo!" Sagot ko.
"May maitutulong ba 'ko?" Tanong niya ulit. Tumango lang ako bilang sagot. "Ano 'yon?"
Umiwas na lang ako ng tingin. Maling sabihin ko sa kanya ang na iisip kong idea. Baka magalit siya.
"Daniel tell me, ano 'yon?" Pagpupumilit niya.