Kahit na hirap ay bumangon sya. Gusto nya kaseng silipin si James. First time in the Philippine history na naglaba ito ng gamit nya at kinikilig talaga sya. Kung wala syang sakit, duda sya kung maglalaba ito ng comforter nya. Siguro ay naawa dahil wala syang kumot. O baka may hinihintay na kapalit. Haiist. Kaya naman nyang ibigay kahit may sakit sya eh.
Dahan dahan syang pumunta sa likod-bahay. Doon kase ang laundry area nya.
Sumilip sya. Nakatalikod ito sa pinto ng kusina kaya hindi sya nito napansin. Nakapang basketball shorts na ito at nakasando. Hindi nya alam kung matutuyuan sya ng lalamunan o magtatatalon sa kilig. Very heartwarming talaga kase ang mga ginagawa ngayon ni James and equally heart-throbbing ang ganda mg katawan nito. His virility and leanness are bluntly displayed in her naked eyes. Kaya napapalunok sya sa bawat paggagalaw ng muscles nito sa mga braso habang kumukusot.
"Pasado ba sa lab test itong mga tirada ko dito, Doc?" pagkuway wika ni James.
Biglang bumaling ang mga tingin nya sa laundry basket na katabi ni James. Nataranta sya. Pano nito nalaman na nanonood sya eh nakatalikod ito sa gawi nya. Soldier's instinct? Naman!
"Bakit binasa mo pati yang ibang mga damit ko?! Akala ko ba yung comforter lang ang lalabahan mo?!" pagtatakip nya sa pagkakapahiya. Malamang kanina pa nito alam na nanonood sya.
"Wala namang kaso sakin kung lahat. Baka mamaya sabihin mo hindi commensurate yung hihingin kong bayad mula sayo sa serbisyong ni-render ko. Mag ge-general cleaning pa nga ako mamaya eh at kukumpunihin ko yang kisameng sira dyan sa kusina mo. Pero huwag kang mag aalala dahil yung sa repair na gagawin ko, yung landlady mo ang sisingilin ko dun. And don't worry kang mag alala, wala kang panty dito, iyon nga ang una kung hinanap kanina eh." nakatawang wika ni James.
"Naglalaba ako ng mga undies agad pagkaligo! Ang manyakis mo talaga! Pati matanda papatulan mo?!" naiinis na wika nya.
"Kelan pa naging kamanyakisan ang paniningil ng pera na bayad sa pagkukumpuni?" napatayo na si James at humarap sa kanya na may naglalarong pilyong mga ngiti sa labi nito. Puro bula ang kamay nito.
Namumula sya malamang. Bakit ba sex agad ang naisip nyang kapalit ng mga serbisyong ginagawa ni James? Well, wala sigurong pwedeng sumisi sa kanya. Si James to eh.
"James huwag kang lalapit! Basa yang mga kamay mo! May sakit ako!" natatawa ng wika nya.
"May mas sakit ako sayo. Masakit ang puson ko babe. Kagabi pa. Panindigan na lang natin na manyakis ako at tuparin na natin yang nasa isip mo na sex ang gusto kong kabayaran mula sayo. Pa advance naman ng bayad oh. Pero kay Aling Merced, pera naman ang hihingin kong bayad doon masyado ka namang judgmental." pilyo pa rin ang pagkakangisi ni James.
Napapaurong na sya at hindi pa rin nya mapigilang di matawa.
"James! Binabalaan kita!"
Dahan dahan pa rin itong lumalapit na nakangisi at akit na akit na sya. He's so hot! Punyeta!
"James tapusin mo na muna yan please??"
Lalo lang itong lumalapit habang paurong naman sya ng paurong. Isang hakbang na lang makakapasok na ito ng pinto sa kusina.
"James banlawan mo muna yang kamay mo! Maraming bula!" nanlalaki na ang mata nya.
Hindi na sya makaurong dahil nasukol na sya sa dining table at nasa harap na nya si James.
"Let's have now, hot and bubbly sex here, babe." bulong nito. Nasa tenga na nya ang bibig nito at nakikiliti na sya. Napapikit na lang sya. Hinintay nyang dumapo ang mga labi nito sa labi nya.
Naramdaman nya ang labi ni James sa noo nya. Napamulat sya ng mata at napatingin dito.
"Mainit na naman ng noo mo! Uminom ka ulit ng bioflu, Di!" natatarantang wika ni James.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AçãoJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...