↪Bam↩
It's Nathan's Movie's Premier Night...
Palabas na 'ko ng bahay ko dahil hinihintay na 'ko ni Daniel. He's my date tonight. I'm wearing dark blue dress. Naka pusod ang buhok ko pataas and ang make up ko ay binagay lang sa kulay ng dress ko.
Sa paglabas ko ng bahay, nakita ko si Daniel na sobrang gwapo sa suot niyang black polo naka unbotton pa ang tatlong botones nito sa taas kaya halos kita na ang chest niya. Nakasandal lang siya sa motor niya.
He smiled as he see me. "Wow! You look stunning, Ms. Advincula." He admiringly said.
I giggle. "Thank you Mr. Jimenez. You look fascinating tonight."
He bows, playfully. "Thank you."
"Shall we go?" I asked.
"Sure."
We decided to use my car papunta sa event. I don't think kasi na bagay sa dress ko ang naka motor. Sa pagsakay namin sa white Audi R8 ko. Pinaandar agad ni Daniel ang makina tsaka niya sinimulan ang pagmamaneho niya.
"Hindi daw ata makakarating si B. sa premier night. Masakit pa din ata 'yong pilay niya sa paa e." I informed him habang nasa byahe kami.
"I see." Matipid niyang sabi.
"Pero tingin ko malapit ng gumaling 'yong paa niya."
He chuckled. "You don't have to inform me kung ano nang nangyayari kay B. ngayon."
"Baka lang kasi curious ka."
"Yeah, i am. Pero if i really want to move on kailangan ko ng huminto sa pagiisip sa kanya."
"Nagagawa mo naman ba?"
He shakes his head. "But i'm trying."
"Mas maganda na 'yong sinusubukan mo kesa hindi."
"Tama ka. Anyways... May sasabihin pala ako sa'yo after the movie."
"Really? Ano 'yon?"
"Mamaya na." Tss. Pagiisipin pa niya 'ko. Ba't 'di pa niya sabihin ngayon? Ano kayang pinagkaiba ng mamaya at ngayon?
Nang makarating kami sa Mall kung saan ang premier night. Pinark lang ni Daniel ang kotse, tsaka naman kami bumaba.
Lumapit din naman agad sa'kin si Daniel. Ini-offer ko niya sa'kin ang braso niya, kaya ini-angkla ko na do'n ang kamay ko tsaka naman kami sabay na nag lakad na papunta sa venue.
Dumiretso na kaming dalawa ni Daniel sa sinehan, do'n na lang daw kasi kami magkikita-kita nila Toru.
Pagpakita namin ng passes namin sa crew ng sinehan, pumasok na kami. Naka reserve na kami ng upuan kaya do'n na kami dumiretso. Nando'n na sila Toru sa mga upuan nila pero sila Nathan ay wala pa.
"Hey guys," I greeted them.
"Bakit ngayon lang kayo?" Kim asked.
"Ang tagal ni Bam mag bihis e." Pabirong sagot ni Daniel.
"Nasaan na si Nathan?" I asked.
"Busy pa sa pag harap ng fans nila." Medyo iritang sagot ni Toru.
"Kanina pa 'yan selos na selos sa ka-love team ni Nate." Kim told me.
Kaya naman pala.
"Excuse me, hindi ako nag seselos nu!" She defense.
Kim laughed. "Sabi mo e."
Umupo na lang kami ni Daniel. Ayoko ng maki-join pa kay Kim na i-tease si Toru, wala din ako sa mood na gawin 'yon. Medyo na papaisip pa din kasi ako sa sasabihin daw ni Daniel e. Na iintriga ako. Tungkol kaya 'yon kay B? Pero ang sabi niya nag mo-move on na siya e. O baka naman ipapatigil na niya 'yong pag-papanggap namin?