Chapter 28

8.5K 269 10
                                        

Isang linggo na ang nakakaraan ay hindi pa rin maalis sa alaala ni Diane ang short encounter nya kay Nica.

Kung dati ay may inggit syang nararamdaman sa babae ng hindi pa nya ito nakikita, ngayon may nararamdaman syang simpatiya at awa siguro. Kahit saan banda tingnan lase ay niloloko ito ni James. Buntis na ito pero pupusta syang patuloy pa rin si James sa panlalandi ng iba. Nature na eh. Pano pag nakasal ang dalawa? Titigil na laya si James? Malamang hindi dahil nakasanayan na.

Kompirmado na nya na si Nica sa beach ay ang babae rin na nauugnay kay James. Nakompirma nya mismo sa naging usapan ni Nikka at ni Richard ng minsang mag usap nag dalawa. Nasa garden sila noong isang gabi, nagpapahinga na si Don Jaime noon kaya na entertain na nya si Richard. Dumaan si Nica na kagagaling lang yata sa dinner meeting. Tinawag ito ni Richard, "Nikz, pinapakumusta ka ni Doc Nica." ani Richard. "Nica? Labrador?" sagot-tanong ni Nikka. "Yup! Doon kami nag beach ni Diane last Sunday." sagot ni Richard. Nakikinig lang sya, ayaw nyang mag react. Nakita nyang tiningnan sya ni Nikka ng makahulugan. "Kumusta na sya?" pagkuwa'y tanong ni Nikka. "Ayun buntis na." walang anumang sagot ni Richard at humigop sa tasa ng kape. "Buntis na??" nabigla si Nikka. "Shet! Huwag ko daw palang sasabihin muna sayo, isosorpresa ka daw nya. Naloko na! Nakalimutan ko." ani Richard. Pati sya ay napainom na rin ng juice. "Sino ang tatay?" muling tanong ni Nikka. "Secret daw muna eh. Mukhang magpapakasal na yata. Kilala ko daw yung lalaki, malamang kilala mo rin." casual na sagot ni Richard. "Fuck James!" iyon na ang kompirmasyon nya. Pabulong na turan iyon ni Nikka. Masyadong matalas lang talaga yata ang tenga nya pagdating kay James kaya narinig nya. Si Richard ay mukhang walang narinig. "Ninang ka daw sa binyag, kinuha nga rin akong ninong eh." muling wika ni Richard. Napatango na lang si Nikka at nagpaalam na papasok na.

At ngayon nga, Sabado, hinihintay nyang lumabas ng kwarto si Nikka. Kakausapin nya ito. Ipa follow-up nya kung nakakuha na ito ng makakapalit nya. Sa tingin kase nya sobra sobra na ang palugit na binigay nya. Mag iisang buwan na nung mag paalam syang aalis na ng trabaho pero mukhang hindi pa sya kinakausap tungkol dito.

Lumabas si Nikka na bagong ligo. Nakapambahay ito. Mukhang hindi papasok ng trabaho.

"Hi Nikz..gusto sana kitang makausap." panimula nya.

"Oh yeah! Is this about your replacement?" anito.

"Oo Nikz."

"Tulog ka na ng dumating ako kagabi. Ibabalita ko sana na nakahanap na ako and I think, magugustuhan din sya ni Lolo. Willing na syang mag start anytime soon, however we need to get first Lolo's approval. Alam mo naman yun maselan masyado." nakangiting sagot ni Nikka.

"Thank you Nikz.." iyon lang ang nasabi nya.

"No, thank you! For a couple of months you did your job so well na hindi ka na namin kailangang i-supervise. Wala rin kaming narinig na reklamo kahit isa kay Lolo na dati nung nasa US sya, halos araw araw ginagawa nya." at niyakap sya ni Nikka.

Kahit papano ay nakaramdam sya ng lungkot. Naging tahanan na rin nya ang napakarangyang bahay na to for a couple of months.

"Sa Monday magre report yung kapalitan mo. Let's just hope na magustuhan sya ni Lolo. Pero sa tingin ko magugustuhan naman. Pero magre report ka pa rin sa Monday ha?" ani Nikka.

"Oo naman. Walang problema." aniya.

Monday.

Lihim syang nananalangin na sana magustuhan ni Don Jaime ang makakapalitan nya.

Nakita nyang ini-interview ito ni Madam Myrna sa sala.

"Diane, come here." si Madam Myrna.

Agad agad naman syang lumapit. Nasa kwarto pa si Don Jaime. Ito ang huling kikilatis sa magiging private nurse nito.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon