Señoritas (42)

3.4K 137 11
                                    

Nandito na ako ngayon sa kwarto kung saan kami tumutuloy ng Señoritas. Dahil madaming sumama sa pakulo nitong si Alec kaya no choice kundi dalawang tao ang dapat mag share sa isang kwarto kaya ang ka-share ko ng room ay si Kim.

Ang alam ko na mag ka-share ng room si Toru at Bam. Nathan and Daniel, Alec and Stephan.

Tapos ng bigyan ng first aid ang paa kong nabalian, kaya namang i-lakad kahit walang alalay medyo mahirap nga lang kaya mas preferred kong may umaalalay sa'kin. Alec told me na umuwi na lang kami dahil sa paa ko, kaso ayoko naman dahil nandito ang lahat tapos ako i-bo-bore ang sarili sa Mansion.

"B." Tawag sa'kin ni Kimberly pagpasok niya ng room. Tumingin lang ako da direksyon niya. "Plano naming mag bonfire at uminum ng kunti bago matulog. Want to join us?"

"Hindi maman ako pwedeng uminum ngayon."

"E di, samahan mo na lang kami. Ikaw lang ang wala do'n e."

"Okay." Kesa naman mag stay lang ako dito at ma-bored.

Lumapit sa'kin si Kimberly at inalalayan ako sa pagtayo at paglalakad palabas ng kwarto namin.

Paglabas namin ng kwarto dumiretso, luckily nasa tapat lang ang pwinestuhan nila. Nando'n na nag lahat, Toru, Nathan, Stefan, Alec, Bam and Daniel. Nag sisimula na silang mag inuman.

Nang makita ako ni Alec, tinulungan niya si Kim na alalayan ako hanggang sa makaupo ako sa tabi niya. Si Kim naman tumabi agad sa boyfriend niya na himala until now sila pa din.

Pa-simple akong tumingin kay Daniel. Bam is sitting next to him. Na alala ko na nasugatan nga din pala siya sa kamay niya kanina no'ng hinahanap niya 'ko. Binaling ko ang tingin ko sa kamay niya, may bandage din 'to at ngayon hawak niya ang kamay ni Bam.

Kumirot na naman 'yong puso ko dahil sa selos na nararamdaman ko.

Ang sakit pa din pala talaga.

"Nathan, malapit na ang showing ng Movie mo a. How does it feel?" Kim opened up a topic.

"Medyo kinakabahan at na e-excite. Sana lahat kayo makapunta sa premier night ko."

"Oo naman babe, pupunta kami." Toru said.

"Hindi ka ba mag seselos kung makikita mo ang on screen love team ni Nate do'n?" Pangasar na tanong ni Kim kay Toru.

"Hindi nu!" She flipped her hair. "Mas maganda at mas mayaman ako sa kanya. Hindi siya 'yong tipong pagseselosan ko."

Kim claps her hands, teasingly. "That's the spirit T. Anyways, may kissing scene ba do'n?" Kim asked Nathan.

"Yeah, meron." Nathan said nodding tsaka niya binaling ang tingin kay Toru na kahit aminin man o hindi halatang nag seselos siya sa ka-love team ni Nathan. Kunti na lang uusok na 'yong ilong niya sa selos.

"Speaking of kiss, mag games tayo. Spin the bottle. Kung sino ang matatapatan ng bote hahalikan niya kung sino ang gusto niyang halikan. Okay? Bawal K.J!" Kim said.

I rolled my eyes. Ang galing niya talagang mag imbento ng kapliyahan niya.

"Ano bang klaseng game 'yan? Ikaw lang atang matutuwa dyan e." Toru told her.

Tama tama!

"Ano ba kayo, masaya 'to! Ang KJ nyo!"

"Game ako dyan!" Panggagatong ni Bam sa kabaliwan ni Kimberly.

Tumingin ako kay Daniel para malaman kung gano'n din siya. Tumingin lang din siya sandali sa'kin pero umiwas din naman agad.

"Ako din!" Nathan said smiling tsaka niya nginitian ng nakakaloko si Toru.

Tumingin naman si Kim kay Stefan.
"Payag ka na, don’t worry ikaw pipiliin ko palagi." Kim told him.

"Kung gusto mo lang palang halikan si Stefan gawin mo na dami mo pa pakulo." Toru said.

"Wag kang K.J Toru, O sige sisimulan na natin 'to. Pag may umangal siya uubos ng alak na natitira dito." Kim said.

I-push daw ba?

Tumango na lang silang lahat dahil halata namang hindi papapigil 'tong si Kim. Ako naman? Wala, wala akong pakialam sa trip nila!

Nag simula na 'yong spin the bottle si Kim ang nag ikot ng bote at ang unang hinintuan ng bote si Alec.

Oh great! Kung minamalas ka nga naman o, sana hindi ako ang halikan niya.

Lahat nakatitig kay Alec at nag hihintay sa gagawin nitong move. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Lumapit siya sa direksyon ni Kim at hinalikan iyo na ikinagulat ng dalawang mag jowa. Ako? The hell i care, halikan niya kung sino gusto niya hanggang mapudpod ang labi niya, wala akong pakialam. Kung gusto niya halikan pa niya yung lahat ng babae sa buong school.

"Okay, unexpected 'yon." Kim said, she’s bites her lower lip para pigilan ang pag tawa. Sinamaan lang siya ng tingin ni Stefan dahil sa selos. Nag
peace sign lang siya dito.

Sa second spin kay Stefan huminto 'yong bote kaya hinalikan niya si Kim, matagal 'yong kiss nila na kung maghalikan sila akala mo wala silang kasama dito. Nakakailang tuloy.

Umiwas ako ng tingin at napatingin ako kay Daniel. Na mimiss ko na siyang halikan, sino kaya hahalikan niya pag huminto sa kanya 'yong bote?

"Enjoy ka Kim a!" Toru said. Tapos na pala siyang halikan ni Stefan. Tumawa lang si Kim bilang tugon sa sinabi ni Toru sa kanya.

Next spin kay Toru huminto.
"Ready na 'ko babe," Nathan said, pouting. Hinalikan naman siya ng mabilis ni Toru.

Next Spin ay kay Daniel. Ang lahat ay parang natigilan din at pinag masdan ang gagawing move ni Daniel kung sino ang hahalikan niya. Deep inside of me, hoping na sana kahit ngayon lang halikan niya 'ko.

Uminum muna siya ng beer na hawaka niya tsaka niya hinalikan si Bam.

Ouch! Hindi ko alam kung bakit pa 'ko umasa. Ang sakit, siya pala ang gusto niyang halikan. Malamang girlfriend niya e.

Next spin kay Bam naman huminto.. Uminum din siya muna at hinalikan si Daniel.

Double Ouch! Oo na! Pero 'wag na sa harap ko mag lambingan baka buhusan ko kayo ng kumukulong tubig!

Next spin sa'kin huminto. Tinignan nila 'kong lahat. Tumayo naman si Alec at umalis. Na sense niya atang hindi naman siya ang gusto kong halikan kaya umalis na lang.

"Sino i-ki-kiss mo B.?" Kim asked me.

"Itigil na natin yan!" Inis kong sabi tsaka ko hinampas palayo 'yong boteng nakatapat sa'kin tsaka ako tumayo at sinubukang maglakad.

"Need help?" Kim asked.

"No!" Pagtanggi ko.

Nagawa ko namang makapasok sa kwarto namin ni Kim kahit na medyo nahirapan ako.

Pagpasok ko sa kwarto, umupo agad ako sa kama ko. Huminga agad ako ng malalim. Sobrang sakit. Hindi ng may bali kong paa kung ang makita siyang halikan na iba sobrang nasasaktan na ko.

Kailan ba 'ko matatapos sa sakit na 'to? Ayaw ko ng maramdaman pa 'to! Kulang nalang patayin nila 'ko.

--

Keep voting.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon