Señoritas (37)

3.5K 132 13
                                    

BAM↩

Ang sakit ng ulo ko, na sobrahan ata kami sa pag inum kagabi. Hindi ako mahilig uminum pero napadami dahil kela Kim. Dinamay na naman kasi niya ako sa kapilyahan niya e.

Palibhasa wala na si B. kaya ako ang laging pinag ti-tripan. Tsk.

Na abutan ko pa 'yong dalawa sa parking na nag tatawanan. Pinark ko 'yong kotse ko tsaka ako bumaba.

"Kumusta masakit ba ulo mo?" Kim asked laughing. "Dami mo boylet kagabi a!" She added.

"Dahil 'yon sa kagagawan mo. Ano ba'ng na isip nyo at ang dami nyong inimbita na lalake kagabi sa Club?"

"'Di ba nga para makalimutan mo na si Daniel." Toru said laughing.

I rolled my eyes. Para namang may mapipili ako sa mga 'yon? E mukha silang mga Strippers. Para nga akong nasa Bridal shower dahil sa ginawa nila.

Nakarinig kami ng busina ng kotse. Sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon niya at nakita namin ang kotse ni Alec.

Pinark nito ang kotse niya tsaka nag bukas ang pinto mula sa passenger seat at laking gulat ko na ang makita ay si Barbie.

"Kumusta?" She asked smiling.

Ano'ng ginagawa niya sa kotse ni Alec? Ibig bang sabihin nun, nahanap na sila ni Alec? Shit! Kung gano'n nasaan si Daniel?

"B.?" Gulat na tawag sa kanya ni Kim.

"Nasaan si Daniel? Bakit kayo magkasama ni Alec?" Toru asked.

Bumaba na din mula sa driver's seat si Alec at lumapit 'to kay B. at umakbay pa.

"Syempre fiance ko si Alec, ano bang klaseng tanong 'yan?" Natatawa niyang tanong pero halata namang peke at pilit lang ang tawa niya.

"Kung si Daniel tinatanong nyo, 'di ko alam kung nasaan siya i don’t care anyway. Sawa na ko sa kanya."

Sawa na siya?

"Gano'n nalang 'yon?" I asked.

She nodded. "Si Kim lang ba ang may karapatan na mag sawa sa boys? 'Di ba pwedeng ako din?" She said.

"Sinungaling!"

She smirked, blankly. "Bakit naman ako mag sisinungaling? Sawa na 'ko sa kanya, gusto mo siya 'di ba? Kung gusto mo, sayo na siya!"

Hindi ko na gustuhan ang narinig kong sinabi niya. Parang gusto ko siyang sampalin para matauhan siya pero ayaw kong gawin 'yon dahil alam kong may dahilan kung bakit niya ngayon sinasabi 'yan.

"B!" We heard Daniel’s voice.

Sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon niya maliban kay B.

Laking gulat ko na makitang ang dami niyang pasa sa mukha niya.

Ano bang nangyayari dito?

Humakbang papalapit si Daniel kay B. pero humarang lang agad si Alec at sinuntok si Daniel. Tumingin ako kay B. pero parang wala lang siyang pakialam sa ginawa ni Alec sa boyfriend niya.

"'Wag ka ng lalapit sa fiance ko!" He warned him.

Daniel smirked at him. "Bakla ka ba? Ang hina mo sumuntok!" Pangaalaska pa niya.

Plinano lang siya ulit suntukin ni Alec pero nakaiwas si Daniel at siya pa itong nakasuntok ng malakas kay Alec na ikinatumba nito. Tumayo naman agad si Alec para sugurin si Daniel ng suntok pero nakakaiwas na ito. Plinano ulit suntukin ni Daniel si Alec pero may pumigil sa kanya. Biglang dumating 'yong tingin ko ay mga tauhan ni Auntie. Hinawakan ng mga ito si Daniel sa magkabilang braso kaya nagawa ni Alec na suntukin ulit si Daniel. Hindi lang isa, madaming beses pa hanggang sa maging duguan na 'to.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon