Señoritas - 25

4K 155 9
                                    

I'm on my way home. Maaga akong umalis at hindi na 'ko nakapagpaalam ng personal kay Bam. Tinext ko na lang siya para alam niyang umalis na 'ko.

Masakit pa din talaga hanggang ngayon 'yong hiwalayan namin ni Daniel. Ang bilis kong na hulog sa kanya ang bilis ding natapos ang relasyon naming dalawa.

Nang makarating ako sa Mansion, bumaba agad ako ng kotse ko tsaka ako nag lakad papasok ng Mansion.

Paakyat na 'ko sa hagdan nang marinig kong tinawag ako ni Mama.

"Barbie," Nilingon ko siya at wala akong pinakitang emosyon sa kanya.

"Buti naman alam mo pa kung na saan ang bahay mo. Dalawang araw kang hindi umuwi."

Hindi na lang ako sumagot at tinuloy na lang ang paghakbang sa hagdan. Hangga't napipigilan kong sagutin siya at ilabas 'tong galit ko dahil sa ginawa niyang pagkausap kay Daniel, pipigilan ko.

"Barbie Ortela! Kinakausap pa kita!"

Huminto ako sa pagakyat at hinarap siya. "Ano pa po bang kailangan n'yo? Bakit hindi pa kayo umaalis? Nagawa mo ng paghiwalayin kami ni Daniel 'di ba? Pumunta ka ng States, tutal mas sanay naman akong wala ka dito!"

"So, nagagalit ka dahil sa lalakeng 'yon? Iniisip ko lang ang future mo kaya ko siya kinausap."

"Para sa future ko? o para sa future ng Empire mo? Tama na ang paggamit sa'kin bilang asset mo, Ma! Anak mo 'ko, hindi asset sa empire mo!"

Tinuloy ko na ang pagakyat papunta sa kwarto ko. Hindi ko na lang din pinansin ang galit na pagtawag sa'kin ni Mama. Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto tsaka ko binagsak ang katawan ko sa kama. Kinuha ko 'yong unan ko at tinapik ko sa mukha ko.

This is really so frustrating! I hate this feeling! Hindi ako familiar sa ganitong pakiramdam, hindi ko na talaga alam kung paano 'to i-ha-handle!

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko, bumangon din ako ng kama. Huminga na lang ako ng malalim.

Mag pe-prepare na lang ako for school. Buburahin ko 'tong masakit na nararamdaman ko. Ako si Barbie, ang leader ng Señoritas. Mabilis lang mawawala 'tong sakit na 'to! Para lang 'tong isang scar na ilang araw gagaling din.

Tama! 'Yon na lang iisipin ko.

After kong mag prepare sa pagpasok, lumabas na 'ko ng kwarto ko. Bumaba ako muli ng hagdan at nilibot ko pa ang tingin sa paligid pero hindi ko na makita si Mama.

Lumapit sa'kin ang Mayordoma nang makita niya ako.

"Señorita, pinapasabi po ni Madame na babalik na siya ng States."

I chuckled, bitterly. Talagang sinira muna niya ang lovelife ko bago siya umalis a! Tsaka dinaan pa talaga niya sa Mayordoma ang pagpapaalam niya sa'kin. Kung sabagay, bakit ba hindi pa rin ako sanay? E gano'n naman siya palagi.

Hindi na lang ako nag respond sa sinabi ng Mayordoma at tinuloy na lang ang lakad papuntang kotse ko.

"Señorita hindi ba muna kayo kakain?" Dinig kong tanong niya.

"Hindi na!"

Paglabas ko naman ng Mansion, inis agad ang naramdaman ko nang makita si Alec.

"Good morning B." Bati niya.

Anong good sa morning na 'to? Kung malalaman niya lang ang sira kong umaga hindi niya masasabing good ang morning.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.

"Magpapaka-fiance lang ako ngayon. Ihahatid kita sa school."

"Tinanong mo ba 'ko kung gusto kong magpahatid?"

"Alam mo dapat simulan ng hindi maging cold sa'kin kasi... sooner ikakasal tayo at bubuo ng pamilya."

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo!"

Humakbang siya papalapit sa'kin. "Bakit ba parang galit sa'kin? May nagawa ba 'ko sa'yo? Hindi naman ako ang pumilit sa'yo sa engagement natin dati di ba? Both parents natin ang nag desisyon no'n!"

