Nandito na 'ko ngayon sa School.
Pababa na 'ko sa kotse ko nang makarinig ako ng busina ng kotse na malapit lang sa direksyon ko. Nilingon ko para tignan kung sino 'yon at ang nakita ko ay ang kotse ni Alec. Pinark lang niya sa tabi ng kotse ko ang kotse niya tsaka naman siya bumaba.
He smirked at me. "Hello my Señorita!" He greeted.
"'Wag mo nga akong tawaging my Señorita!" Irita kong sabi.
Gamitin daw ba kasi 'yong endearment ni Daniel sa'kin? Bwiset!
Ano ba'ng ginagawa niya dito? Wait! Ngayon na ba siya dito magaaral? Kainis! Paano ko makakausap si Daniel kahit sandali lang kung nandito na din siya?
For sure sa S.R din siya, dahil special student din siya. Tsk.
Nag simula na lang akong mag lakad, binilisan ko para maiwanan ko siya kaso nakakasabay naman ang loko.
"Bakit ka nag mamadali? Makikipagkita ka ba do'n sa lalake mo?" Tanong niya.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi. Nagmamadali ako kasi ayaw kitang kasabay!"
Nag lakad na lang ulit ako, pero nakasunod na naman siya kahit na kaya naman niya akong unahan.
"Tell me, nandito ba sa school 'yong lalakeng 'yon?"
"Wala ka ng pakialam do'n!"
"Malalaman ko din kung sino siya B. at sisiguraduhin kong malalaman ng Mama ang tungkol sa kanya para ilayo ka niya sa kanya."
Bakit ba ang daldal niya? Daig pa niya babae kung pumutak!
"I will make sure too na mapabilis ang kasal natin!" Dagdag niya na nagpahinto ulit sa paglalakad ko.
"Ano'ng sabi mo?"
"Kakausapin ko ang Mama mo na magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon! For sure papayag siya lalo na 'pag nalaman niya ang tungkol sa lalakeng nagugustuhan mo, papayag siya."
I chuckled, sarcastically. "Despirado ka na ba?"
"Oo! Despirado na 'ko! I'm desperately in love with you! I will do anything to make you mine B! Anything, kahit na mag mukha akong despirado sa harap mo!"
"Kahit anong gawin mo, hindi ako magpapakasal sa'yo!"
Tinuloy ko na ang paglalakad at this time hindi na 'ko huminto. Bigla akong napaisip sa mga sinabi ni Alec. Paano nga kaya kung pumayag si Mama sa gusto ni Alec na pakasalan agad ako? Knowing Alec siguradong sasabihin niya talaga 'yon kay Mama. At knowing Mama, susundin niya 'yon.
Bwiset! Heto na naman. Kakaayos lang namin ni Daniel, may problema na naman.
Ano kaya kung mag panggap na lang akong maging mabait kay Alec baka sakaling hindi na niya sabihin kay Mama na pakasalan agad ako. Kaso hindi ko naman kayang mag kunyaring mabait dahil hindi naman talaga ako mabait.
Nakakainis talaga!
Nakarating ako sa S.R and as expected kompleto na ang Señoritas pero imbes nasa akin ang tingin nila na punta kay Alec.
"Alec, simula na pala ang pagpasok mo dito?" Gulat na tanong ni Kim.
"Yeah! Classmate nyo na 'ko, ngayon."
Umupo na lang ako sa upuan ko at ngayon na punta na sa'kin ang tingin nila. 'Yong tingin nila may halong curiousity.
"Señoritas, may alam ba kayong nagugustuhan ni B.?" Tanong ni Alec sa kanila.
"Give it up Alec, tingin mo ba sasagutin ka nila?" Irita kong sabi.
"Oo nga pala, kaibigan mo sila kaya for sure hindi ka nila be-betray."