Papunta na kami ngayon ni Daniel sa Airport. Ngayon na ang araw ng alis nila ni Mama. Pagka-galing namin sa bahay kung saan kami nag stay, diretso na kami ngayong Airport.
Hindi na din naman kailangan ni Daniel ang mag empake ng gamit niya na dadalhin dahil si Mama na ang mag po-privide daw para sa kanya.
Mabilis lang natapos ang isang linggo namin sa bahay na 'yon, sobrang nakakabitin. We enjoyed our stay there. Naging unforgettable din dahil sa may nangyari sa'min, not just once but... twice. Yeah! Twice may nangyari sa'min and 'yon ang pinaka masayang linggo naming magkasama. Sinulit talaga namin ang bawat segundo at minuto namin do'n.
Kinausap din namin ang nagpapa-upa ng bahay na 'yon na plano naming 'tong bilhin, soon. Dahil if ever na umuwi si Daniel gagawin naming bahay 'yon or pwedeng rest house kasi malayo sa Manila.
Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilang malungkot. Kahit nga ngayong kasama ko siya namimiss ko na siya agad e, paano pa kaya kung tuluyan na siyang umalis?
Parang naka tadhana na talagang mag hiwalay muna kami ng pansalamatala bago tuluyang sumaya.
Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, mamimiss ko siya ng sobra.
"Malungkot ka na naman." He comments, while driving.
"Hindi mo naman ma-alis sa'kin na malungkot nu! Four years 'yon!"
"Don't worry, babalik ako sa saktong four years. Enjoyin mo nang kasama ang Señoritas dahil sa pagbabalik ko, ipagdadamot na kita sa kanila."
I chuckled. "I'll bear that in mind." Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa pisnge niya.
Nang makarating naman kami ni Daniel sa private Airport ng Ashton. Pagbaba namin ng kotse, sinalubong na agad kami ng Señoritas, Nate and Stefan.
"Kumusta honeymoon?" Kim asked, making me blush instantly. Bigla ko kasing naalala 'yong nangyari sa'min ni Daniel.
"Tumigil ka nga!" I scolded her pero pinagtawanan lang nila 'yon.
"Where's Mom?" I asked them.
"She's waiting at the plane." Bam answered.
Excited ba siyang umalis? Bakit nando'n na siya? Tsk.
Lumapit sa'min ang secretary ni Mama at nag bow 'to sa paglapit niya.
"Sir, hinihintay ka na po ni Madame." He told Daniel.
"Aalis na ba kayo agad?" Tanong ko sa secretary ni Mama.
"Opo, señorita." Ang bilis naman.
"Bro, ingat do'n!" Nathan told his brother then nag bro-hug sila.
"Ako nang bahala dito sa kapatid mo, kaya 'wag ka ng magalala." Toru told him tsaka niya inangkla 'yong kamay niya sa braso ni Nathan.
He just nodded at her, grinning.
"Ako ng bahalang magbantay kay B. Ayusin mo lang mga gagawin mo do'n." Bam jokes.
I rolled my eyes. Para namang gagawa ako ng 'di maganda? "Ano 'ko bata? Para bantayan." Pagsisingit ko na dahilan para matawa sila.
"Ingat nalang Daniel." Kim said.
"Salamat guys!" Daniel told them then binaling na niya ang tingin niya sa'kin.
"'Yong pinagusapan natin kanina a! Ayusin mo! Tsaka bumalik ka saktong apat na taon, kung hindi humanda ka sa'kin. " Bilin ko na may halong pagbabanta.
"'Yan na ata ang pinaka-cute na pagbabantang narinig ko." Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at hinalikan niya ang labi ko.
"Babalik agad ako." He said after his kiss. "I love you."
"I love you too, Daniel. I’ll wait, i promise."
He hugged me, tight. "Bye for now B." He whispered.
"Bye for now D." I whispered back.
"Promise me na hindi ka iiyak."
"I'll try."
Bumitaw siya sa pagkaka-yakap sa'kin tsaka siya muling hinarap ang mga kaibigan namin at kinaway ang kamay niya bilang pagpapaalam.
Sinimulan na niyang mag lakad papunta sa plane kasabay ng secretary ni Mama. Pinanuod ko lang siya habang pinipigilan ko ang sarili ko na ma-luha dahil gusto kong subukang gawin ang sinabi niya na 'wag umiyak. Salamat na lang at nagawa kong mag pigil hanggang sa mawala siya ng tuluyan sa paningin ko.
Naramdaman ko lang ang paghaplos ni Bam sa likod ko, bilang pag comfort.
Wala na talaga siya. Apat na taon pa bago ulit kami magkita. Haay! Nakakainis pero kailangan kong mag hintay kung kapalit naman nito panghabang buhay na kasiyahan.
"Gusto nyo bang pumunta muna ng Club bago umuwi?" Kim asked us kaya na punta ang atensyon ko sa kanya.
"I'm in." Sagot ko. Gusto kong uminum, pang pa-tulog. Makakatulong 'yon para sa'kin dahil for sure hindi agad mawawala sa isip ko na apat na taon pa bago ko ulit makikita ang mahal ko.
"Kukunin ko lang 'yong kotse." Nate told Toru.
"Ako din." Stefan told Kim.
Nag simula ang boys na mag lalakad para puntahan ang mga kotse nila.
"Kanina ko pa 'tong gustong sabihin e," Kim speaks kaya lahat kami tumingin sa kanya. Nakatingin lang siya ng malisyosa sa'kin. "Blooming ka B. Anong ginawa nyo do'n ni Daniel?"
What?
"You know what, i agree! 'Yong ganda mo ngayon B. iba e, parang hindi ka stress sa pagalis ni Daniel." Panggagatong pa ni Toru.
Oh my!! Bigla akong napa-hawak sa cheeks ko dahil sa sinabi nila. "Uhm... Uh... Nakapag uh... Pahinga lang kami ni Daniel ng sobra do'n sa pinuntahan namin kaya siguro uh... blooming ako."
"Oh my Prada! Ginawa nyo 'yon nu?!" Tanong ni Kim habang pinoint pa 'ko. Oh Gucci! Ba't ba ang lakas maka-huli nitong babaeng 'to?
"Oh my! For real?" Toru asked.
"Ginawa ang alin?" Bam asked.
"They had..."
"Enough!" Pagpuputol ko sa sasabihin ni Kim. Gosh! Mas lalo akong namula dahil sa mga sinasabi nila.
Kim grins, teasingly. "Comfirm Señorita! Ginawa nyo 'yon ni Daniel!" She said teasingly, making Toru laughed.
"Shut up Kim!" I scolded him.
"Oh my, gets ko na!" Bam said.
Haay nakakaloka sila!
"B. You're blushing!" Toru teased.
"Bwiset! Tigilan nyo nga 'ko!" Haay!
"How is it?" Kim asked.
"Ewan ko sa'yo!" Nag lakad na lang ako papunta sa kotseng ginamit namin ni Daniel papunta dito, para makaiwas na sa mga pangti-trip.
"B! Hindi kami titigil hangga't 'di mo ikinu-kwento 'yan!" Halos pasigaw na sabi ni Kim bago pa 'ko tuluyang maka-sakay ng kotse.
Haay! Mga baliw talaga mga kaibigan ko.
EPILOGUE NEXT ➡️