"Na nagustuhan mo naman!"

"Syempre, dahil mahal kita! Pwede ko ba namang tanggihan na pakasalan ang babaeng noon ko pa mahal? C'mon B. Give me a chance, I know it's hard but please... just try. I promise, kapag na in love ka sa'kin magiging worth it 'yon! I will make you the happiest girl in the world. Hindi lang basta salita 'yon, gagawin ko talaga 'yon!"

Kita ko ang sincere niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Siguro nga dapat bigyan ko siya, tutal tama rin naman siya sa sinabi niya na wala na rin naman talaga akong magagawa sa ayaw ko man o sa hindi, ikakasal kami.

"Okay." Matipid kong sagot.

"Okay, means...?"

"Okay means... magpapahatid ako."

"Okay."

Hinawakan na niya ang kamay ko. Hinalikan pa niya ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"I'll make you fall for me B."

Hindi na 'ko sumagot sa sinabi niya at nag lakad na lang papalapit sa kotse ni Alec. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako, kusa ko ng ginawa 'yon tsaka ako sumakay sa passenger seat.

Sumakay din naman agad siya sa driver's seat, pinaandar niya ang kotse at sinimulan naming dalawa ang byahe.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe kami. Pareho lang din kaming tahimik. Wala din kasi talaga ako sa mood mag salita.

Nang makarating naman kami sa school. Si Alec ang unang bumaba sa'min. Nagpaka-feeling gentleman siya sa pagbubukas ng pinto para sa'kin.

Hinawakan niya muli ang kamay ko sa pagbaba ko ng kotse. Tsaka niya ako sinimulang mag lakad kaya napalakad na din ako. Plano niya siguro akong ihatid hanggang sa S.R.

Habang nasa hallway kaming dalawa at nag lalakad hindi maiwasan ng iba na mapatingin ng mga schoolmate ko sa direksyon namin. Nagtataka siguro ba't ibang lalake ang ka-holding hands ko. Hindi na rin naman kasi lihim sa kanila ang tungkol sa'min ni Daniel. Hinalikan ko ba naman siya dito sa campus e.

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad dahil nakita kong pasalubong si Daniel sa way namin. Nakahawak siya sa likod ng ulo niya na tila hinahaplos niya 'to. Tumingin siya sa direksyon namin at napahinto din siya sa paglalakad. Nakita ko din na may pasa siya sa mukha niya kaya hindi ko maiwasang magalala.

Ano bang ginawa niya sa sarili niya?

Tinuloy niya ang paglalakad niya pero this time nakayuko lang siya hanggang sa malampasan niya kami.

"'Yon 'yong boyfriend ni Bam hindi ba? Mukha siyang basagulero, hindi siya bagay kay Bam." Tanong ni Alec. Nakaramdam ako ng inis sa narinig kong tanong ni Alec, lalo na't sinabi niyang boyfriend ni Bam si Daniel. Mas nainis ako dahil alam kong may feelings din si Bam kay Daniel.

Hindi na lang ako sumagot at bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"'Wag mo na 'kong ihatid, umuwi ka na lang." Nag madali akong pumunta sa S.R hindi ko na rin pinansin ang pagtawag niya sa'kin.

Nakarating ako sa S.R at nakita ko na ang girls na nasa loob.

"B. Have you heard?" Kim asked.

Dumiretso ako sa pagupo. "Ang alin?" I asked.

"Pumunta daw dito 'yong parents ng girl na sinipa mo ng sinipa kagabi sa Club. Nag fi-file daw sila ng kaso dahil daw sa ginawa mo sa anak nila."

"I don't care." Hindi naman 'yon ang first time. Pera lang ang kapalit no'n at iaatras na nila ang kaso. Gano'n naman palagi.

Binaling ko ang tingin kay Toru. "I'm sorry about last night." I told her.

She shrugged. "It's fine, i understand."

"B. Nakita mo na itsura ni Daniel ngayon?" Bam asked.

"Ayaw ko siyang pagusapan!" I snapped. Kahit na ang totoo gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya, kung bakit siya may pasa sa mukha. Knowing him, hindi naman siya basagulero.

Ano ba 'yan, hindi ko dapat siya iniisip e! Nakakainis talaga!

To be continue...

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon