Chapter 25

9.9K 296 78
                                    

Nagplanong pumunta ng sementeryo, umulan, hindi na tumuloy, nag update na lang..lol!
Need your comments to boost my imagination. It would be awesome though if you could give me some ideas and concepts because honestly, I'm running out of 'em...lol!

PS: I'll wait for your comments. Ngayon lang naman ako humiling, teka ngayon lang ba? Wala kase akong kasama ngayon dito sa bahay. Nakakatakot. Magbabasa na lang ako ng mga comments...lol! Kaway kaway naman sa mga silent readers dyan! Utang na loob! Break your silence, men! Otherwise, mas panget ang update na kasunod nito na hindi natin alam kung kelan...sabi siguro ng readers..."who the hell cares?!" 😔😔😔😔😔😔😔
Happy Halloween everyone! 😱😱😱😱😱

Dinala sya ni Richard sa isang restaurant na wala silang naging malalim na usapan. Hindi ito umungkat o nagtanong ng tungkol sa kung ano ang nangyari kanina sa apartment nya. Pumasok sila sa restaurant, tinanong sya ng gusto nyang pagkain, sinabi nyang ayaw nyang kumain, bahagya itong namilit at muli syang tumanggi, and then he acceded. Napaka simple nitong kausap. One more thing, napaka wholesome talaga ng lalaking to, in fairness. Siguro, kung ibang lalaki ay sa bar sya dadalhin dahil sa very obvious na pinagdadaanan nya. Sabagay, doctor nga pala ang kasama nya at ang alam nito may sakit sya.

Good thing about Richard is, he doesn't insist neither impose. Iginagalang nito ang kagustuhan nya. Kaya nga nagtataka sya sa pagiging persistent nito sa panunuyo muli sa kanya. Hindi naman ganitong klaseng tao si Richard eh. Ang pagkakakilala nya dito, hindi ito mapilit na tao. Well, ganun pa rin naman ito. Dito lang talaga sa panliligaw sa kanya ito mapilit kaya nga minsan ay pinagtatakhan nya.

Si James naman, kadalasan sya ang sumusunod sa mga kagustuhan nito. Katunayan, sa simpleng pagkain, pag sinabi nyang ayaw nyang kumain, kakain pa rin sya sa bandang huli dahil tiyak, hindi ito papayag. Napaka bossy.

For Christ's sake, stop comparing Diane! Hindi makakatulong yan sa desisyon mong paglayo kay James! Matuto kang manindigan! Matuto kang i-block sa utak mo ang kahit na anumang may kinalaman sa kanya! Sermon nya sa sarili.

Pagkaalis nila sa restaurant ay dinala naman sya ni Richard sa coffee shop.

"As far as I can remember, favorite mo ang coffee and cakes nila dito." anito.

Napangiti sya. Simpleng humirit si Richard eh. Alam nito na di nya mare resist ang cake at coffee dito. Hindi nga sya nito napilit kumain pero gumawa pa rin ito ng paraan. Kaya noong sila pa, wala silang masyadong pinag aawayan nito. One time lang talaga, yung pagkakahuli nya dito na may ibang babae na hindi nga maituturing na away dahil wala namang personal na komprontasyon na nangyari noon. Iniwasan na lang din nya kase ito at nagtago.

"Richard, hindi mo paborito ang cake and anything na may coffee. Busog pa rin naman ako. Huwag na tayo dito. Pwede bang ihatid mo ako kila Sandy?" aniya.

"Pag paborito mo ang isang tao, you'll soon realize na lahat ng paborito nya ay nagiging paborito mo na rin. Top 1 and top 2 na ang cake at coffee sa food favorite list ko. Umupo ka na sa table for 2 na yun, Di. Oorder lang ako." anito na nakangiti. Lumabas ang pantay pantay at mapuputing na ngipin nito. Cute talaga ng lalaking to, in fairness.

"Ang totoo, na miss ko talaga cakes nila dito and yes the coffee. Thanks for insisting. Alam mo na yung fave flavor ko diba?" aniyang nakangiti na rin dito.

"Kilala kita Di. Alam ko na kung kelan kita pipilitin ng kunti at alam ko kung kelan hindi oobra ang pamimilit ko. Sige na umupo ka na dun. Ako na bahala sa favorite flavors mo dahil yun din naman ang paborito ko." anito.

Napatango na lang sya.

"Bakit naman isang buo ang kinuha mo?" aniya.

Isang buong blueberry cake kase ang kinuha ni Richard.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon