Señoritas 11

7K 255 8
                                    

Lutang ang isip ko habang nandito sa S.R.

Siguro dahil hindi ko na maitago ang kainipan dahil sa tagal ng paglabas ni Daniel sa hospital. Tsk! Gusto ko ng mag date kami eh.

Kainis kasalanan yun ng mga gumulpi sakanya eh. Dapat 'di nila sinobrahan edi sana magaling na siya ngayon.

Urgh Prada!

"Ang tahimik nyo ah?" Bam comments.

Nakayuko lang si Toru sa desk niya. Inaantok pa ata ang loka.

"Masakit ulo ko. Nag lasing kasi kami ni Toru ng bongga kagabi eh." Kim said.

So, 'yun pala ginawa nila kahapon nung umalis sila sa hospital. Bigla namang tumawa si Kim na ipinagtaka ko namin.

"Alam nyo ba si Nathan and Toru-"

"Urgh! Shut up K!" Pagsisingit ni Toru. Inangat niya ang ulo and she glared at Kim.

Kim just laughed at her.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.
Yumuko lang ulit si Toru, kaya kay Kim ako tumingin.

Yung both hands ni Kim pinagdikit niya na parang nag ki-kiss. Nag pout pa siya sabay turo kay Toru.

Ah gets ko na!

I laughed. "Yun pala ang nangyari."

Tumingin sa'kin si Toru at namumula siya.

"Hindi ko gets." Bam said.

"Si Toru and Nathan nag kiss!" Kim told her, loudly making me laugh again.

Pulang pula si Toru mula sa pinagkakaupuan niya.

"You like him?" Bam asked her.

"Uh a little." She answered.

"You can't blame T. Super hot kaya ni Nathan." Kim said.

"Mmm." Bam just hummed.

"Mukhang magiging mag in-law kayo ni Barbie ah." Kim teases laughing.

"Teka! Bakit ako na damay dyan? Tumigil ka nga!"

Mas lalo lang siyang tumawa.

Tumayo nalang ako.

"Saan ka pupunta?" Toru asked.

"Daniel!" Sagot ko. Ibig sabihin pupuntahan ko si Danie sa hospital. Mas masaya pa atang nandun ako kesa mag stay dito at i-tease ng mga 'to.

"Sama kami?" Kim asked.

"'Wag na mang iistorbo pa kayo." Bam said making them laugh.

"Ewan ko sa inyo!"

"Kayo na 'di ba, pero nahihiya ka padin samin magsabi ng feelings mo kay Daniel." Kim said.

"Hindi naman kami ah!" Pagtanggi ko kasi hindi naman talaga.

Wish ko lang sana kami nga, pero hindi naman talaga. Haaay! Kaloka, 'tong iniisip ko. Winish ko na maging boyfriend ang lalake? Grabe! Mag pa-confine din kaya ako sa hospital. Mukhang may sakit ako eh.

"Well, niyaya niya kong mag date!" I inform them.

Nag palakpakan sila.

"Wow! Magkaka boyfriend na si Señorita." Kim said clapping.

Bam and Toru laughed.

I sighed. "Oo na! Sige na sige na! Aalis na 'ko."

Tumingin muna ako kay Bam.

"Daniel told me na sinabi mo daw sa kanya 'yung nangyari sa encounter natin kela Cherry."

She nodded, smiling.

SEÑORITASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon