⇨ DANIEL ⇦
Naabutan ko na namang nang bubully ang Señoritas kanina.
Akala ko wala na 'kong po-problemahin dahil akala ko nagsawa na si Barbie na ipabugbog ako pero 'di pala.
Nakaka badtrip talaga 'yung mga ginagawa niya.
'Di ko tuloy maintindihan kung anong nagustuhan ko sa kanya.
Ang saya ko pa naman dahil nahalikan ko siya pero nainis na naman ako dahil sa ginawa niya.
Sinabi sa'kin ni Cherry na kaya sila inaway ng Señoritas dahil narinig nila 'yung plano ni Barbie na She will make me fall for her then iiwan din. Dahil nga daw hindi niya 'ko masakatan ng physical kaya emotional nalang.
Kaya siguro nagtanong noon si Bam kung may gusto ako kay Barbie? Dahil ba 'yun sa plano nila?
Nakakabanas talaga ang mga Señoritas! Kaya din siguro pumayag siyang halikan ko siya dahil part 'yun ng plan niya.
Hindi kasi 'yung tipo ni Barbie na papayag nalang halikan ng kung sino lang.
"Hoy!" Tawag sakin ni Bam ng casual lang habang nag lalakad ako. Huminto ako sa paglalakad kaya mas lalo siya lumapit habang nakangiti pa.
"Anong kailangan mo?" Inis kong tanong.
"Kalma okay? Hindi ako nandito para makipag away sa'yo." Natatawa niyang sabi. "I'm here to tell you kung anong nangyari kanina bago ka dumating."
"Alam ko na kung anong nangyari."
"Talaga?" Pagtataka niya. Timango lang ako bilang sagot.
"Sabi ni Cherry kaya nyo sila sinugod dahil narinig nila 'yung plano ni Barbie na paibigin ako 'di ba? Tapos sasaktan din. Dahil hindi niya 'ko masaktan ng physical, emotional nalang. Kaya mo din siguro tinanong kung gusto ko si Barbie dahil sa plano nyo?"
Tinaas niya 'yung kilay niya at tumawa ng malakas.
"Ang galing gumawa ng kwento nung Cherry na yun ah! Pwede siyang maging writer." She said laughing.
"What do you mean?" I asked.
"Una sa lahat mali ang sinabi sa'yo ni Cherry, wala akong pakialam kung maniniwala ka sa'kin o hindi."
Anong ibig niyang sabihin?
"Ang totoong nangyari, plano ka namin sanang puntahan para asarin si Barbie dahil sasabihin namin sa'yo na may gusto siya sa'yo. Pero, narinig namin na naguusap yung tatlo. Gusto gumanti ni Cherry kay B. Dahil sa ginawa nito dati sa kanya. Ang sabi niya gagamitin ka niya para pagselosin si B. Kasi halata pala ng bruhang 'yun na may gusto sa'yo si Barbie."
Sa haba ng sinabi niya ang pinaka tumatak na sinabi niya sa'kin ay may gusto sa'kin si Barbie.
Totoo ba 'yun?
"Nainis si B. Sa mga sinabi ni Cherry kaya sinugod niya si Cherry at sinampal. Nainis siya dahil ilang beses mo siyang ipinagtanggol laban kay B. Pero gagamitin ka lang para saktan siya. Iniisip kasi ni Cherry na may gusto ka sa kanya at si B. nga ay may gusto sa'yo. Kaya gagamitin ka niya. "
"Wala akong gusto kay Cherry." Paglilinaw ko.
"I know!"
"Tingin mo nagseselos nga si Barbie Kay Cherry?"
"Siguro! Pero mas nasaktan si B. Dahil pinaniwalaan mo si Cherry. Si B. Ang nasa tama pero si Cherry ang kinampihan mo. Lalong nainis si B. sa ginawa mong pagkampi kanina sa bruha dahil nag tagumpay siya sa plano niya."
Kaya pala niya sinabi ni Barbie na. "Alam mo, hindi ko alam na uto uto ka pala. Mahina pala yang utak mo eh. Tanga ka! Tanga! Mag sama kayo ng babaeng yan." I put my hand on my forehead showing of my frustration.
Ano bang pumasok sa utak ko? Di ako makapaniwalang naniwala ako kay Cherry.
I heard her chuckled. "It's up to you Daniel kung sa'kin ka maniniwala o kay Cherry. I don't mind anyway. Kung concern ka talaga kay Cherry 'wag mo na siyang papasukin bukas dahil siguradong lagot siya kay B." She warned.
Nag lakad na ito palayo.
Siguradong galit na galit si Barbie ngayon. Kasalanan ko din eh. Tanga ko kasi!
Haay! Bahala na nga!
Sasaluhin ko nalang galit niya.
Nang dumating ang uwian...
Papunta na 'ko sa parking para umuwi na. Habang on the way ako dun, nakita ko pa ang Señoritas na papunta din sa kanya-kanya nilang sasakyan.
Tumingin lang ako kay Barbie na halatang hindi pa din maipinta ang mukha nito. Napa tingin din siya sa direksyon ko at binigyan lang niya ako cold stare.
Sumakay na sila sa kotse nila at nag maneho na paalis. Ako naman nag continue na sa pag punta sa parking. Dumiretso ako sa motor ko at pinaandar ito.
Nang makarating naman ako sa Apartment. Pinatay ko lang 'yung makina ng motor tsaka ako bumaba.
Pumasok ako ng Apartment, dumiretso ako sa kwarto at binagsak ang katawan sa higaan ko. Tumingin lang ako sa kisame at imahe ni Barbie ang nakikita ko. Ibang klase! Iba na 'to ah!
Bumangon nalang ulit ako ng kama at lumabas ng kwarto ko.
Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita ko dun si Kuya.
"Oh ba't ganyan ang mukha mo, tol?" Tanong ni Kuya.
"Galit kasi sa'kin si Barbie eh." Sagot ko.
Lumapit na ako sa ref. para kumuha ng tubig.
"Aba! Chicks pala ang dahilan. Iba na 'yan tol, in love ka na ba?" He teases.
"Hindi ko nga alam eh."
"Ano ba kasing ginawa mo para magalit sa'yo 'yung chick mo?"
"Na misunderstand ko siya, kaya paniguradong papaabangan na naman niya 'ko sa mga taong binayaran niya."
Tumawa siya. "Ibang klase 'yang L.Q nyo tol."
"Oo nga eh."
"Anong plano mong gawin niyan ngayon?"
"Ano pa nga ba? Edi, saluhin galit niya."
"Mukhang nakakatakot talaga magalit ang mga Señorita ah, may nakilala na pa naman akong isa."
"Talaga? Sino naman?"
"Si Toru! Ang ganda niya, tol. Nakasama ko siya sa isang photo shoot."
I chuckled. "Trip mo?"
"Pwede!" Lumapit siya sa'kin at tinapik ang balikat ko. "Ilakad mo 'ko ah."
To be continue...
Sorry maiksi.✌