Chapter 2

13.9K 323 6
                                    

Dalawang linggo na syang nagpahinga sa Pampanga while catching up with everyone. Tuwang tuwa sya sa 2 year old nyang pamangkin na si Chloe. Ang cute kase nito. Madalas nga nasa bahay sya ng kapatid. Minsan naman nasa bahay nila ang pamangkin nya. Mabuti na lang at magkalapit lang ang bahay nila ng kuya nya.

Ilang beses ng tumatawag sa kanya si Sandy para makipag kita sa kanya pero kung ano ano na lang ang idinadahilan. Namimiss nya rin ito syempre pati na ang inaanak nyang si ZD pero maraming pumapasok na alalahanin sa utak nya na maaaring mangyari sa pagpunta nya sa Manila lalo na sa bahay ng mga ito.

Pero definitely makikipagkita sya sa mga ito.

After a week.

Nakatanggap na naman sya ng email mula kay Richard. Tinatanong nito kung kelan daw sya uuwi ng Pinas. Napangiti sya. Hindi nito alam na halos mag iisang buwan na sya dito sa Pilipinas. Ano ba ang problema ng lalaking yun? Hindi sya naniniwala na namimiss sya nito. He must be up for something. Sigurado syang maraming babaeng nagkakandarapa dito. Bakit naman yata biglang biglang nagpapakita ito ng interes lately? At mukhang persistent ha?

Hmmmmmm.....

After a month ay nag decide na syang magpaalam sa mga magulang na luluwas ng Manila para maghanap ng trabaho. Pumayag naman ang mga ito on 1 condition na dapat uuwi sya every weekend.

Mami miss nya ang mga ito lalo na ang cute na pamangkin nya.

Lunes ng umaga, bumyahe sya paluwas.

Tangahali na ng marating nya ang dati nyang apartment noon. Marami syang alaala sa apartment na ito, dito nangyari yung maituturing nyang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay nya at dito rin nangyari yung isa sa pinakamasakit. Masokista yata talaga sya dahil dito na naman sya dinala ng mga paa nya.

Nakausap na nya ang may ari ng apartment na ito sa telepono. Tuwang tuwa nga sya dahil kaaalis lang daw nung occupant ng unit na mismong tinirahan nya dati.

Pagpasok nya ng unit ay hindi nya alam ang mararamdaman nya. Halos walang nagbago sa loob. Yung mga positioning ng furnitures ay nasa dati pa rin. Siguro babae din ang nag okupa ng unit na ito. Pareho ng taste nya eh. Hindi na nya naitanong sa may ari. Nagmamadali kase itong umalis kanina, may pupuntahan pa daw.

Dumeritso sya ng kwarto. Napatitig sya sa kama. Hindi nya maihakbang ang mga paa nya palapit dito pero pilit namang parang may humihila sa mga paa nya na humilata kahit na nga ba wala pang bed sheet na nakalatag.

Naipilig nya ang ulo. Tama na ang flashback. Walang mangyayari sa kanya kung pilit na magta travel ang utak nya sa nakaraan. It has been long over.

Dali dali syang nag ayos. Kailangan nyang pumunta ng JJG hospital. Kailangan na nyang magkatrabaho. Nabo bore na sya eh. At kailangan na nyang maiwasto ang utak ni Doc na wala na itong epekto sa kanya kahit na katiting.

Pagkatapos mag shower ay nag ayos agad sya. Hindi sya yung tipong mapintura sa mukha. Kahit noon pa man ay simple lang sya kung mag ayos. Naglagay sya ng manipis na lipstick at face powder, itinali nya ang buhok nya ng ponytail at nakita na naman nya ang simpleng sya sa harap ng salamin. Nasiyahan naman sya kahit papano. Sabi nga ni Richard noon, mas maganda daw sya pag walang make-up, bagay na bagay daw sa kanya yung medyo bilugang mata nya na tenernuhan ng malalantik na pilik-mata. Pero may nakapagsabi naman sa kanya na siguro daw, nung ginawa ang mukha nya ng Diyos ay sagana pa sa materyales. Mukhang ibinuhos daw kase sa mukha nya yung perfection. Lalo na daw sa lips nya. Napapikit sya at napailing. Hindi ito ang oras para magpakatanga. She needs to have a job.

Agad syang nagsuot ng simpleng white na long sleeve at mini-skirt na hindi naman masyadong maiksi. Bumagay naman sa kanya ang business attire kahit papano.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon