↪️Daniel↩
Nandito na kami ngayon sa venue ng engagement ni B. Nag lalakad na kami ngayon ni Bam habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Habang nag lalakad, inililibot ko ang tingin ko sa paligid baka sakaling makita ko si B. kaso ni kahit anino nila ni Alec hindi ko pa makita.
Madami ng guests, 'yong iba familiar na businessman at politicians. Gano'n na lang pala talaga kalaki ang impluwensya ng Mama ni B. Pati mga politicians kakilala niya.
Kela Toru, Kim and Stefan agad kami lumapit na ngayon ay umiinum ng wine.
"Hey guys." Bam greeted them. Kaya napunta ang tingin nila sa'min. Halatang nagulat sila nang makita ako.
"O bakit parang gulat na gulat kayong ka-date ko ngayon ang boyfriend ko?" Bam asked them.
"Uh... dahil engagement party 'to ni B.?" Patanong na sagot ni Toru.
"Siguro naman ayos lang kay B. na nandito siya." Bam said.
"Good evening, everyone." Dinig naming boses ng isang babae mula sa microphone kaya na punta ang atensyon naming lahat sa stage.
We saw B's mother.
"Thank you all for coming to this special event. This night would be my daughter’s engagement and the
son of Shin Group of Company, Alec Shin." Nag palakpakan 'yong mga guests. She’s just giving them a welcoming smile."And also to inform everyone the Merging of both companies of SGC and AGC. " Mas lalong lumakas 'yong palakpakan ng mga tao no'ng marinig nila 'yong Merging ng Company nila.
Talaga ngang malayong-malayo ako sa istado nila.
"I would like to call my future son in-law Alec Shin." Lumabas mula sa likod ng stage si Alec na nakasuot ng white suit at malaking ngiti.
Tss.
Inabot ng Mama ni B. ang microphone kay Alec.
"Goodevening everyone, I'm Alec Shin the son of the owner of SGC and also the future husband of Barbie Asthon
Ortela. Syempre hindi makukumpleto ang gabi kung wala ang aking fiance Ms. Barbie Ortela."Lumabas din Barbie mula sa likod
ng stage na sobrang ganda sa suot niyang plain white gown. Lumapit siya sa tabi ni Alec habang nakangiti sa guest.Sobrang sakit pala nito. Para kong tinu-torture ang sarili ko dahil nakikita kong iba ang kasama niya. Ako dapat 'yon e.
"I would like to propose a toss," Alec said. May lumapit sa'min waiter at inabutan kami ng wine.
Alec raised his wine. "For me and Barbie!" Nag tossed si B. At Alec tsaka itinaas ni B. 'yong glass niya bilang pakikipag-toss sa ibang guests.
Tumingin siya sa direksyon ng Señoritas at nakita kong nagulat siya
nang makita ako.Tinaas ko 'yong wine glass ko para makipag cheers sa kanya pero mabilis lang siya umiwas ng tingin.
Siguro habang buhay nalang niya 'kong iiwasan.
"Daniel," Bam called kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya. Mukha siyang nag aalala sa'kin. "Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya.
"Sige." Pagsangayon ko. Inubos lang namin ang mga wine namin.
"Guys, mauna na kaming umuwi." Pagpapaalam ni Bam sa kanila.
"Bakit? Kakasimula palang ng party a." Kim asked.
"May pupuntahan pa kasi kami ni Daniel e."
"Okay, mag ingat kayo." Toru said.